ASHI'S POV
"Ashi! Hindi ka pa ba tapos?! Iiwan na talaga Kita!" Napasimangot naman ako dahil sumisigaw nanaman siya.
Actually, kanina pa yan katok ng katok at sigaw ng sigaw sa labas ng kwarto ko. Kesyo iiwan na daw niya ako pero hanggang ngayon ay naghihintay pa din saakin.
Baliw.
Kinuha ko na ang mga gamit ko saka lumabas. Baka kasi sa sobrang inip niya sirain na niya iyong pinto tapos kaladkarin na ako paalis.
Anyway, it's already Monday. So it means today is our school camping! Halos nga hindi ako makatulog noong weekend dahil sa sobrang excited.
"Oh? Akala ko wala ka nang balak sumama eh." Bungad agad ni Ethan na halatang inip na inip na, pero ayaw namang mauna nang umalis.
Don't worry if you fall for me, I'm ready to catch you. And I'm fvking serious.
Agad akong umiling dahil naalala ko nanaman iyong sinabi niya noong Friday. Isa din kasi iyon sa dahilan Kung bakit hindi ako halos makatulog. Shutamines!
"Tara na nga. Baka tayo na lang ang hinihintay nila doon." Sabi ko sakaniya. Nauna na akong maglakad sakaniya palabas ng dorm namin.
And Btw, I'm just wearing plain white round neck t-shirt, high waist maong pantaloon, and black sneakers. At sa buhok ko naman ay tulad lang ng dati kong tali. Ponytail.
Pagkadating namin sa van na pagmamay-ari ng school ay kami na lang ang hinihintay nila. Bawat Sections ay magkakahiwalay ng sasakyang van.
"Ang tagal niyo ah." Ayan ang bungad agad ni Hades. Siya kasi ang magda drive kaya hindi makapag intay.
"Sisihin niyo si Ashi napakatagal sa kwarto niya." Sumbong naman ni Ethan na nasa likod ko lang.
Napairap na lang ako saka nauna nang sumakay sa loob ng van. Hindi din naman nagtagal ay pumasok na din sila. Lumarga na kami nung kumpleto na ang lahat ng estudyante every sections.
Merong isang van na para sa mga teachers na kasama namin at iyon ang sinusundan naming mga estudyante. At syempre kami ang nasa pinaka dulong nakasunod sakanila, pero okay lang naman hindi naman iyon big deal.
"Malayo ba pupuntahan natin?" Tanong ko sakanila. Gusto ko kasing matulog kasi nga kulang ako sa tulog.
"Medyo, bakit?" Si Clyde ang sumagot saakin.
"Tutulog lang ako. Paki gising na lang kapag nakarating na tayo." Sabi ko. Tumango naman sila kaya umayos ako ng upo. Katabi ko ang bintana sa kaliwa at sa kanan? Walang iba kundi si Ethan na bakla, charing.
Ilang ayos na ang nagawa kong pag upo pero hindi ako makatulog dahil hindi ako comfortable sa kahit anong pwesto. Kaasar!
"You can sleep in my shoulder." Napatingin ako kay Ethan dahil bigla bigla nanaman siyang nagsasalita.
"Huwag na baka mangalay ka pa." Pagtanggi ko sa alok niya. Medyo mahaba daw kasi ang byahe kaya baka kapag nangalay siya ako pa sisihin niya.
"It's fine." Aniya. Hindi na ako nakatanggi nung siya na mismo ang naghiga ng ulo ko sa balikat niya. Kaya umayos na lang ako ng upo ko and I'm damn.... comfortable in this seats.
Hindi nagtagal ay bumibigat na ang talukap ko hanggang sa makatulog ako.
***
"Ashi, hey wake up." Alam kong si Ethan iyon dahil sa boses niya. Tsk. Pansin ko kahit boses lang niya marinig ko alam ko na agad na siya iyon.Iminulat ko na ang aking mata at bumungad saakin agad ang gwapo- este pangit na pagmumukha ni Ethan. Agad akong umayos ng upo saka kinusot kusot ang mata ko. Pagtingin ko sa paligid ay nasa loob pa pala kami ng van. Kaming dalawa na lang ang natira. Nasa labas na ata sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/265894068-288-k290717.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Prinsesa Ng Section Seven
Fanfiction"I like you." "Thank you." *** "I hate you." "I hate you, too." *** "I love you." "I love you, too. *** This is the story about the only girl in section Seven. Makakaranas sila ng mga pagsubok pero sama sama nila iyong haharapin at mapagtatagumpaya...