Aya
"Ang sweet naman ni Boss Pogi," napatingin ako sa gilid ko ng may tila duwendeng magsalita sa tinis ng boses nito. Napatawa rin ako ng makita ang reaksyon niya. Hay naku si Pat talaga. Parang inasinang bulate sa sobrang kilig.
"At bakit naman?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi ka pa ba napapadpad sa table mo?" tanong nito sa akin na hindi pa rin naaalis ang ngiti sa labi.
Umiling ako. "Hindi pa. Ang dami kong inasikasong papel eh. Ano bang mayroon?" usisa ko.
"May pa-breakfast at long stem rose ang dating partner mo. Napaka-sweet naman talaga ni Attorney Saavedra eh," may ningning sa mga mga mata ni Pat na para bang siya ang nakatanggap ng breakfast at rose.
Dating partner... yeah. It has been a month simula noong pumayag ako sa deal ni Mark Saavedra and we really are dating. Sa loob ng isang buwang magkasama kami, I can say that he is one sweet guy. He always sees to it na nabibigay niya ang mga gusto ko. Para talaga kaming magjowa... magjowa na walang label.
"Paano mo naman nasabi na kay Mark galing 'yun?" tanong ko kay Pat.
"Gaga. Eh kanino pa ba? Ganda ka? May ibang manliligaw pa?" pinandilatan ng mga mata at tinaasan ako ng kilay ni Pat. Luka-luka talaga ang isang ito. Nagtataka lang ako kasi ang alam ko tulog pa si Mark ngayon. Kagabi pa kasi masama ang pakiramdam niya. Siguro ay hindi na niya ako nai-text kanina to surprise me.
"Bruha. I'll just text Mark."
"Eh teka nga, Ligaya. Ano na bang development sa inyong dalawa ni Attorney?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami pabalik sa puwesto ko.
"Anong development?" tanong ko sa kaniya.
"Ganoon pa rin ba ang status? Dating? Eh sa tingin ko naman ispesyal ka kay Sir Mark. Tignan mo at sa loob ng isang buwan eh walang ibang naging ka-date 'yun. Ikaw lang. Mukhang seryoso naman siya sa'yo," patuloy ni Pat.
"Sus. Malay mo naman kung suma-sideline kapag hindi kami magkasama. We know him. Hindi 'yun makakatiis lalo na at hindi ko kayang ibigay ang kayang ibigay ng ibang babae sa kaniya," napabuntong hininga na lang ako.
"Sabi ni Caleb, hindi raw. Wala raw talagang iba, ikaw lang Yieeeeeeee kilig ako. Team AyaMark is real," kumikinang na naman ang mga mata ni Pat.
"Ang baduy mo," sita ko sa kaniya.
"Baduy daw. Kinilig ka rin naman." Sinundot niya ako sa tagiliran at nginitian na tila ba nang-aasar.
"Bakit naman ako kikiligin?" tanong ko sa kaniya.
"Denial queen. Aminin mo, masaya ka sa kaniya. Hindi mo ako maloloko, Aya. Kitang kita ko sa mga mata mo kung gaano ka kasaya kay Sir Mark. I know you so well." Tinaasan niya ako ng kilay.
I sigh.
"Well, he can make me happy. His simple gestures can make me smile I am happy. Pero alam ko kung hanggang saan lang ako. Ayaw kong lumagpas sa boundary. Baka ako na naman ang masaktan sa huli. Graduate na ako sa pagpapakatanga." I smile at Pat. Gusto ko kung anong nararamdaman ko kapag magkasama kami ni Boss Pogi. He makes my heart happy and complete. Pero hindi ako pwedeng umasa at masanay dahil malinaw naman sa akin kung ano kaming dalawa.
"Whatever. Basta ako boto ako kay Boss Pogi."
Ngumiti na lang ako at dumiretso sa table ko. And there I saw the breakfast and the long stem red rose na sinasabi ni Pat kanina.
Napangiti na lang ako. Mark really knows how to make my day. I text him.
Aya: Salamat Nag-abala ka pa.
BINABASA MO ANG
Si Boss Pogi at Ako
Teen FictionWhat will happen when hope meets despair - isang babaeng puno ng pag-asa at isang lalaking hindi na naniniwala sa pag-ibig? Can their differences lead them to their happily ever after?
