CHAPTER SIXTEEN: PRESENT AND NOT PAST
" in the memories of us together,
you're not there... ""Naks, talino nang kaibigan ko ah!" tawa ng isa sa mga kaibigan ni Sophia sa party.
Ngumiti lang si Sophia sabay inom ng kanyang baso na may lamang alcohol. Nag si tawanan din ang iba niyang mga kaklase at kaibigan sa sinabi ni'to.
"Sus! 'Di naman! May tumutulong kasi sa'kin eh."
Mas lalong lumawak ang ngiti ng dalaga nang maalala niya 'kung sino ang tumutulong sa kanya sa pag-aaral niya. Nagulat ang mga kaibigan niya sa sinabi at sa ngiti 'nito, dahilan para magtaka ang mga kaibigan.
"Ikaw ah, sino 'yan? Bago mong crush or bago mong boyfriend? Sinasabi ko sa'yo--"
Napatigil ang kaibigan sa itsura ni Sophia, namula siya at tinago ang kanyang mukha gamit ang kamay niya. Tinakip ni'to ang mukha niya at kinagat ang labi ni'to sa hiya.
"Teka lang bes, bakit ganyan ang itsura mo? Are you... blushing right now? So... may bago ka? Sino naman 'to?" lumapit ang mga kaibigan.
Hindi makapaniwala ang mga kaibigan niya sa nakita nila. Hindi nila inaakalang makikita nila ang panahong mamula ang isang Sophia Reene Manuel dahil sa isang lalaki.
Alam nila na mahirap akitin ang isang tulad niya.
Madami nang naging manliligaw si Sophia, at marami na 'rin siyang naging kasintahan ngunit wala sa kanila ang naging lalaking tunay na nag pa-ibig sa kanya.
Oo, nagkagusto siya sa iba niyang mga naging kasintahan pero pag-ibig ay ibang usapan kaysa sa gusto.
"Sa probinsiya, matagal nang kami... 'di ko lang kasi nasabi kasi medyo naging busy ako at naging busy din kayo." ipinaliwanag niya at inialis ang kamay niya mula sa kanya mukha.
Lumaki ang mga mata ng mga kaibigan at mas lalo pang lumapit sa dalaga na may malalaking ngiti, handang handa nang magtanong sa kanilang natatanging kaibigan.
"Probinsiya? Oh my god... probinsiyano? Kapag probinsiyano talaga... kakaiba, 'di ba?" sumangayon naman ang ibang mga kaibigan sabay tawa.
"Psst, gaano kagwapo? Kasing gwapo nung mga characters ni Jonaxx sa story niya? Dali! Girl naman eh! Pakita mo naman picture!" pagkatapos 'nun ay madami pa siyang nakukuhang mga tanong mula sa mga kaibigan.
Masyado silang nasasabik sa buhay pag-ibig ng kanilang kaibigan, pero mas lalo silang nasasabik sa lalaking nag pa-ibig sa isang Sophia.
Pero bago pa masagot ni Sophia ang mga nagbabagang tanong ay isang grupo ang lumapit sa kanilang lamesa, pero hindi 'yun ang importante.
Ang importante ay may isang lalaking kilalang kilala ni Sophia na nasa harap na ng kanilang lamesa.
"Sophia." napatingin ang mga babae at pati na rin si Sophia sa lalaki na kasama ang sarili niyang mga kaibigan na nasa likod niya.
Hinding hindi makakalimutan ni Sophia ang lalaking nasa harap niya.
Sino ang makakalimot sa napakagwapong mukha ni'to, mga matang naging dahilan nang pagtibok ng puso niya sa unang tingin pa lang.
BINABASA MO ANG
LOVE SCENE ✔️
RomanceSophia Reene Manuel's biggest regret was breaking her first love and ex-boyfriend's heart that also cost her heart to break into pieces after. Now a photographer known for her popular photobooks and work with others, she returns to her province in h...