McDolichow C

45 4 2
                                    

Tumatambay kami ng tropa sa McDolichow C dahil wala na kaming magawa pagkatapos ng pagmimiteengan para sa group work at tiyempohang katabi namin ang mga ino-orient na mga soon to be employees, ang ingay pa nung manager na nago-orient. Hindi naman namin sila mapaails, nasa pinakadulo sila ng fast food chain at dito kami nagsiupo, kami pa yung magagalit? Dito kami pumwesto kasi malayo sa sibilisasyon.

Nanonood yung mga kagrupo ko ng video ng isang batang nagu-Uptown Funk, tapos pinagtatawanan nila. Nakakatawa naman talaga, kaso hindi ko maenjoy kasi ang layo mula sakin ng smart phone. Dahil hindi ako makarelate doon sa kanila eh dito na lang ako sa mga inoorient nakijoin. Nalaman ko kung bakit ganun sila makipagdeal sa customers. Yung dapat WOW na service daw talaga yung ibibigay. Maya't maya'y may video na ipinakita yung manager, pero nandito parin kami.

Malapit 30 minutes yung video, siguro sobrang pasalamat ng manager na mayroong video. At least matitipid yung laway niya.

"Hindi man lang ba sila naiinip? Grabe." Sabi ko kay Julius.

"Pag eager kang magkatrabaho hindi ka naman siguro maiinis kung inoorient kayo. Andyan na yung opportunity eh. Lalo na't ang hirap maghanap ng trabaho ngayon." Minsan lang ako sineseryoso ni Julius, kaya pinalakpakan ko siya. Napatingin naman yung iba sa amin, tapos bumalik sila muli doon sa video. Iglue ko kaya yung mga mata niyo diyan sa smart phone na yan.

Pinagmasdan ko yung mga inoorient. Mga college graduate naman yung porma nila kaso base sa kanilang mga skin tone at mukha, parang mula sila sa probinsya. Oo na, ako na yung judgemental at assuming, parang ikaw hinde. Hahaha! College graduate na nga underemployed naman pagdating sa siyudad. Nangyayari yan eh. Sana makahanap ako ng stable job pagkagraduate ko.

Frank, to be FrankTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon