Chapter 8

218 3 0
                                        

Aya

Unknown number: Hi Aya.

Aya: Who are you?

Unknown number: Sana nagustuhan mo 'yung kinanta ko para sa'yo. Pati na rin 'yung mga roses and food.

Aya: OMG. Ikaw 'yun?

Unknown number: Yes Aya. Flynn Rider, at your service my Rapunzel.

Aya: So sayo na naman galing 'tong food sa table ko?

Unknown number: Yes ma'am. Don't forget to eat your breakfast. Wag puro coffee.

Aya: Paano naman ako makakasigurado na walang lason ito?

Flynn Rider: Ilang buwan mo ng kinakain mga padala ko, wala namang nangyari sa inyo ng bestfriend mo diba?

Aya: At paano mo nalaman na kasalo ko bestfriend ko pagkain?

Flynn Rider: Araw-araw naman kitang nakikita, Ligaya.

Aya: Sino ka ba kasi? Officemate ba kita?

Flynn Rider: Sino ako? Ako ang future mo.

Aya: Sus. So ganito na lang? Wala kang balak magpakilala?

Flynn Rider: Pag ba nagpakilala ako, sasagutin mo na ako?

Aya: Sasagutin? Bakit nanliligaw ka ba? Saka hindi ako nagpapaligaw.

Flynn Rider: Talaga? Bakit naman? As far as I know wala ka namang boyfriend. Hindi naman kayo ni Sir Mark, diba? Technically.

Aya: Pati ba naman 'yun alam mo? Stalker!

Flynn Rider: Poging stalker. I'll show you that you deserve more than just being a dating partner of a CEO. You deserve only the best, Ligaya.

Aya: Bahala ka dyan. Dami mong sinasabi.

Flynn Rider: I'll treat you as a princess. Just wait until magpakilala ako sa'yo. Soon. Very soon.

Binatawan ko ang cellphone ko. Dinaanan ko si Pat sa department nila at niyayang kumain sa canteen. I don't think much about Flynn Rider pero itong mga kasama ko sa opisina, madalas akong kantyawan dahil sa ginawang radio announcement ni Flynn Rider. Marami nga sa kanila ang kinikilig pa habang tinatanong ako kung kilala ko na ba kung sino si Flynn Rider. I don't really care. Right now, I am happy. I am happy with Attorney Mark Saavedra.

***
Nanlaki naman ang mga mata ko ng madatnan ang tatlong bouquet ng bulaklak sa table ko.

"Ayieeeeeee. Galing kay Flynn? Haba talaga ng buhok mo, Aya," pang-aasar ni Lanie na siyang katabi ko rito sa opisina.

"Luka," I immediately answer. Hindi na lang ako sumagot ng mahaba. Ayaw ko talagang pinag-uusapan si Flynn Rider. Ayaw din kasi ni Boss Pogi na nababanggit iyon dito sa opisina. Mamaya eh uminit pa ang ulo ay mapagbuntunan ang mga tao rito.

Tinignan ko ang card na isang bulaklak.

I hope this made you happier, baby.

Baby. Napangiti naman ako noong mabasa ko ito. These flowers are definitely not from Flynn Rider.

Naglakad ako papunta sa pantry ng opisina. Walang tao rito kapag ganitong oras. Agad kong tinawagan si Boss Pogi kahit ilang blocks away lang naman ang layo ng opisina niya sa table ko.

"Hello baby," pagsagot niya sa akin.

Otomatiko naman akong napangiti sa pagtawag niya sa akin ng baby kahit palagi namang iyon ang tawag niya sa akin.

"Para saan naman ang tatlong bouquet ng bulaklak, Attorney Saavedra?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi ako magpapatalo sa Flynn Rider na 'yun. Hanggang isang long stem lang siya. Kahit sampung bouquet padadalhan kita, sabihin mo lang kung kulang pa," biglang sumeryoso ang tono ng boses niya.

"Hindi mo naman ako kailangang padalhan ng maraming bulaklak. Hindi ko naman ito kailangan," paliwanag ko sa kaniya.

"Kahit pa. Basta hindi ako pwedeng malamangan ng mokong na 'yun," sagot niya sa akin.

