𝐊𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 𝐋𝐚𝐛𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐬𝐚

0 0 0
                                    

𝐊𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 𝐋𝐚𝐛𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐬𝐚: 𝐁𝐨𝐲𝐟𝐫𝐢𝐞𝐧𝐝 𝐑𝐞𝐯𝐞𝐚𝐥!

ONE WEEK LATER.

Malumanay na haplos ang ginagawa ni Amaya habang kinakalat ang lotion sa balat. Nakatapis lang siyang nakaharap sa salamin.

"Sayang naman ate dahil hindi ka nakauwi ngayon."

"Sorry talaga, Amaya ha. Alam kong mahalaga sayo ang araw na 'to." Sabi ni Meadow sa kabilang linya.

"Ayos lang. Sesendan na lang kita ng mga pictures after ng family dinner." Dumako sa closet si Amaya, pumipili ng damit na kanyang susuutin.

"Sige."

Huminto sa pagpili ng damit si Amaya. "Ayos ka lang ba ate? May problema ka ba?"

"Ha?! Ah, eh.. oo eh. S-sa trabaho." Nauutal niyang sagot. "Amaya, ibababa ko na muna 'tong tawag. May tatapusin lang ako." Hindi na hinintay pa ni Meadow na sumagot si Amaya. Binaba niya na ang tawag at parang galing siya pagtakbo kung hingalin. Paano ba naman kasi, marinig niya lang ang boses ni Amaya ay parang kumikirot ang puso niya. Andyan parin 'yong guilt, galit, pangamba at panghihinayang. Magkaganun paman masaya siya para sa kapatid niya.

"Amaya nagkausap na ba kayo ng ate mo?" Tanong ni Misis Creek nang masalubong siya nito pababa ng hagdan.

"Opo. Hindi daw siya natuloy sa flight niya. May kailangan daw siyang tapusin sa trabaho. Emergency." Malungkot niyang sagot.

"Ganun ba? Sayang naman. Oh, siya maupo ka na sa dining. May kukunin lang ako sa taas." Dumiretso na si Amaya sa dining kung saan naroon na ang kanyang ama.

"Matutuloy ba siya?" Tanong ni Mister Creek nang siya ay makaupo.

"Hindi po eh. May kailangan daw siyang tapusin sa office." Pormal na sagot ni Amaya.

"Hindi ang ate mo ang tinutukoy ko." Sabi nito saka tumingin sa kaniya. "Ang boyfriend mo." Sarkastiko na sabi ni Mister Creek. Dahilan para dumagundong sa kaba ang dibdib niya. Nakita niyang tinignan nito ang wristwatch saka muling binalik ang atensiyon sa kanya. "One hour late na siya. Ang lakas ng loob niyang paghintayin kami."

"Tatawagan ko po," sabi ni Amaya at walang lingong tinungo ang kwarto upang tawagan ang nobyo. Nakailang ring at missed call pa siya bago sumagot ang pakay.

"Osmond nasaan ka ba?" Nape-pressure na tanong niya. Sinagot lang siya nito ng malalim na buntong hininga. Ilang minuto ang lumipas bago ito nagpasyang kausapin siya.

"Nasa harap na ako ng bahay niyo." Walang kagana-gana na sabi ni Osmond. Dumating naman talaga siya bago ang itinakdang oras. Pero mas pinili niyang manatili sa loob ng kotse at pagmasdan ang kabuuan ng bahay. Magdadalawang isip siya kung tutuloy ba siya o hindi.

Ayaw naman talaga niyang pumayag sa anyaya ni Amaya na maging parte ng family dinner. Hindi din naman kasi 'yun matatawanmg family dahil Wala si Meadow. Ang babaeng mas gusto niyang makita kesa kay Amaya. Pero isang buwan na ang nakakalipas simula nang magpasya ito na lumipad paibang bansa at dito na magpatuloy sa pag-aaral. Kaya ano pa ang saysay para dumalo siya?

Besides alam na niya ang susunod na mangyayari. Ipapakilala na siya ni Amaya sa mga magulang nito bilang opisyal na nobyo. At hindi siya masaya sa bagay na iyon, ngayon.

Mula sa loob ng sasakyan ay natanaw niya si Amaya na nagbubukas ng gate. Lumabas ito at hinagilap ang kotse niya. Dahil wala namang ibang kotse ang nakapark sa kalsada at agad niya akong natukoy.

Naglakad siya papunta sa kotse saka sumilip sa bintana at kumatok ng mahina. Lumabas siya ng kotse at pinuntahan si Amaya. Nakasimangot ito pero nang hawakan ni Osmond ang kamay niya ay lumiwanag ang ekspresyon nito. Sinadya niyang gawin iyon. Para hindi siya masyadong mahalata ng parents ni Amaya.

"Your finally here!" Bungad ni Mister Creek nang makapasok ang dalawa sa dining room. Nandoon na rin si Misis Creek. Mukhang may pinag-uusapan ito na mahalaga. Nahalata iyon ni Amaya nang biglang baguhun ng mga ito ang kanilang itsura.

"Have a sit." Anyaya ni Misis Creek at naupo naman ito, ni hindi man lang pinaghila ng upuan si Amaya. "Pasensya ka na iho. Hindi mo makikilala ngayon ang ate at the same time, kakambal ni Amaya dahil nasa states siya." Alam na ni Osmond iyon. Pero umakting siya na parang walang alam.

"Ayos lang po. Makikilala ko rin siya balang araw."

Tumikhim si Mister Creek saka kumuha ng pagkain. Habang sinasalansan ito ay nagsalita siya.

"So, ilang taon na kayong magkarelasyon ni Amaya?" Kung magsalita ito parang hindi niya anak si Amaya.

"Months palang po kaming magkarelasyon. -"

"Ah..." Putol ni Mister Creek kay Osmond. "Months pa lang pala kayo pero gusto mo ng pakasalan ang anak ko?"

Parang huminto ang oras ni Osmond nang matapos niyang marinig ang sinabi ng ama ni Amaya. Kasal? Wala sa bokabolaryo niya ang bagay na yun!

𝑺𝒂𝒏𝒂'𝒚 𝒅𝒊 𝒏𝒂 𝒍𝒂𝒏𝒈Where stories live. Discover now