Yung Kaibigan Mong Pinaglihi sa Mais

129 5 0
                                    

Kumakain kami ng lunch sa ilalim ng shade ng puno sa may rooftop (posible yan). Nang biglang tumawa si Devin, yung classmate ko noong highschool at schoolmate ko ngayon. Nagtinginan kaming tatlo ni Julius at RJ, minsan kasi parang nahuhulog ang mga tornilyo sa utak nitong si Devin.

Tinanong namin siya kung ano ang problema niya at sabi niya eh may naisip daw siyang joke. Siguradong face-palm worthy nanaman ang joke nito.

"Knock knock"

"Who's there?"

"Gangnam"

"Gangnam who?"

"Gangnamay tubig, ang sinisisid sa patagalan ng paghinga sa'kin kayo ay bibilib." With matching action pa yung siraulo. Walang may nagreact. Awkward siguro para sa kanya, tapos bigla siyang binatukan ni RJ.

"G@ga! ako yung nagsabi niyan sa'yo eh! Tapos mali pa yung action mo. Ganito kaya yun." Tapos kumembot si RJ. As lumalabas ang inner goddess niya na para bang Anastasia Steele. Minsan pinagdududahan ko na 'tong isa eh.

Tinanong ni Julius kung bakla ba siya o hindi tapos todo deny siya. Nagflex pa siya para makita namin yung biceps niya at nagwoworkout daw siya. Ah okay.

Frank, to be FrankTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon