🅟🅡🅞🅛🅞🅖🅤🅔

22 1 1
                                    

***

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


***

NAKAUPO si Meadow sa kanyang silyon, sa loob ng kanyang silid-tulugan. Hawak ang remote control sa kaliwang bahagi ng kamay habang nakatutok sa flatscreen ang mga mata. Pinapanood ang recorded video na enimail sa kanyani Amaya bago nito kinitil ang sariling buhay.

At nang araw na iyon ay pangalawang beses na niyang pinanood ang naturang video. Sa loob ng kwarto ni Amaya ginanap ang pagrerecord . Makikita kasi na nakaupo ito sa ottoman patalikod sa kanyang bedroom led mirror habang humihithit nang usok ng sigarilyo. Mukha ding ilang araw nang walang tulog ang babae dahil nangingitim na ang ilalim ng mga mata nito at makapal na din ang eyebags.

Maya-maya pa ay isang busina ng sasakyan ang umagaw ng kanyangg atensiyon. Malamang, ito na ang kanyang hinihintay na sundo. Ang maghahatid sa kaniya papuntang airport.

Mula sa kanyang kinauupuan ay tumayo siya. Naglakad papalapit sa bintana. Sa kanyang pagdungaw ay isang masayang boses ang bumati sa kanya. At bilang tugon ay tinawag niya sa pangalan ang lalaki saka kumaway. Sumenyas nang sandali bago bumalik sa kanyang higaan. Dito ay nakalatag ang maleta, pera na nasa sobre, at sobre ng mga liham mula kay Amaya. Na wala siyang ideya kung bakit sa liham nito nilagay lahat nang saloobin nito imbis na gumamit ng online application para makipag-usap sa kanya.

Bumukas ang pinto nang kanayang silid at niluwal nito si aling Doring, ang kanyang nanny simula pa nang siya ay eight years old. Nilapitan siya nito at inalalayan sa kanyang maleta saka lumabas ng silid. Nang marating nila ang sala ay saka lamang niya inabot ang sobre na naglalaman ng four hundred dollars na kung icoconvert sa Philippine peso ay twenty-two thousand and seven hundred thirty one, point thirty-eight. Hindi na rin niya masyadong binilinan pa ang matanda dahil alam na nito ang mga dapat at hindi dapat gawin kapag wala siya. Uuwi siya ng Philippines upang daumalo sa huling lamay ni Amaya.

***

COPYRIGHT © 2023 by Mary Rose (05_Roses)

All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form or by any means (electronic or mechanical, including photocopying, recording, scanning or by any information storage or retrieval system) except brief quotations for a review, without permission in writing from the author.

This is a work of fiction. Name, Characters, place, business, event and incident is either the product of the author's imagination or use in fiction manner.

PLAGIARISM IS A CRIME!

Ps. Please like, share, and comment. It's highly appreciated.

Ranked:
#32 Romance (July, 2024)

𝑺𝒂𝒏𝒂'𝒚 𝒅𝒊 𝒏𝒂 𝒍𝒂𝒏𝒈Where stories live. Discover now