Chapter 6

166 1 0
                                        

Mark

The night was cold and she just suddenly kissed me. Hindi ko alam kung bakit pero I kissed her back. She even removed her top. Kaya nakita ko 'yung nunal niya sa balikat. Dala siguro ng kalasingan. Tama nga si Caleb, nawawala sa sarili si Ligaya kapag nakakainom. Pumikit ako bago ko siya pinigilan sa ginagawa niyang paghalik sa akin. Agad akong lumabas ng kuwarto at tumawag ng hotel attendant para i-assist sa paglilinis sa kaniya.

Yeah, I am the kind of guy who does one night stands. Kung tutuusin ay pagkakataon ko na iyon. I can do whatever I want with her tutal siya naman ang nag-initiate ng halik. Pero may something sa puso kong nagsasabing iba si Ligaya. Hindi sa ganitong paraan ko siya gustong makuha.

Yes, there is something with her kiss that makes me want more of her. There is something with her kiss that makes me smile tuwing naaalala ko 'yun. I want her. At hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nakukuha.

"Attorney Saavedra," nakangising bati sa akin ni Caleb. Naandito ako sa isang coffee shop malapit sa opisina namin.

"Here," dagdag pa niya sabay abot sa akin ng isang sobre - ang wedding invitation ni Stanley.

"Mukhang tuloy na tuloy na ang kasal ni Stanley, the Playboy." Napangisi ako pagkaabot ng sobre.

"You can bring a plus one sabi ni Stanley. You can invite Felicity." Tumigil ito at ngumisi.

"Or Aya?" Lalong lumawak ang ngiti sa labi niya. Napasandal ito sa upuan at napa cross arms pa. Mukhang nakarating na sa kaniya ang balita.

"May pakpak talaga ang balita," I sighed.

"What's the score between you and Aya, huh?" diretsang tanong niya sa akin. Nanatili siyang nakasandal sa upuan at nakangisi.

"Ano bang balita ang nakarating sa'yo?"

"That you are buying her coffee everyday. I know you, Mark. You won't be doing that kung wala lang. Aya must be special. So, what happened in Baguio?" Tinaasan niya ako ng isang kilay. Daig pa nito ang babae kung mang-intriga.

"I won't tell you what exactly happened. Pero, yes, may nangyari kaya gusto kong mas makilala pa siya," paliwanag ko. Of course I would not tell him that me and Aya already kissed. Ayaw kong mapahiya si Aya kahit kay Caleb lang.

"Don't tell me, sinuko na ni Aya ang Bataan sa'yo?" Nanlaki ang mga mata ni Caleb at napatuon ang siko sa la mesa.

Umiling ako.

"No. Ganoon ba ang tingin mo sa akin? Pagsasamantalahan ang isang babaeng lasing?"

Napabuntong hininga si Caleb. Umaliwalas din bigla ang mukha niya.

"Mabuti naman at naku pati ako idadamay ni Pat sa galit kapag nangyari iyon. Eh ano bang balak mo kay Aya?" usisa pang muli ni Caleb.

"I want her."

"Eh paano 'yan? You want flings and Aya believes in happily ever after. Naniniwala 'yan sa modern Cinderella. Naniniwala siyang darating ang prince charming niya." Napailing iling pa si Caleb.

"Baka it's time for her to experience new. 'Yung relasyong chill chill lang," I uttered.

"Naku, good luck na lang sa'yo, Attorney. Mahihirapan ka diyan. Hindi 'yan kagaya ng mga babaeng nagkakandarapa sa'yo."

"Exactly. Kaya ko siya gusto. I want to experience dating someone na walang gusto sa akin." I chuckled.

Kumunot naman ang noo ni Caleb na tila naguguluhan sa sinasabi ko.

"Ewan ko sa'yo, Mark. Sumama ka na lang mamaya. Niyaya ni Pat si Aya mag-bar," ngumiti si Caleb at itinaas taas ang mga kilay niya.

Napangiti ako ng malapad.

Si Boss Pogi at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon