Chapter 9

114 1 0
                                        

Mark

It's a yes - yes, I am in love with Ligaya Madlangsakay. There is no point in denying. Sa bawat araw na lumilipas ay mas nahuhulog pa ako sa kaniya. Habang nakikilala ko siya, mas dumadami ang dahilan kung bakit gusto kong ipagpatuloy ang kung anong mayroon sa aming dalawa.

She said she will wait for me. She will wait until I am ready. At alam kong malapit na malapit na ang oras na iyon. Aya deserves the best and I want to be the best man for her. Just a little more time and I am ready to tell her that I do love her. I will not let anyone, most specially that Flynn Rider, na pumagitna sa aming dalawa. I will do my best to win Aya's heart - for her to be mine, officially.

Aya

Napangiti na lang ako nang maisip ko ang reaksyon kanina ni Boss Pogi tungkol kay Flynn Rider. Ang cute cute niyang magselos. Though, wala naman talaga siyang dapat pagselosan. My heart belongs to him. Hindi pa man opisyal ang kung anumang mayroon sa aming dalawa, alam ko na pagmamay-ari na niya ang puso ko.

Toktok toktok

Magkakasunod na katok ang narinig ko mula sa labas ng apartment ko. Wala namang sinabi si Mark na lalabas kami ngayon. Baka si Pat ang nasa labas. Baka hindi natuloy ang lakad nila ni Caleb.

Toktok toktok

Magkakasunod na katok mula ang aking narinig.

"Sandali," sagot ko. Agad akong tumayo sa pagkakaupo at nagtungo sa may pinto. Agad ko itong binuksan. Hindi ko inaasahan ang aking nakita.

"Aya, pwede ba tayong mag-usap?" Halata ang kaba sa mga mata ni Britney. Nakatingin ito sa akin na tila nakikiramdam sa aking magiging sagot sa kaniya.

"Pasok ka," sagot ko sa kaniya. Binuksan ko ng tuluyan ang pinto at hinayaan siyang makapasok.

"Upo ka. Gusto mo ba ng maiinom?" alok ko sa kaniya.

"Huwag na. Saglit lang naman ako," sagot niya sa akin. Her voice is shaking. Halata ang kaba niya at tono ng boses niya.

Naupo ako sa sofa na nasa tapat niya.

May kinuha siya mula sa bag niya - isang sobre. Inabot niya ito sa akin. Alam ko na kung ano ang sobreng ito. Katulad din ito ng sobreng inabot niya sa akin - ang sobreng pinunit ko dahil sa labis na galit.

Tinanggap ko ang sobre. Tinignan ko siya at umaliwalas ng kaunti ang mukha niya. Mukhang nakahinga ng maluwag nang tanggapin ko ang imbitasyon sa kasal nilang dalawa ni Melvin.

"Sa Sunday na 'yan. I am hoping that you can come and celebrate with us. You are my family, Aya. I want you to be there." Punong puno ng sinseridad ang mga mata ni Britney.

Ngumiti ako sa kaniya.

"As much as I wanted to come, may kasabay na wedding din kasi sa Sunday. It happened na naka-oo na ako doon sa isa. Pasensya na, Brit," paghingi ko ng tawad sa kaniya. Kasal din ni Stanley sa Sunday and Mark already asked me to be his date. Hindi ko rin naman alam na sa Linggo rin ang kasal nina Britney at Melvin.

"It's okay. Naiintindihan ko." Tumigil siya sandali sa pagsasalita. Tinignan niya ako. Mayamaya pa ay tumayo siya at nilapitan niya ako. Umupo siya sa tabi ko.

"Sana ay napatawad mo na ako, Aya. Sana ay napatawad mo na kami ." Hinawakan niya ang kamay ko.

Tinapik ko siya sa balikat.

"I already forgave you." Tinignan ko siya at nakita kong napangiti siya sa sinabi ko.

