Nagpakulay ako ng buhok.
Ewan kung bakit basta pumasok lang ako sa parlor ni Aling Bebe at nagpagupit, tapos nagpakulay. Hindi ko rin alam kung anong espirito ang sumanib sa kaluluwa ko para magpakulay ng buhok. Konting highlights lang naman, blonde. Yung gold na variety. One down sa bucket list.
Basta nagpakulay ako ng buhok.
"Wow, pare. Feeling hollywood?" Sabi ni Julius.
"Hahahahahahahahahahahahaha lol" Sabat naman ni Patchot.
"Hahaha! Mukha kang bakla. Ay, bakla ka na pala." Text ni Michelle.
"Cool! Gusto ko ring magpakulay kaso hindi pwede sa school." Sabi ni Anthony.
Grabe naman sila makapagreact. Parang nagpakulay lang eh. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko 'to aalagaan. Parang siraulo lang.
Basta nagpakulay ako ng buhok.
BINABASA MO ANG
Frank, to be Frank
AdventureFeeling Spin-off ng Jeep ba. Tungkol sa isang human na si Frank. Kung gusto niyo ng waste of time basahin niyo 'to. Salamat sa support. :) i lab you all Adventures ni Frank (2) Frank, to be Frank ((march 21, 2015))