𝐊𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 𝐋𝐚𝐛𝐢𝐧𝐝𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚

0 0 0
                                    

𝐊𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 𝐋𝐚𝐛𝐢𝐧𝐝𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚: 𝐄𝐧𝐠𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐏𝐚𝐫𝐭𝐲.

Isang linggo na rin ang nakakalipas simula noong dumalo siya sa family dinner

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Isang linggo na rin ang nakakalipas simula noong dumalo siya sa family dinner. Isang linggo na ang nakakalipas simula noong naging matino pa ang kanyang utak. Siya ay tuliro at balisa dahil sa hindi mapigilang sarili.

Kung tutuusin pwede naman siyang tumanggi. Pwede naman niyang sabihing wala siyang alam sa sinasabi nitong kasal. Ang babaeng iyon lang talaga ang ay may pasimuno ng lahat. Paano niya naaatim na ngumiti sa lalaki matapos siya nitong linlangin? Ang babaeng minsan niyang minahal. Isang pagmamahal na hindi pangmatagalan. Kaya bakit niya ginawa 'yon? Bakit niya sinabi 'yon?

Posible kayang alam na nito ang pagtataksil na ginawa niya? Alam na ba nitong may namagitan sa kanila ng ate niya? Hindi kaya napansin na nito ang panlalamig niya, at, upang masigurong hindi na siya makakawala ay nagdesisyon itong gumawa nang isang bagay na wala siyang kaalamalam? Ganoon na ba siya ka desperada?

Hindi. May paraan pa para tumanggi. Oo tama, may paraan pa!

"Osmond." Napabalikwas siya mula sa pagkakahiga nang marinig niya ang boses ng Lolo niya. Wala siya sarili at malalim ang iniisip kaya hindi niya namalayan ang pagpasok nito sa kwarto niya.

"Lolo..." Matamlay ang boses niya na para bang magkakasakit siya sa dami ng kanyang iniisip.

"Tatapatin na kita." Seryosong sabi nito saka naupo sa kama. "Mas boto ako kay Meadow. Kaya noong malaman ko na kambal sila ni Amaya ay nagpanggap akong bulag at bingi. Mabait na bata si Meadow malayong-malayo sa kanya."

"Bakit hindi kayo nagalit sakin noong malaman mong may kalihim akong karelasyon?"

Bumuntong-hininga si Lolo Ondoy. "Nagalit ako noong una. Pero simula noong makilala ko si Mea ay nawala din yun. Iniisip ko na siya ang babaeng 'yun. Niloko ko ang sarili ko."

Hinawakan ni Lolo Ondoy ang balikat niya at maingat na pinisil. "Kung gusto mong umatras sa kasal, may oras pa." Sabi nito bago tumayo. Bago ito makalabas ng silid ay nagsalita siya.

"Hindi ako aatras. Alam kong ito rin ang gusto ni Meadow. Mahal na mahal niya ang kapatid niya higit sa kahit sino man. Kaya ang sakripisyong ito ay gagawin ko para sa kanya. Para sa ikakasaya niya."

"Kung iyan ang pasya mo." Sagot ni Lolo Ondoy bago ito tuluyang lumabas ng silid.

"CONGRATULATIONS!" Sunod-sunod na bati ng bawat taong makakasalubong nila. Ngingiti at magpapasalamat kahit sa likod ng mga ito ay pangamba.

"Osmond,"

"Hm?"

"Sorry." Nakatungo na paumanhin ni Amaya.

"Kalimutan mo na 'yon, Amaya. " Pinagmasdan ni Osmond ang mga bisitang nagkakasaya at nagkakaisa para sa kanila. "Madalas hindi ka nag-iisip at masyadong nagpapadalos-dalos ng desisyon. Pero dahil mahal kita burado na ang lahat ng 'yon." Sabi ni Osmond na nagpangisi sa nobya.

𝑺𝒂𝒏𝒂'𝒚 𝒅𝒊 𝒏𝒂 𝒍𝒂𝒏𝒈Where stories live. Discover now