"Kahit baligtarin pa ang mundo, magpinsan pa rin tayo. I wish you and Melvin happiness. Sana ay maging maayos ang pagsasama ninyong dalawa at soon ay kasama na si baby," dugtong ko. Pinunasan ni Britney ang mga luhang pumatak mula sa mga mata niya.

"Salamat, Aya. Salamat."

"Okay na 'yun, Britney. Kinailangan ko lang talaga ng oras para mahanap sa puso ko ang pagpapatawad," paliwanag ko sa kaniya.

"Kung makakahabol ka kahit sa reception, magiging masaya ako," pahabol ni Britney.

"Kasali kasi si Mark sa entourage kaya hindi ako sure kung makakaalis agad kami sa kasal. But I'll try," pagpapaliwanag ko.

"Mark? Siya siguro 'yung kasama mo noong nakita kita sa mall dati. Hindi na kita tinawag kasi hindi naman ako sigurado kung gusto mo akong makita."

"Baka nga siya 'yun. Siya lang naman ang madalas kong kasama at saka si Pat."

"Mukhang nakita mo na ang happily every after mo, ah?" nakangisi at tila nang-aasar na sagot sa akin ni Britney.

"Right now ay medyo complicate pa pero sana maging maayos din ang lahat."

"I wish you all the best, Aya." Ngumiti si Britney at niyakap ako. Niyakap ko siya pabalik. Ang sarap ng pakiramdam that finally ay nagawa ko ng magpatawad.

***

"So the present meets the ex ang peg," bulong sa akin ng bestfriend kong baliw. Nandito kami ngayon sa reception ng kasal ni Stanley.

"Ang dami mo talagang alam," tanging sagot ko sa kaniya. Sa totoo lang ay nagulat din ako na nandito si Scarlet - the woman who broke Mark's heart, Mark's first love.

"Hindi rin daw alam nina Caleb at Boss Pogi na naandito. Hindi rin daw alam ni Stanley na ininvite ng mama niya."

"I see," maiksing sagot ko habang nakapangalumbaba.

"Malas 'yan, girl." Tinapik ni Pat ang braso ko upang maalis ang pangangalumbaba ko.

"Don't worry. Mas maganda ka naman kaysa kay ex," kinidatan ako ni Pat. Napatawa naman ako. This girl really knows how to brighten up my mood.

"Baby, are you okay?" agad na tanong naman ni Mark nang makaupo siya sa tabi ko.

"Ah oo naman. Kung anu-ano kasing sinasabi nitong si Pat," sagot ko. Nakita ko namang pigil na pigil sa pagtawa ang bestfriend ko.

"Kung okay ka na, pwede na ba tayong umuwi?" tanong sa akin ni Mark.

"Hindi ko na tatapusin ang program?" tanong ko sa kaniya. Nakakunot ang noo ni Mark at alam kong there's something bothering him.

"Medyo masama lang ang pakiramdam ko, baby. Ipapahinga ko lang to." Ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. Yumapos din siya sa akin.

"Ay sus. Ang daming langgam. Makaalis na nga rito at baka makagat pa ko," pang aasar ni Pat sa amin. Napangiti ako hindi lang dahil kay Pat pero dahil na rin sa kilig na nararamdaman ko.

"Alright. Let's go?" I ask Mark.

Tumango siya bilang sagot sa akin. Ngumiti rin siya ng bahagya na naging dahilan upang lalong lumawak ang pagkakangiti ko. I really do love this guy.

***

Mark

Scarlet is my first love and my first heartbreak. Nagulat ako nang makita siya kanina sa kasal ni Stanley. Alam kong hindi na dapat ako apektado pero pakiramdam ko ay bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko noon.

Napapikit ako at napabuntong hininga. Mali ito. Hindi ko na dapat iniisip pa si Scarlet. Aya is my present and I want her to be my future.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko upang tawagan si Aya. I know somehow she can make me feel better. Ngunit isang hindi inaasahang mensahe ang aking nabasa.

Unknown number:
Hi Mark. This is Scarlet. Can we talk?

Si Boss Pogi at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon