CHAPTER SEVENTEEN: TELL ME
" Wherever I go, wherever I am
I miss you so much, I can't take it anymore ""I told you, I'm not into you." pang-anim na sabi ni Sophia sa lalaki sa harap niya.
Siya na mismo ang nagsimula sa usapang matagal na dapat na nilang nilinaw noon pa.
Napatawa ang lalaki tsaka niya ulet tiningnan ang dalaga sa harap niya.
Ilang beses ng sinabi ni Sophia ang totoo, kahit noon pa nung naghiwalay sila.
"Is this because of that man? From the province pa talaga?" tumawa ulet ang lalaki tsaka tinitigan nang maiigi ang babae.
"Seryoso ka ba sa lalaking 'yon?" tanong niya at nawala agad ang ngiti nito at napalitan nang seryos ang ekspresyon ni'to.
Bumuntong hininga ang dalaga at tumango sa tanong ni'to.
Alam ni Sophia na iba ang nararamdaman niya para sa binata sa unang tingin pa lang niya sa kanya, hindi niya maitatanggi ang mabilis na pulso ng puso niya nung araw na 'yon.
Hindi makapaniwala ang lalaki sa sinambit nang babae sa kanya. Ang mismong babaeng naging kasintahan niya noon. Madami na rin silang napagsamahan bilang magkaklase at magkaibigan na nagbago dahil sa isang matamis na halik.
"Kung ganyan ang reaction mo then... fine. I'll let you go." ngiti na sambit ng binata sa kanya.
Mas lalong lumawak ang ngiti niya nang makita ang ngisi ng babae. Yan ang mismong eskpresyon na matagal niya nang gustong makita ulet.
"What do you mean by 'let go', 'di mo naman ako nagustuhan... we dated but that's it. No feelings." muling sambit ng babae at tinalikuran ang lalaki.
Humalakhak ulet ang lalaki sa sinabi ng babae ulet.
'Di niya aakalain na lalabas mula sa labi niya ang mga salitang ito. Pero totoo ang sinabi ni Sophia, naging sila ngunit wala silang naramdaman para sa isa't-isa.
Doon nila napagtanto na ang relasyon nila ay relasyon lamang, walang pag-ibig na kasama.
"At alam ko... na ginagamit mo lang ako para makalimot sa ex-girlfriend mo, oh... what was her name...?" hinarap niya ang lalaki para asarin ito.
"Andres?" natahimik ang lalaki sa pag-banggit ng huling pangalan ng dati ni'tong kasintahan.
Hindi niya lang ito kasintahan pero... ito ang pinaka-unang pag-ibig ng binata. Ang una at ang huling pag-ibig na hinding hindi niya makakalimutan.
"If I were you babalikan ko siya, she's so perfect for you. Pero heto... you dumped her and now she's dating that guy who's a college student! Go find some girl that will tame you or... come back to her, it's that easy."
Iginulong ni Sophia ang kanyang mga mata bago niya tinalikuran ulet ang lalaki para bumalik pagtitipon ng kanyang mga kaibigan at iba niya pang mga kaklase.
"And you, Sophia? Stop pretending that you're better than me when it comes to relationships, alam na'min na you've been lying to your 'oh-so-hot' boyfriend from your province."
BINABASA MO ANG
LOVE SCENE ✔️
RomanceSophia Reene Manuel's biggest regret was breaking her first love and ex-boyfriend's heart that also cost her heart to break into pieces after. Now a photographer known for her popular photobooks and work with others, she returns to her province in h...