Sojum Chloride

15 3 0
                                    

6pm at nasa labas ako ng bahay, naghihintay ng kung ano, nang biglang may narinig akong malakas na tunog na parang may nahulog sa loob ng bahay. Chineck ko kung ano, baka may namurder, si Michelle lang pala. Nakita ko siyang nakaupo sa sahig na may kasamang soju. Tinanong ko siya bakit niya ininom, sabi niya eh bakit daw kakaiba yung tubig sa amin- biglang nagpapainit ng katawan daw. Tonto lang? Kitang Korean at hindi mo alam kung ano yung nasa loob iinumin mo. Pero mukhang tubig na man talaga ang soju.

Mayroon kaming limang bote ng soju dito sa bahay kasi ibinigay ito kay mama noong pumunta siya sa norte. May mga koreano doon kaya binigya siya ng mga soju. Hindi naman namin ininom at plano naming ilabas ito pag may magpapaparty. May lahing daga ata ang babaeng 'to.

Tinignan ko yung bote at parang mauubos na niya kaya kinuha ko at ibinalik sa ref. Nahirapan pa akong kunin kasi wag na lang daw ibalik kasi baby na daw niya yun. Tindi ng amats. Ang baba ng alcohol tolerance, halatang hindi nag-iinom. Pinatulog ko pero ayaw niya kaya nag-usap kami.

Nakakatawa yung mga topic namin. Mga problema niya sa school, kung gaano niya kamahal ang aso niyang si Cookie na namatay noong bata pa siya, yung mga binubully niya, yung bullies niya, basta marami. Nakakatuwa nga lang kasi may action pa yung kinukwento niya. Parang mas matino pa siyang kausap pag lasing. Pag sober kasi parang utusan lang ako at palagi niya akong inaapi. Hahahaha, inaapi. Dito ko lang nalaman na MedTech Student pala siya at magpoproceed siya ng Medicine. Rich kid. Maya-maya'y nakatulog na din siya finally.

Siguradong hangover 'to bukas, tingnan natin kung kakayanin niya.

Frank, to be FrankTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon