Wings

17 3 0
                                    

Nagising ako dahil ginising ako ng mayamang yagit. Kung tinatanong niyo kung saan ako natutulog, sa sofa lang po. Yung mayamang yagit sa kwarto ko. Yaya ako ngayon. Yayang walang payroll. Sad nuh. Nakalock yung kwarto ni mama. Wala siyang tiwala sa akin. Sad nuh.

May headache daw siya tapos ang sakit ng mga mata niya. Sasabihan pa ako. Nasaan nga ba yung pake ko? Ah, wala pala akong pake. Sino ba naman ang iinom ng isang bagay na hindi mo alam kung ano. Sabagay, curiosity kills. Maraming namatay dahil diyan. Sa sobrang curious, ang iba nagiinsert kahit alam nilang mayroong bagay na lalabas at aatake sa pagiinsertan. Kaya dapat mayroong proteksyon. Virus nga kasi, kahiya sa computer. #PreventionIsBetterThanCure

Anyway, pinabayaan ko lang at bumalik sa tulog ko.

Maya-maya'y nagising nanaman ako dahil sa sigaw ng yagit. Yung red sea niya daw dumating at walang ayPad doon sa cr. Hindi ko naman pwedeng ibigay yung kay mama kasi baka malaman niyang may engkantong nakitira dito sa bahay noong wala siya.

"Eh anong gagawin ko? Bibilhan ka?!"

"Natural!"

"Ayoko! Nakakahiya! Mabulok ka diyan!"

"Frank naman oh!" Nakakabigla naman, tinawag ba naman ako sa pangalan ko.

"Beks?!"

"Ano?"

"Sige naaaa."

Sarado nga pala yung pinto ng cr kaya pasigaw yung pagsasalita namin. Alangan naman.

"Kung ayaw mo lalabas ako at ipapaligo sa'yo ang red sea na nakahubad!"

"Talaga?"

"EWWWWW NO WAY!"

Pfft. Sige na nga lang, nakakaawa yung bruha eh. Umalis ako pero hindi ko siya sinabihan na aalis ako para bumili ng kanyang portable lalagyan.

Bumili ako kina Aleng Sandara at si Totoy, yung anak niya, ang nagbabantay ng tindahan. Paksyet nakakahiya talaga. Tinitigan pa ako na para bang may ginawa akong masama. Kung ano man yung iniisip niya, sigurado akong mali.

Pagkabigay ko sa kanya hindi pa natuwa kasi walang wings daw yung binili ko. ABA'Y MALAY KO NAMAN KUNG ANO YAN, GINAGAMIT BA YAN SA PAGLILIPAD O ANO. Hindi man lang nagpasalamat.

-----

dalawang chapter kasi swag bro.

Frank, to be FrankTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon