National University Athletics, Cultural, and Educational Association Festival

86 3 0
                                    

Mayroong 15 universities sa NUACEA at isa ang Pik A. Chou University, ang university namin, doon. NUACEA festival na, at nasaan ako?

What? NUACEA 2015

Where? Panchen Park and Stadium- Sports Complex

Why? NUACEA Football Championship 2015, Dako Irong Memorial State University vs Pik A. Chou University- Final Game

When? Ngayon.

How? Ewan ko, nadamay lang ako.

Ichecheer daw namin yung university namin dahil nakalusot sila sa finals. As usual, televised kaya makikita ito sa buong bansa, baka mahuli yung gwapo kong mukha sa camera at maging sikat. And as usual, DIMSU vs PAC-U, rivals daw kasi yung dalawang 'to.

Mapalad kami ng tropa dahil malapit yung seats namin sa field. Stadium kasi eh, yung iba nandoon sa may malapit sa taas, kakailanganin mo ng binoculars. Hindi naman puno yung stadium, maganda din doon sa taas, parang naglalaro ka ng FIFA- kaso hindi ako makakita doon. #medyoBulag

Nagsimula ang first half at nasa kabila ang possesion. Natapos ang first half ng walang injuries at may isang yellow card para kay RJ from PAC-U. Isang goal din mula sa PAC-U, dahil sa header ni RJ noong inihagis ni R. Uy ang bola mula corner kick. Matinde si RJ ngayon.

Noong second half ay humabol ang DIMSU at nalamangan nila ang PAC-U ng dalawang points, so 3-1 na. Lumala pa ang sitwasyon nang si R. Uy ay nainjure, nawalan tuloy ng mabangis na forward. Into the last 5 minutes ay sunod-sunod ang paggoal ng PAC-U with RJ at J. Uy (kambal ni R). At dahil walang may nakagoal, overtime.

Hyped ang lahat at biglang dumating si Michelle. Nagulat pa ako kasi tinapat niya yung iced tea sa mukha ko. Ang lamig (syempre, iced tea). I realized na tagaDIMSU pala siya at wala din silang class kahit nasa kabilang campus sila ng DIMSU. Wala daw siyang kilala kaya napunta siya dito kakahanap ng sasamahin.

"Maganda pala yung football ano? Sana matanggap din ito sa bansa kagaya noon." Sabi niya. "Oo nga eh."

Football kasi talaga yung sport dito simula noong tinuruan tayo ng mga Kastila, kaso nagattack yung mga Kano. Inintroduce nila yung basketball at boom- basketball crazed na ang mga pinoy. Anong laban mo sa action-filled games na gustong-gusto ng mga indio?

Biglang naghiwatan ang mga tao. Natapos ang game at nanalo ang DIMSU. 1 point lead.

"Haha, looks like 3-peat na kami. Sorry na lang kayo." Sabi ni Michelle, napadighay na lang ako.

"Nga pala." May hinagis siya at hindi ko nasalo. Hindi naman ako bad catcher, sadyang masama lang siyang mag-sight. Hahaha!

Nagpaalam siya at loner nanaman ako. Tinignan ko yung hinagis niya at yung iced tea niya lang pala, basura ang laman. Tapos may sulat pa sa labas. 'PAKYU' Ayos na sana eh. Kaso walang laman tapos may sobrang sweet pang note. Sa sobrang sweet parang madidiabetes ako.

Nang pwede nang umalis ay pumunta ako sa swimming pool kasi may event doon. On the way ay may mga Dimsumian na nagsisigawan ng 'Proud to be Dimsumian'. Marami sila. After mga 3 minutes ay may magbabarkadang magsisigawan na proud sila maging Dimsumian. Tapos ibang magbabarkada naman, and then ibang group naman. Yung ibang professors (base sa kanilang mga mukha at uniform) nakikisigaw din. Oo na! Kayo na proud!

Medyo nakakairita lang kasi wala akong pake, at may ibang taong naiirita din. Pero okay lang. Understandable naman siguro dahil parang sa mga events katulad nito lang sila nagshi-shine. Sa academics kasi medyo average lang sila (except sa ibang Colleges nila-especially sa medical field, parang unequal yung distribution ng proper education).

Sa lahat ng sigawan ng mga Dimsumian nagutom tuloy ako. Gusto kong kumain ng dimsum.

Frank, to be FrankTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon