Chapter 3

149 2 1
                                        

Aya

"Bakla ka. Nakakaloka ka, Aya. Bigla ka na lang nawala kagabi," bungad ni Pat pagkatapos niyang bumili ng kape sa counter. Inilapag din niya ang inorder niyang kape sa mesa.

"Ang boring bes. Alam mo namang wala akong hilig sa mga inom inom na iyan." Tinaasan ko na lang siya ng kilay. Inabot ko ang kape ko.

"At paano rin ako mag-eenjoy eh nandoon ang halimaw nating boss," dagdag ko.

Nakita kong napangisi si Pat. Uminom siya ng kape at napabuntong hinga.

"Bestfriend pala siya ni Caleb. Sorry naman. Kagabi ko lang din naman nalaman. Nabanggit na niya sa akin before na boss ko 'yung kaibigan niya. Si Boss Pogi pala," sagot ni Pat sa akin.

Nasamid ako. Muntik ko ng maibuga ang iniinom ko.

"Boss Pogi? Saang banda? Wala kang taste," pag-angal ka.

Pinagpatuloy ko ang pag-inom ng kape ko.

"Pogi naman talaga si Attorney! Saka kaya pala pinaglihi siya sa ampalaya ay dahil sa pag-ibig," mala-kuya Kim ang tono at ekspresyon ng mukha ni Pat na tila nagbibigay ng trivia.

Hindi ako sumagot. Hindi naman kasi ako interesado. Pero patuloy pa rin sa pagku-kuwento si Pat.

"Hindi pala siya sinipot ng bride sa mismong araw ng kasal nila. Na-realize raw ni girl na hindi niya kayang i-give up ang kaniyang modeling career for Sir Mark," patuloy ni Pat.

"No wonder," napakibit balikan na lang ako.

"Sa ugali na 'yun ng boss natin. Hindi malabo na ma-realize ng girl na hindi siya worth it para i-give up niya ang lahat," dugtong ko.

"Actually, perfect boyfriend daw si Sir Mark. Nagsimula lang naman daw 'yang maging bitter sa buhay dahil sa nangyari," napailing iling si Pat na tila ba nanghihinayang.

"Kaya 'wag mong i-judge si Sir Mark! Bitter lang talaga siya sa mundo dahil sa nangyari. Isipin mo ten years silang in a relationship. Everything is perfect tapos bigla na lang siyang iniwan kaya intindihin mo na ang pagsusungit n'ung tao," paalala sa akin ni Pat.

"Sus. Hindi halata na bitter siya. Kung makipaglampungan sa mga babae kagabi eh parang wala ng bukas," napailing na lang ako at napabuntong hininga.

"Paraan lang niya 'yun para makalimot saka nawalan na nga ng tiwala sa mga babae," paliwanag ni Pat.

"Whatever. Tara na nga. Samahan mo muna ako sa bookstore, may bibilhin ako," akmang patayo na ako ng biglang nanlaki ang mga mata ni Pat na tila ba nakakita ito ng multo.

"Wait. 'Wag muna," hinawakan niya ang braso ko upang pigilan ako.

"Ha? Kanina pa ubos kape natin. Tara na. Madami pa akong kailangang gawin sa bahay," pagyaya ko sa kaniya.

"Ah eh ano kasi-" hindi malaman ni Pat ang sasabihin niya sa akin. Anong nangyari rito? Bakit parang ayaw niyang umalis kami rito?

"Ano kasi eh gusto ko pa ng isang kape. Upo ka na muna, Aya. Bibili lang ako. Saglit lang 'to," pagpilit niyang muli sa akin.

"Bawal sa'yo madaming kape. One cup a day lang. Ang gulo mo eh. Tara," hinila ko ang kamay ko para maalis ang pagkakahawak niya.

"Aya-" muli akong tinawag ni Pat pero nagsimula na akong maglakad palabas ng pintuan. Agad naman itong sumunod sa akin.

"Sure ka? Baka gusto mo pa ng kape?" hanggang makalabas ng pinto ay tila ba pinipigilan pa rin niya akong makalabas ng coffee shop.

"Alam mo Pat, ang weird mo."

Si Boss Pogi at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon