𝐊𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 𝐖𝐚𝐥𝐨: 𝐁𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐤𝐚!

5 0 0
                                    

Isang mainit na yakap ang sumalubong kay Meadow nang siya ay makalabas ng van

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Isang mainit na yakap ang sumalubong kay Meadow nang siya ay makalabas ng van. Tumatangis na Ina, nagpipigil sa luha na ama, at nag-aalalang kapatid. Dahilan para halos walang pagsidlan ang sayang nararamdaman ni Meadow nang mga oras na iyon.

"Thank God, anak." Tangis ni Misis Creek.

Mula sa pagkakayakap, isa-isang kumalas ang tatlo na hindi maikubli ang pananabik.

"Pasensya ka na kung hindi ka namin agad nahanap, Mea." Paumanhin ng kanyang Ama na si Mister Creek. Pagdaka lumingon sa direksyon ni Amaya na masama ang loob. Iniwasan iyon ni Amaya na may pangamba sa mga mata.

"Ayos lang po, Dad. Ang mahalaga ngayon, magkasama na ulit tayo!" Masayang sabi ni Meadow na parang mas lalong ikinasama ng loob pa ni Amaya.

Ang awkward na vibes sa paligid ay napalitan ng kagalakan nang magsalita si Misis Creek. "Pumasok na tayo't baka lumamig ang pagkain sa loob!"

Nilingon ni Meadow si Misis Creek na may ngiti. "H'wag niyo pong sabihing naghanda kayo?!"

"Syempre naman. Ilang araw kang nawala, Mea. Ito na rin ang pasasalamat namin dahil ligtas kang nakabalik sa amin." Pero ang mga sugat na tinamo niya mula sa aksidente ay makikita pa rin.

Pagpasok nila sa bahay ay agad na inasikaso si Meadow ng mga kasambahay, lalo na ng kanilang magulang. Sa pakiramdam niya para siyang naging isang prinsesa nang mga oras na iyon. Nakakailang dahil bago iyon para kay Meadow. Madalas kasing naka'y Amaya ang atensiyon ng mga magulang nila.

"AMAYA.." nakasilip si Meadow sa labas ng kwarto nito. Nakatalukbong ng kumot si Amaya at rinig niya ang mahinang paghikbi nito.

Gusto lang naman sanang makipagbonding ni Meadow sa kapatid gaya ng ginagawa nila noon tuwing gabi. Subalit hindi niya inaasahang mararatnan niya itong humihikbi sa loob ng madilim na silid habang nakatalukbong ng makapal na kumot.

Tahimik na pumasok si Meadow. Maingat na sinara ang pinto sakay lumapit sa kama ni Amaya.

"Bakit ka umiiyak? May problema ba?" Kalmado niyang tanong. Nakailang pagsinghot si Amaya bago nilabas ang ulo mula sa pagkakatago sa kumot.

"Salamat at buhay ka, ate."

Niyakap ni Meadow si Amaya ng mahigpit habang tahimik na umagos ang kanyang luha. "Hindi ka ba masaya?" Garalgal ang boses niya.

"M-masaya!" Mariing wika ni Amaya. "Ano kasi..." Nag-aalangang sabi nito.

"Pero bakit humihikbi ka?" Kumawala si Meadow sa yakap niya kay Amaya.

"Dahil alam kong magagalit ka."

"Bakit mo naman nasabi 'yan? Tsaka kahit kailan hindi ako nagalit sayo, Amaya."

Nagpunas ng luha si Amaya saka umupo. "Noong magising ako sa loob ng kweba, napansin kong wala ka sa tabi ko. Natakot ako at nag-aalala. Kaya hinanap kita sa gubat. Pero sina Talia ang nakita ko. Nang malaman nilang nawawala ka, tinulungan nila akong hanapin ka. Pero hindi ka namin nakita, ate." Kwento ni Amaya. "Kaya nagpasya kaming umuwi na lang at ipaubaya na lang sa mga eksperto ang paghahanap. At syempre nalaman 'yun nila mom and dad. Nagalit sila sakin kasi naniniwala silang hindi ka mapapadpad sa gubat na iyon kung hindi kita niyaya. Kaya..." Yumuko si Amaya.

"Kaya para pagtakpan ang kasalan ko, pinagtakpan ko ang aking kasalanan. At sinabi kong sinadya mong iwan ako sa kuweba para maglayas. Noong una napaniwala ko sila. Kalaunan nalaman din nila ang totoo." Nahihiyang wika ni Amaya.

"Mali 'yung ginawa mo, Amaya. Kaya sana h'wag mo ng gawin iyon ulit." Mahinahong sabi ni Meadow. "Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganun ang pagtrato nila sayo. Ayaw na ayaw nilang niloloko. Lalo na ng sarili nilang mga anak." Hinawakan ni Meadow si Amaya sa braso at nginitian. "Pero walang mga magulang ang matitiis ang kanilang anak. Kaya sigurado akong ilang araw lang babalik na ulit sila sa dati."

Walang naisagot si Amaya. Kusa na lamang pumatak ang luha niya.

𝑺𝒂𝒏𝒂'𝒚 𝒅𝒊 𝒏𝒂 𝒍𝒂𝒏𝒈Where stories live. Discover now