Aya
Tama nga ang sabi nila. Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa itaas ka, minsan nasa ilalim. When our love story started, I was the happiest. Who would have thought na 'yung lalaking pinapangarap ko, 'yung lalaking tinitignan ko lang mula sa malayo, mapapansin at mamahalin ako. Pero ngayon, wala na siya. Hindi ko na siya kasama at walang kasiguraduhan ang bukas naming dalawa.
Aya: Bes
Pat: Alam ko na 'yan. Finally! Congrats sa break up nyo, beshie.
Aya: Grabe ka talaga. Pero temporary lang naman yun. Habang hinahanap pa nya ang sarili nya.
Pat: Naniwala ka naman? 'Yun ang sinasabi ng mga lalaking gustong makipag-break pero walang maisip na dahilan. Nagpauto ka na naman.
Aya: Iba si Melvin. Babalik din yun. Naguguluhan lang siguro.
Pat: Wag ka ng umasa! Gusto mo pa atang mapugutan din sa Cavite dahil sa pagka-martyr mo. Gumising ka na sa katotohanan.
Aya: Basta. Aasa pa rin ako na kami pa rin sa huli. In God's perfect time.
Pat: Mga linyahan mo talaga. Pang-hopeless romantic.
Aya: For now, ibibigay ko ang oras na kailangan nya.
Pat: Bahala ka. Teka, nasaan ka na ba? Male-late ka na. Ngayon pa naman first day ng bago nating boss. Baka maunahan ka pa nung dumating.
Aya: Hay naku, Pat. 'Yang mga anak mayaman, pa-easy easy mga yan. Pustahan tayo, late 'yan.
Pat: Kahit pa. Pangit sa record yang late. Tandaan mo, candidate ka sa pagiging assistant department head ng accounting.
Aya: Relaks ka lang. Sa performance pa rin naman siguro titingin si ma'am. Baka nga nakapili na 'yun. Dinalhan ko lang ng breakfast si Melvin. Malapit na ko dyan.
Pat: Ha? Baliw ka na. Akala ko ba eh bibigyan mo ng oras?
Aya: 'Di naman ako nagpakita. Inabot ko lang sa kapatid nya.
Pat: Naku, Aya. Patay ka! Naandito na 'yung anak ni Ma'am Dorothy.
Aya: Here na!
Pat: Patay!
Kapag minamalas ka nga naman.
"Sorry po, Sir," natataranta kong pinunasan ng hawak kong tissue ang damit ng isang lalaking nabunggo ko pagpasok ko ng pintuan ng opisina namin.
Tinignan ko siya. Huminga lang siya ng malalim. Hindi siya nagsalita ngunit pinigilan niya ako sa ginagawa kong pagpunas sa damit niya.
Natanaw ko ang kinaroroonan ni Pat. Hindi maipinta ang mukha niya at tila may sinesenyas sa akin.
"Sorry po talaga," paghingi ko ulit ng pasensya.
"It's okay, Ms. Madlangsakay. But please be careful next time," lumapit si Ma'am Dorothy at tinapik sa balikat ang lalaki.
"Naputol ang sinasabi ko kanina. Everyone, hindi ko na patatagalin pa. I would like you all to meet my son, Attorney Mark Antonio Saavedra. He will be the acting CEO starting today. Please be good to my son," nakangiting pagpapakilala ni Ma'am Dorothy sa lalaking katabi niya.
Nanlaki ang mga mata ko. Napahawak na lang ako sa bibig ko. OH MY GOD! Natapunan ko ng kape ang bago naming boss! Lord, bakit puro kamalasan ang nangyayari sa akin.
Tumungo ang lalaki bilang pagbati. Pinalakpakan naman siya ng mga kasamahan ko bilang pagkilala. Napapalakpak na rin ako. Tinignan ko siya at bahagyang nagtama ang mga mata namin. OMG! Matalim ang pagkakatingin niya sa akin. Seryoso ang mukha niya at bahagyang nakakunot ang noo. Patay.
BINABASA MO ANG
Si Boss Pogi at Ako
Fiksi RemajaWhat will happen when hope meets despair - isang babaeng puno ng pag-asa at isang lalaking hindi na naniniwala sa pag-ibig? Can their differences lead them to their happily ever after?
