Aya
"Hay naku, Aya. Tigilan mo na nga 'yang pagmumukmok mo. Bumangon ka na dyan," sermon agad ang bungad ni Pat ng makapasok siya sa kwarto ko.
"Kung magre-reply 'yon, sana noong isang linggo pa. Isang linggo na kayong hindi nag-uusap. Umaasa ka pa rin ba? Hindi ka na natuto," patuloy nito sa panenermon sa akin.
Bumangon ako sa pagkakahiga at umupo sa gilid ng kama ko.
"Baka busy lang sa work," maiksing sagot ko kay Pat. Hindi ko na kasi alam kung anong isasagot ko sa kaniya. Lahat na ng posibleng dahilan ay nasabi ko na kaniya. At saka isa pa, kahit ano namang sabihin ko eh hindi na ito naniniwala sa akin.
"Nakita nga ni Anne sa bar, hindi ba? Having a good time with his girl friends," taas kilay na pg-ulit niya sa sinabi sa amin ni Anne noong isang araw.
"Kaibigan niya lang 'yung mga 'yun. Friendly naman talaga si Melvin," pagtatanggol ko kay Melvin.
"Ewan ko ba sa'yo. Matalino ka naman pero pagdating sa LOVELIFE 101, itlog palagi ang nakukuha mong grade," iiling iling na lang si Pat.
"Ang harsh mo," binato ko siya ng unan na agad naman niyang nasalo. Mabilis talaga reflex ng isang ito.
"Bestfriend mo ako, Aya. Kaya sinasabi ko sa'yo ang totoo. Nakailang balikan na ba kayo niyang jowa mo?" kibit balikat nitong tugon sa akin.
"Mga 3 times?" tumingin pa ako sa itaas upang mag-isip at magbilang.
"At sa tatlong 'yun, lahat 'yun may other woman. Palagi ka na lang nagpapauto diyan kay Melvin," napahawak na lang sa beywang niya si Pat.
"Mahal ko eh," iyon na lamang ang naisagot ko. Anong magagawa ko? Eh mahal ko naman talaga si Melvin kaya pinipili ko laging magpatawad. Mali ba ako?
"Iyan tayo eh. Mahal ko kasi bes. Hay naku. Kapag hindi mo pa itinigil 'yang kakaganyan mo kay Melvin eh ipapatapon na kita sa Marawi," napabuntong hininga na lamang si Pat. Hindi talaga siya nagsasawang pagsabihan ako kahit ilang beses nang naulit ang ganito.
"Teka lang. Hindi pa naman tayo sigurado eh. Hindi pa tayo sure na iniwan na nga niya ako," paliwanag ko sa kaniya.
"Aray," reklamo ko nang bigla akong lapitan ni Pat at binatukan nang malakas.
"Kailangan mo nang magising sa katotohanan," nangingising sagot sa akin ni Pat.
"Ah basta. Umaasa pa rin ako. Hangga't hindi sa kaniya mismo nanggagaling na ayaw na niya sa akin, hindi pa rin ako susuko. Kakapit ako sa lahat ng pwedeng kapitan."
"I rest my case. Bahala ka na nga diyan. Pero bumangon ka na please lang," tumayo si Pat sa pagkakatayo. Kumuha ito ng damit sa cabinet ko.
"Maligo ka na at magbihis. Tignan mo epekto sa'yo ni Melvin, isang linggo ka nang absent. Magpasalamat ka mabait si Ma'am Dorothy. Pero next week, 'yung anak na raw ang magiging acting CEO. Kaya umayos ka dyan. Baka mapurnada pa promotion mo," tuloy-tuloy na panenermon nito sa akin. Ganiyan man 'yan si Pat, ramdam na ramdam ko naman ang concern at pagmamahal niya sa akin.
Tumayo ako at huminga ng malalim.
"Pangit ba ako? Kapalit palit ba ako?" maluha luha akong nagdrama sa harap ni Pat.
Ngumisi lang ito at inirapan ako.
"Luma-Liza Soberano? Hindi bagay," natatawa tawa nitong tugon sa akin.
Napanguso na lang ako.
"Grabe ka naman sa akin."
Umiling iling lang ito.

BINABASA MO ANG
Si Boss Pogi at Ako
Teen FictionWhat will happen when hope meets despair - isang babaeng puno ng pag-asa at isang lalaking hindi na naniniwala sa pag-ibig? Can their differences lead them to their happily ever after?