This has been our topic noong nagdaang weekend. Ilang beses ko ng sinabi sa kaniya na wala naman akong pakialam sa mga pinapadala ni Flynn Rider. Isa pa ay hindi ko naman iyon kilala. Kahit anong paliwanag ko sa kaniya, heto at ayaw talagang magpatalo ng isang ito.

"Kahit ano namang ibigay sa akin 'nun, hindi ka naman niya malalamangan sa puso ko. Hindi naman niya ako madadaan sa rose at breakfast," paliwanag ko sa kaniya. What did I just say? Malalamangan sa puso? Ang corny mo, Ligaya.

"Ayieeeeeee, kinilig naman ako doon," biglang nagbago ang tono ng boses niya. Kung kanina ay para siyang boss na kinatatakutan ng mga empleyado niya, ngayon ay para naman siyang batang napagbigyan ng nanay ang gusto. Agad naman akong napangiti.

"Ang cute cute mong kiligin, Attorney. Kaso ang problema ko ay kung paano ko iuuwi ang tatlong malalaking bouquet ng bulaklak," pagrereklamo ko sa kaniya.

"Edi ihahatid kita. Tutulungan din kitang magbitbit niyan mamaya," agad nitong sagot sa akin.

"Edi nakita tayo ng officemates natin," tugon ko sa kaniya. When we started to date, napagkasunduan namin na hindi ipapaalam dito sa opisina kung anumang mayroon sa aming dalawa para hindi makaapekto sa trabaho namin. And besides, wala naman kaming pormal na relasyon.

"Eh ano naman? Mabuti na nga sigurong malaman na nila. Para alam ng mga taong hands off na sila sa'yo. Para hindi na makaporma ang mga kagaya ni Flynn Rider," dire-diretso niyang sagot sa akin. Hindi na naalis ang ngiti sa labi ko.

"Ang seloso mo naman po, boss," pang-aasar ko sa kaniya.

"Wala nga pala akong karapatang magselos," tila ba nalungkot siya sa tono ng boses niya.

"Ay sus. Ang drama oh. Binibigyan kita ng karapatang magselos," sagot ko.

"Talaga?" biglang na-excite ang boses niya.

"Oo nga kahit wala namang dapat ipagselos."

"Alam kong wala ito sa usapan nating dalawa pero pwede ba akong humiling sa'yo, baby?" tanong niya sa akin. Napaisip naman ako kung anong hihilingin niya sa akin.

"Ano naman 'yun?" tanong ko na may halong kaba. Hindi kaya hihilingin na niyang tapusin namin ang kung anumang meron sa aming dalawa? Hindi ako handa.

"Baby, pwede ko bang bawiin iyong sinabi kong pwede kang mag-date ng ibang lalaki? Pwede bang ako lang, Aya? Pwede bang sa akin ka lang?" Para siyang maamong bata sa pagkakatanong niya sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko ng biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Pag-iisipan ko." Seryoso ang boses ko para mukhang totoo.

"Sorry. Sobra ba hinihingi ko? I crossed the line. I'm sorry," paghingi niya ng tawad. Napatawa naman ako. Hay, attorney, bakit ang cute cute mo?

"Ang drama naman ni Attorney Saavedra. Joke lang. Syempre naman pwede. Pwedeng pwede," sagot ko sa kaniya.

"Talaga?" tanong niya sa akin.

"Oo. Wala akong balak makipag date sa iba. Masaya ako sa'yo," I assure him. What I am feeling for Mark is something special. I know that I already fell for him and I am falling for him more everyday.

"Sorry kung hindi ko pa kayang ibigay sa'yo 'yung relasyong pinapangarap mo. Just give me some more time, baby. I'll give you nothing but the best. Gusto ko lang na ready na talaga ako para hindi kita masaktan. Sana mahintay mo ako." Ramdam ko ang sinseridad sa boses niya habang kausap ko siya.

"I am very much willing to wait for you, Boss Pogi."

I've always dreamt of meeting my prince charming in the most romantic way. Kagaya ng ibang babae, I've always wanted to feel the spark and experience butterflies in my stomach the moment I cross path with the man I am destined to be with. Our story might be different. Our story might started in the most unpleasing moment, but as time goes by, as I get to know him, I know that I would be praying every single day for him to be the right one for me. Darating din ang tamang panahon para sa aming dalawa... kapag ready na siya... kapag ready na ako... kapag ready na ang universe para sa aming dalawa.

:)

Si Boss Pogi at AkoMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon