Chapter 03

2.2K 94 15
                                    

ETHAN'S POV

Nakatayo na kaming lahat ng section seven nung sinapak ni Ashi si Warren. Walang pumigil kay Ashi sa pag sapak sakaniya. Siguro dahil sa gulat.

Lahat kami nagulat parin sa nangyari. Sa pag sapak ni Ashi kay Warren. Ang pag sapak ng isang baguhan sa leader ng section one. Ang pag sapak ng isang Ashiriana Reign Sanchez sa kaniyang ex na niloko lang siya. Bigla naman ako naka ramadan ng galit nung naalala ko paano masaktan at umiyak si Ashi dahil sa lalaking ito.

'But why?'

Bakit ako nagagalit? Nung araw na nakita ko sya sa ganung kalagayan hindi naman ako nagalit, ah. Weird.

"Let's go, section seven. We need to follow our princess." Tumango naman kami kay Gael saka nag simula nang maglakad paalis sa cafeteria.

Gael Cruz. He's the leader in our section. At sya din ang gumawa ng rules na bawal ang babae sa section namin simula nung nangyari ang pangyayaring iyon. Ayaw na namin mangyari iyon.

'Ayaw na naming maging dahilan ng kapahamakan sa babae.'

Kaya nagulat ako dahil sa sinabi ni Gael kanina sa cafeteria. Sinabi niyang si Ashi ang prinsesa namin. I don't know if it's true or what. I need to ask him about that.

Pumantay ako sakaniya sa paglalakad. "Yung sinabi mo kanina, totoo ba iyon?" Tanong ko. Nakita ko namang pati ang mga kaklase namin ay naging interesado sa isasagot niya.

"You know her, right?" Tanong nya din. Kahit nag tataka ay tumango ako sakaniya.

"What do you think? She can handle herself or not?" Tanong na naman niya. Ako ang unang nagtanong tapos ngayon ako na ang tinatanong. Ni hindi man lang sinagot tanong ko!

"She can. Nakita ko na sya ilang beses na nakikipag away. Pero never ko pa syang nakita makipag away na tulad sa mga kaaway natin na kayang gumamit ng kahit anong armas." I said. It's true.

She's a trouble maker! Pero ang kuya niya ay medyo matino naman. Ewan ko lang kung saan ba siya nagmana sa pagiging trouble maker niya.

"Sa room natin pag usapan yan." Napabuntong hininga na lang ako. Kung sa room pag uusapan edi maririnig ni Ashi!

Pero pagkadating namin sa room ay wala sya. Asan namang lupalop ng school nagpunta ang babaeng iyon? Tsk! Bahala sya. Hindi naman sya bata at isa pa, kaya naman niya sarili niya.

Tumayo kami sa harap ni Gael. Yung iba naka upo sa upuan. Habang si Gael nakasandal sa teachers table.

"What's the name of that girl?" Tanong agad ni Gael. Hindi nga pala nakapag pakilala si Ashi. Or baka hindi nila hinayaang magpakilala?

Saakin sila nakatingin, halatang nag aabang sa sasabihin ko. Napairap muna ako. "Ashiriana Reign Sanchez." Sabi ko. Tumango naman sila saka tumingin ulit kami Kay Gael.

"Ashiriana is our princes now." Lahat kami nagulat sa sinabi niya.

"So, wala na yung rules?" Tanong ko sakaniya na sinagot naman niya ng tango.

"Edi pwede na ulit tayo magkaroon ng kaklase na babae?" Rex asked na naging dahilan para mag ingay ang mga kaklase namin.

"Oo nga noh?"

"Wala nang rules!"

"Pwede na ulit magkaroon ng babae sa room!"

"May mga poprotektahan na ulit tayo!"

"SHUT UP!!" Sigaw ni Gael na ikinatahimik naman nila.

Ang Prinsesa Ng Section SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon