Epidemyang Makati

34 3 1
                                    

7.50 na lang ang Ariel at plano kong maglaba kaya bumili ako dun sa store nina Aleng Sandara.

Pero pucha, tag 8 dun, nagkulang ako ng .50 pesos. Gusto kong magwala sa harap ng bahay nila, ipapaalam ko sa buong mundo na wag nang bumili sa store nina Aleng Sandara kasi hindi nila ibinebenta ang Ariel sa halagang 7.50. Sino ba namang taong magdadala ng .50 para sa patong. Andaya nila. Parang hindi pa nila nalaman ang news. Kahit labag sa loob ko eh bumili ako.

Nang makauwi ako eh nagsimula akong maglaba at as usual, dinadala ko yung phone ko. Nilalabhan ko yung shorts ko nang biglang may tumawag. Si Michael, yung kapitbahay naming snob.

Sabi niya eh nagbreak na daw sila ng gf niya, kaya umiiyak siya. Tapos sobrang memorable daw yung pinto ng bahay niya sa kanilang dalawa kasi doon nagsimula ang lahat. Parang gusto kong sabihing wala akong pake, pero sige lang. Dugtong pa niya kinailangan niya lang kasi ng ibang source of love kasi hindi ito maibigay ng gf niyang nasa ibang bansa (long distance relationship teh), nanloko pala at naglandi amfota. By chance lang daw kasi. By chance na may nakita kang bagong source of love at by chance din na nagsawa ka na.

Gusto ko siyang bugbugin, so much after 7 years sa relationship. Andaming gustong mareach yung 7 years and more na lasting relationship tapos ibabasura niya lang dahil gusto niya ng ibang source of love. Hindi niya man lang nagawang maghintay para magbigay muli ng love ang spring ng pag-ibig, sabi nga daw nila "ang tunay na pag-ibig marunong maghintay". If only hindi ko siya pinakawalan.

May isa pa daw siyang rason kung bakit siya umiiyak. Umalis daw ang isang member sa paborito niyang boyband.

"Sthige lang. May mag-asa ma. Mamalik nin yun." Bago ko makalimutan, ngongo pala si Michael. Naglaslas pa daw siya dahil dito. Andaming nang-iiwan. Syet. Kaiyak. Wow. May bula na pala sa mata ko, ang sakit.

Parang nawawalan na ako ng pag-asang maniwala sa forever.

As much na gusto ko nang iend ang call, ayaw ko namang iend kasi feeling ko disrespectful. May ethics pa rin naman ako.

Pero 8 parin yung Ariel nina Aleng Sandara. Ang sakit.

Frank, to be FrankTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon