THE PAIN

155 18 3
                                    

CHAPTER EIGHTEEN: THE PAIN

" the wounds running around me,
exist only for you "

- FLOWER (seventeen)

"Busy... ka nanaman?" tanong nang binata sa kanyang kasintahan, tila ay 'di maintindihan nang lalaki kung ano ang dahilan sa pagiging abala ng kanyang mahal.

Ngumiti lang si Sophia at hinawakan ang nanginginig na kamay ng lalaki sabay titig ni'to nang mariin.

Hinawakan 'din nito ang isa sa kanyang mga pisngi at nilapat ang labi ni'to sa pisngi mismo.

"I'm sorry, malapit na kasi ako grumaduate kaya todong aral ang kailangan kong gawin, sorry na..." ngumisi pa ang dalaga at hinalikan ang magkabilang pisngi ng binata.

Hindi mawari sa binata ang bigong nararamdaman ni'to sa loob ng kanyang dibdib, hindi niya rin maalis sa isipina 'kung bakit lagi na lang tinatanggihan nang dalaga ang kanyang imbitasyon para sa kanilang tipanan.

Hindi niya alam pero, hindi niya gusto ang nasa isip niya.

"Okay lang, pero... kahit isang date lang, isang date lang naman eh..." ngumuso ang lalaki, dahilan para mas lalong lumawak ang ngiti ng babae sa tanaw nang labi ng lalaki na mahal niya, inilapat din niya ang kanyang labi sa nakangusong labi ng lalaki tsaka siya bumulong dito.

"I'm sorry na nga eh, how about this? I'll visit your house tonight? Manonod ta'yo nang movie! Okay lang ba 'yun sa'yo?" agad na napilatan ang nguso sa isang malaking ngiti.

At sa tanaw na 'to, agad na bumilis ang pintig ng puso ni Sophia, sanay na ang puso niya at buong katawan niya sa nararamdaman niyang ito.

Isang pakiramdam na hinding hindi niya matatanggihan dahil hulog na siya, hulog na siya sa mismong lalaking 'to.

"Talaga ba? Ako ba ang pipili?" mabilis na tanong niya.

"Of course! I'll bring your favorite snacks and mga inumin 'din, unless gusto 'mong mag-order na lang tapos pa-deliver?"

Tumango ang lalaki agad at niyakap ang kasintahan na walang hesitasyon. Pagkatapos nang ilang minuto ay kumalas na si Sophia mula sa kanya.

"So, ano na nga! Ano nang gusto 'mong kainin? Kanina pa kita tinatanong, Ivan!" natatawang sabi ni Sophia.

Ngumuso ulet ang lalaki at pinag-isipan ang masarap na kainin sa Menu sa harap nila.

"Kahit ano, ikaw na lang pumili sa'kin, okay?" hinalikan niya ang labi ni Sophia at pinanood ang magandang kasintahan na naglalakad papuntang kahera upang umorder.

Hindi 'rin mapagilan nang lalaki na mapunta ang buong atensyon niya sa babaeng pinakamamahal niya.

Siguro nga ay bata pa lang sila pero, alam niya, alam niya na si Sophia ang talagang pinakamamahal niya.

Kung ano man ito, kung hindi man ito pag-ibig, hindi niya alam 'kung ano ang matatawag sa nararamdaman niyang 'to.

Ngunit ang kasiyahan niyang 'to ay mapuputol nang makatanggap siya nang isang mensahe galing sa kanyang cellphone.

LOVE SCENE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon