Ang Drama Naman

6 2 0
                                    

Nagimprove na yung rice na isinasaing ni Michelle. Nakakatuwa. Siya yung ipinapaluto ko ng kanin. Hahahahaha nakakatamad eh, maganda pala pag may katulong sa bahay, kaso delikado 'tong katulong ko. Nagbabanta na lalasunin niya daw yung niluluto niya. Parang lason na nga kahit hindi na niya lagyan, paano na kaya kung meron.

Pagkatapos ng apat na araw na pagyayaya ko sa mayamang yagit at bago siya bumalik sa kanilang bahay ay tinanong ko kung bakit nga siya "naglayas". Noong una eh ayaw niyang sabihin pero sinabi rin. Ayaw ayaw pa.

Palaging nag-aaway yung mga magulang niyang minsan niya lang nakakasama sa bahay. Puro katulong lang daw nila yung kanyang mapapagkatiwalaan. Sa lahat daw ng kaibigan niya ipinagtataboy kung hindi sila nagugustuhan ng kanyang mga magulang. Binubully daw siya. Parang walang freedom daw sa kanyang life, yung parang martial law. Tapos noong nagbreak daw sila ng boyfriend niya mga a week ago, parang biglang gumuho yung mundo niya dahil ang isa sa mga importanteng tao sa kanyang buhay ay umalis dahil nakahanap na siya ng iba. Dahil daw doon eh hindi siya makakain ng maayos. Pati yung grades daw niya hindi na kasing taas tulad dati at parang hindi niya maisungkit ang titulong Suma Cum Laude.

Pero sa huli may karugtong siyang "joke lang, but not all naman joke. it's up to you kung ano yung paniniwalaan mo" Nagbigay pa ng problema. Dagdag na problema. Maaawa na sana ako eh, pero sabi niya wag daw.

Sabi niya sa akin, wag daw akong magpakilala sa kanyang mga magulang. Paano kaya kung aakyat ako ng ligaw? Charot lang. Hindi muna ako maglolove life hanggang makahanap ako ng trabaho. Sana matupad yan. Hahahaha, tangingang pag-ibig yan eh.

Mabuti nga lang umuwi siya bago nakauwi si mama. Kung hindi baka madead ako.

Sa totoo lang tumahimik yung bahay noong umuwi na siya. Back to regular life nanaman.

Ang boring.

Walang nakakabadtrip na boses na nag-uutos minuminuto.

"Oh ba't ka bumalik?"

Hahaha bumalik ang bruha.

Frank, to be FrankTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon