Aya
Ano kayang trip ni kumareng tadhana? Malas na nga sa lovelife, eto minalas pa sa seminar. Sa dinami-dami ng pwede kong kasama rito, 'yung boss ko pa talagang saksakan ng sama ng ugali. Gusto ko sanang makapagpahinga habang naandito sa Baguio. Gusto ko sanang makapag-relax relax. Pero paano ko naman magagawa iyon kung may kasama akong lalaking pinaglihi sa sama ng loob?
Napabuntong hininga na lang ako. Ipinagpatuloy ko ang pag-aayos ng mga damit ko. Pagdating na pagdating namin kanina ay wala ng oras para makapag-ayos ako ng gamit. Diretso present na ako. Mukhang okay naman ang ginawa ko. Mukhang natuwa naman ang mga participants sa akin except sa boss ko. Sabagay, wala namang nakakapagpasaya doon. Patayo na sana ako para ilagay ang mga damit sa cabinet nang mag-beep ang phone ko.
1 new message received from Melvin
At mukhang mas lalo pang masisira ang araw ko.
Melvin: Aya naman. Bakit mo naman pinunit ang invitation para sa wedding namin ni Brit?
The nerve. Anong ineexpect nila? Na matutuwa ako after receiving that invitation? Before I left for Baguio, personal na inabot sa akin ni Brit ang imbitasyon para sa kasal nila. Saan kaya siya humugot ng lakas ng loob para imbitahan ako sa kasal nila ng lalaking inagaw niya sa akin?
Aya: Anong gusto mo? Ipa-frame ko pa?
Melvin: Naglakas na nga ng loob yung taong puntahan ka para personal kang imbitahan. Tapos yun lang ang makukuha nya?
Binalot ng galit ang buong sistema ko.
Aya: So ako pa yung may kasalanan? Kasalanan ko na niloko ako ng sarili kong kadugo kaya nasasaktan ako ngayon? Kasalanan ko na niloko ninyo akong dalawa kaya hindi ko maatim tanggapin ang yung imbitasyon sa kasal nyo? Ako pa may kasalanan ngayon? What a life!
Melvin: Please naman. Pinsan mo pa rin sya. Gusto ka nyang makasama sa importanteng araw ng buhay nya.
Exactly. Pinsan ko siya. Magkadugo kami. Magkasama kaming lumaki.
Aya: Yeah right. Pinsan ko siya, pinsan ko na niloko ako.
Melvin: Alam mo namang buntis yung tao. Sumama loob nya nung pinunit mo ang invitation. Masama sa kanya yun. Please naman oh. Be considerate.
Aya: Be considerate? WOW! JUST WOW!
Melvin: Ang tigas mo naman, Aya. We already said sorry, right? Bakit ba hindi mo kami magawang mapatawad?
Napapikit na lang ako sa galit. And before I know it, tumutulo na ang luha mula sa mga mata ko. Galit ako. Nasasaktan ako. Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko. Hindi na ako nag-reply sa kaniya. Matigas? Kailangan ko 'yun. Kailangan kong maging matigas para sa sarili ko. They can go and live their life without me. Basta ako, ayaw ko nang kasama sila sa buhay ko.
Anytime ay sasabog na ang puso ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Kailangan ko itong ilabas. Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko. I grab my phone and agad kong tinext si Pat. I need someone to talk to right now.
Grabe bes. Napaka-kapal ng mukha niyang si Melvin! Ako pa ang pinapalabas na masama! Kesyo masama kay Brit ang sumama ang loob dahil buntis sya at sumama ang loob nung punitin ko ang imbitasyon nila sa kasal. Ako pa raw ang hindi considerate! Masyado raw akong nagmamatigas! They are really driving me crazy!!!!!!!!!!
Muli akong napabuntong hininga. Pumikit ako at huminga ng malalim. Sandali pa ay biglang nag-ring ang phone ko.
Panget calling...

BINABASA MO ANG
Si Boss Pogi at Ako
Novela JuvenilWhat will happen when hope meets despair - isang babaeng puno ng pag-asa at isang lalaking hindi na naniniwala sa pag-ibig? Can their differences lead them to their happily ever after?