Chapter 02

2.5K 108 9
                                    

ASHI'S POV

Kanina pa ako nagugutom pero bawal pang pumunta sa cafeteria dahil hindi pa naman lunch time. Pero gutom na talaga ako, waahh!!

"Para kang tanga." Napatingin naman ako sa katabi ko na bigla bigla na lang nag sasalita.

Napa hawak ako sa dibdib ko kung nasaan banda ang puso ko habang naka tingin sa kanya. "Ahy, may baliw." Sabi ko habang turo turo pa sya.

Kita ko naman ang pagka inis nya. Ahy, pikon.

Isa sa dahilan kung bakit gustong gusto ko syang asarin? Yun ay dahil sa pikunin sya HAHAHAHA.

"Shut up, Sanchez." Irita niyang sabi. Napakagat naman ako sa ibaba kong labi para pigilan ang tawa ko.

Tang'ena pikon na nga sya WHAHAHAHA.

"Pikunin ka parin, Montemayor." Nagpipigil na tawa kong sabi sakaniya na lalo niyang ikinainis. Pfft.

"I said, shut up." Napa ngisi naman ako.

"Pikon. Pikon. Pikon. Pikon. Pi--" Agad syang napatayo habang naka harap saakin na masama na ang tingin.

"SHUT THE FVCK UP, ASHIRIANA REIGN SANCHEZ!" Sigaw nya. Hindi kona napigilan tawa ko. Halos mag lumpasay na ako sa sahig sa kakatawa.

Galit na galit, gustong manakit.

"MR. MONTEMAYOR AND MS. SANCHEZ, WE ARE IN THE MIDDLE OF DISCUSSION!!" Agad naman akong tumigil sa pag tawa ko. May teacher nga pa lang nagtuturo sa harap. Nakalimutan ko, nyemas.

"Sorry, ma'am." Nag pipigil paring tawang sabi ko. Bakit ba, hindi parin ako maka move on eh.

"GET OUT!!" Sigaw na naman nya. Seriously? Hindi ba sya mamamaos sa kakasigaw nya? Hindi man lang ba sumasakit lalamunan niya?

"Oh, Montemayor, labas ka daw." Agad naman niya akong sinamaan ng tingin.

Ano na naman ba?

Tinaas ko dalawa Kong kamay na nag sasabing inosente ako. "What? Ma'am said, get out daw. Labas kana." Agad naman niya akong inirapan.

Onti na lang iisipin ko nang bakla ito.

"Hindi lang ako ang lalabas, Sanchez. Pati ikaw din lalabas." Napatingin naman ako kay ma'am para malaman kung totoo ba sinasabi ng lalaking ito. Pero fvta mga besh! Inirapan lang ako!

Tanggalan ko kaya ng mata ang gurang na ito?!

Tumayo na ako. "Tara na, Ethan. Baka matanggalan ko ng mata ang gurang na ito." Narinig ko naman ang mahina niyang tawa bago kami lumabas. Narinig ko pa ang pag sigaw ni gurang ng apelyido ko pero nag tuloy tuloy lang kami sa paglalakad.

Kahit papaano magkasundo namang kaming dalawa. Lalo na sa kalokohan. Pero hindi talaga maiiwasan ang sigawan at bangayan saaming dalawa. Hindi na iyon maiaalis sa pang araw araw namin kapag magkasama kami. Kasi nga mag kaaway kami noon pa lang.

"Saan naman tayo nito pupunta?" Tanong niya habang nag lalakad kami. Actually, hindi ko alam kung saan kami pupunta. Aish!! Bahala na!

"Sa cafeteria ako pupunta dahil nagugutom na ako. Ikaw, bahala ka kung saan ka pumunta. Tutal playboy ka naman, puntahan mo mga babae mo." Sabi ko sakaniya. Nakita ko naman ang pag ngiwi nya. Totoo naman kasi sinabi ko. Playboy yan, noon pa lang. Kaya sigurado akong playboy parin yan hanggang ngayon.

"At bakit yan naman agad ang naisip mong gawin ko?" Tiningnan ko sya. Nakataas ang kilay niya sakin ngayon.

Ahy, barbie sabi ko na!

Ang Prinsesa Ng Section SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon