𝐊𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 𝐋𝐢𝐦𝐚: 𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐤𝐚 𝐧𝐚𝐧𝐝𝐢𝐭𝐨?

15 1 0
                                    

Parang ibong humuhuni si Meadow habang sinusuklay ang mahaba niyang buhok

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Parang ibong humuhuni si Meadow habang sinusuklay ang mahaba niyang buhok. Nakaharap sa salaming habang hinihintay si Divina na dumating.

"Ma'am Mea?" Boses ni Meadow mula sa labas ng kubo.

Nilapag niya ang suklay sa tabi ng salaming saka nagtungo sa pinto ng kubo. Pagbukas niya ay isang masaya at nakangiting si Divina ang nag 'hi' sa kanya.

Pero sa hawak nitong kahon siya mas nagayuma. Napansin iyon ni Divina kaya agad niya iyong binigay kay Meadow.

" 'Yan daw ang suutin niyo ma'am Mea para sa gabing ito."

Naglakad papalapit sa higaan si Meadow saka maingay na binuksan ang kahon. Isang pusikit na bestido iyon na may haba Hanggang tuhod. Simple pero napakagalante naman tignan. Hindi siya makapaniwala na nag-abqla pa talaga si Lolo Ondoy na bumili ng bestido para sa gabing iyon. At dahit dito, nararamdaman niyang gusto siya ng matanda.

Nilingon ni Meadow si Divina na may malapad na ngiti. "Divina, pwede mo ba akong tulungang isuot ito?"

Tumango si Divina at agad siya nitong nilapitan upang tulungan siyang isuot ang bestido.

"WOW." Sambit ni Divina. "Ang galing naman ni Lolo Ondoy pumili ng bestido. Talagang bumagay sayo ma'am!"

"Kaya nga eh. Pero ano ka ba Divina. H'wag mo akong mina- ma'am. Hindi ganyan ang tawagan ng isang kaibigan."

Nanlaki ang mga ni Divina saka nagpipigil sa luha na yumakap kay Meadow. "Hindi ko alam, pero sobrang gaan ng pakiramdam ko sayo Mea. Baka magkarelatives pala tayo?" Nakatawang sabi ni Divina.

Matapos isuot ni Meadow ang bestido ay inayos at tinirintas pa ni Divina ang buhok niya. Nagmukha tuloy siyang si Elsa sa Frozen.

"Tayo na, Mea."

Lumabas na sila ng barung-barong at masayang nagtatawanan papunta sa villa.

Ang pagkamangha ni Meadow sa labas at palibit ng villa ay mas lalong nadagdagan, ngayong nakapasok na siya sa loob nito. Napakaganda, malinis at malawak ang loob ng villa. Halatang hindi basta-basta ang nakatira.

"Hanggang dito na lang ako Mea. Ang daang 'yan diretsuhin mo lang. Makikita mo sa dulo ang dining area." Turo ni Divina saka dumiretso na sa kusina, di kalayuan sa dining area.

Gaya nga ng sabi ni Divina ay diniretso ko ang daan papunta sa dining. Pagpasok ko ay agad kong nakita si Lolo Ondoy na nakaupo dulo ng dining table.

"Oh, iha!" Bungad ni Lolo Ondoy.

"Magandang gabi po Lolo Ondoy." Bati niya. Tumayo si Lolo Ondoy ay magiliw siyang hinatid sa kanyang upuan. Pinaghila pa siya nito ng upuan na ikinatuwa ni Meadow. Gentleman.

Nang makaupo na si Meadow ay bumalik na rin sa upuan si Lolo Ondoy. Patingin-tingin si Lolo Ondoy na para bang may hinahanap.

"Goring? Nasaan na ba si Mond?" Naiinip na tanong ni Lolo Ondoy sa matandang babae na nasa di kalayuan ng dining table.

"Nasa kwarto pa po Don Ignacio." Sagot nito habang nakatungo. Hindi akalain ni Meadow na ganito pala kapag nasa loob sila ng Villa. Lalo na si Lolo Ondoy. Don pala ang retiradong doktor. Pero bakit kapag nasa labas sila ng Villa ay naririnig niyang tinatawag nila itong Lolo Ondoy , na para bang napakaordinaryong tao.

"Good evening, 'lo"

Nag echo ang boses nito sa loob ng dining area. Habang naririnig niya ang tunog na ginagawa ng suot nitong tsinelas. Tsinelas?! Ang gara ng suot nila ni Lolo Ondoy, pero ang apo nito nakapantulog na pants at white shirt lang!

"OSMOND." Pigil ang boses ni Lolo Ondoy. "Bakit napantulog ka na? Hindi ba't sabi ko sayo may bisita tayo ngayong gabi?!"

Ginulo nito ang sadyang magulo nang buhok. "I know. Kaya nga ito ang suot ko e," nakatingin ito kay Lolo Ondoy. Nang-aasar. Nang makalapit na ito sa dining table ay nilingon siya nito.

"Sana na- discourage ka," ngisi niya. "Bakit ka nandito?" Biglang nagbago ang tono ng boses ni Mond. Ikinakunot naman nila ni Lolo Ondoy ang ekspresyong iyon.

𝑺𝒂𝒏𝒂'𝒚 𝒅𝒊 𝒏𝒂 𝒍𝒂𝒏𝒈Where stories live. Discover now