ASHI'S POV
Andito na kami sa loob ng mall and guess what? Pinagtitinginan lang naman kami kanina pa. At kasalanan iyon ni Austin. Ang pogi niya daw kasi eh sabi nila.
Sarap sabihin sakanila na..
'Hello! Future Mrs. Alba is here!!'
Pero syempre joke lang iyon noh! Hindi pa naman ganoon kakapal mukha ko.
"If you want to go home, let's go." Sabi ni Austin kaya tumingin ako sakaniya.
"Huh? Bakit? Kakarating nga lang natin uuwi agad?" Tanong ko sakaniya.
"Nakasimangot ka kasi, tss." Ahy ang sungit nanaman niya.
"Kasi naman ang daming mga mata ang nakatingin tapos pinaguusapan pa tayo or more like ikaw." Sabi ko sakaniya habang nakasimangot parin.
"Don't mind them." Sabi niya sabay hawak sa kamay ko at hila. Pero hindi naman malakas. Kasi nga hila lang hindi kaladkad. Yeah, whatever.
Dahil sa ginawa ni Austin na paghawak sa kamay ko ay lalong nagbulungan ang tao. Huhuhu dapat nagpa pangit muna si Austin eh!
Tanginang mga fans! Mga chismosa!
"Saan ba muna tayo?" Tanong ni Austin.
"Arcade?" Hindi siguradong sabi ko sakaniya. Tumango lang siya.
Naglakad na kami papunta sa.... ELEVATOR?! NO WAY!
Agad akong huminto Kaya pati si Austin ay napahinto at nagtataka akong tiningnan.
"Alam mo, Austin, may escalator naman eh doon na lang tayo huwag diyan." Sabi ko sakaniya.
Ayoko talaga sa elevator dahil hindi ako comfortable kapag aandar na ito. Ah basta ayoko doon!
"Don't tell me... takot ka sumakay sa elevator?" Tanong niya. Inirapan ko lang siya saka bumitaw sa hawak niya sa kamay ko at tinalikudan siya. Naglakad na ako palayo sakaniya.
"Hey, Ashi! Wait!"
Hindi ko siya pinansin at nagtuloy tuloy lang ng lakad papunta sa escalator na nakita ko.
May humawak naman sa braso ko dahilan kung bakit ako napatigil at napaharap sa taong iyon. Uh, naabutan na pala niya ako.
"I told you wait, right?" Mataray niyang sabi.
'Bakla.'
Inirapan ko lang siya ulit saka naglakad na. Hindi na niya hawak braso ko o kamay ko. Nasa likod ko lang siya sumusunod saakin. Para siyang bodyguard. Joke. Ang gwapo naman niyang bodyguard kung ganoon?
At isa pa, hello?! Sa yaman niyan tapos bodyguard? Aning din pala ako minsan eh no?!
Pagdating namin sa escalator ay sumakay na kami doon. Nasa likod ko parin siya. Wala nga atang balak pumantay saakin eh. Galit? At bakit naman siya magagalit? Ahy Ewan!
"OMG! Ang pogi niya! Kyaaahh~"
"Talk to him! Dali!"
"Tanungin mo name niya, sis!"
"And also his number!"
I rolled my eyes. May mas aning pala saakin. Sila. Iyong mga fans ni Austin na nagpapapansin sakaniya pero hindi naman niya pinapansin.
'Snobber yan!'
"Hi."
I rolled my eyes again dahil iyong grupo ng mga kababaihan kanina na sabi ay kausapin daw si Austin at alamin name niya at number, ay ito lumapit na at nagpapansin ng tuluyan.
BINABASA MO ANG
Ang Prinsesa Ng Section Seven
Fiksi Penggemar"I like you." "Thank you." *** "I hate you." "I hate you, too." *** "I love you." "I love you, too. *** This is the story about the only girl in section Seven. Makakaranas sila ng mga pagsubok pero sama sama nila iyong haharapin at mapagtatagumpaya...