𝐊𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 𝐀𝐩𝐚𝐭

6 0 0
                                    


𝐊𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 𝐀𝐩𝐚𝐭: 𝐋𝐨𝐥𝐨 𝐎𝐧𝐝𝐨𝐲'𝐬 𝐆𝐫𝐚𝐧𝐝𝐬𝐨𝐧

𝐊𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 𝐀𝐩𝐚𝐭: 𝐋𝐨𝐥𝐨 𝐎𝐧𝐝𝐨𝐲'𝐬 𝐆𝐫𝐚𝐧𝐝𝐬𝐨𝐧

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Hinatid si Meadow ni Divina malapit kung saan makikita ang pool. Agad din siya nitong iniwan pagkatapos. Natatakot kasi ito, na baka mahuli nang kanyang amo na walang ginagawa. Dahil bago pa lang siya sa trabahong iyon, kailangan nitong umiwas na masita o makagawa ng hindi maganda, na magiging dahilan upang paalisin at mawalan pa ito ng trabaho.

Habang binabaybay nila kanina ang daan papunta sa pool ay nagkwento si Divina kay Meadow. Panganay daw siyang anak at siya ang tumatayong breadwinner ng kanilang pamilya. Pito silang magkakapatid at ang lahat ng mga ito ay nag-aaral. Hiwalay ang kaniyang mga magulang kaya mas lalong hirap ang pamilya ni Divina. Kaya halos makuba na ang kanyang Ina sa pagtatrabaho. Dahil sa awa para sa kanyang Ina, kahit na ayaw niyang huminto sa pag-aaral ay ginawa parin niya. Sa kagustuhang matulungan ang kaniyang mga kapatid, at higit sa lahat ang kanyang butihing Ina.

Nakakapanghinayang din dahil mukha namang matalino si Divina. Pero dahil isang kahig, isang tuka sila, kailangan niyang magsakripisyo. Dalangin ni Meadow na sana matupad ni Divina ang pangarap nito.

Nang makalayo na si Divina ay pasimple na sumilip si Meadow. Gayong din ang nakita niya ang isang guwapong lalaki. Winawasiwas nito ang basang buhok. Nakakapagtaka dahil nakasuot pa ito ng puting t-shirt na basang-basa na din. Bumakat ang pumuputok nitong matipunong katawan. Ngunit nang matauhan ay agad siyang bumalik sa pagkukubli sa gilid ng pader kung saan hindi siya makikita ng lalaki na nasa pool.

Mariing napapikit si Meadow. Napahawak siya sa kanyang dibdib saka kinalma ang sarili. Subalit tila nagbuhol-buhol ang pintig ng puso niya. Namumula ang pisngi at nag-iinit ang kanyang tenga. Mukhang tinamaan siya.

Ito ang unang karanasan niya na magkaroon ng pagkagusto sa isang lalaki. Tumatawag kasi siyang weird sa school at madala mag-isa. Laging hawak ay libro, notebook ang ballpen. Kung maglakad pa siya ay nakayuko habang nagbabasa. Kaya wala na siyang panahong tumingin sa mga tao na nasa paligid niya.

Maliban noong makarating siya sa villa amour. Masyadong masayahin at friendly ang nga tao na nakatira at nagtatrabaho doon. Sa ilang araw nang kanyang pamamalagi ay unti-unti ring nagbabago ang pakikitungo niya sa mga tao. At ang una nga niyang naging kaibigan dito ay si Divina. Malambing, masayahin at palakaibigan. Magaan din itong kasama kahit pa ilang oras lang silang nagkausap. Ganoon din kaya ang lalaking nasa pool? Sana.

Nagmulat nang mga mata si Meadow. Nagpalabas na mahaba, malalim ngunit maririnig mo ang kanyang paghinga. Akmang sisilipin niya ulit sana ang lalaki nang makita niyang wala na ito roon. Ang tanging naiwan na lamang dito ay basang sahig na may mga hugis paa. Tuloy-tuloy iyon papasok sa villa.

She's wondering. Ano kaya ang nasa loob ng Malaki at magandang villa na ito?

"Mea?"

Parang niyanig ang kaluluwa ni Meadow nang marinig niya ang isang garalgal na boses, at binanggit ang pangalan niya. Unti-unti siya humarap dito habang nakapikit.

"Anong ginagawa mo dito, iha?"

"Lolo Ondoy," sambit niya. "Kanina pa po ba kayo dito?"

Umiling si Lolo Ondoy. "Hindi naman. Hinahanap kasi kita. Sabi ni Divina hinatid ka daw niya sa pool kasi gusto mo itong makita." Paliwanag ni Lolo Ondoy. "Eh, bakit nakasilip ka lang?" Pagtataka nito habang tinitingnan kung ano ang meron sa pool.

"A---ano po kasi..." Sambit niya na umiiwas ng tingin kay Lolo Ondoy.

"Siguro nababagot ka na sa barung-barong kaya lumabas ka. E, mabuti din 'yan para ma- exercise ang katawan mo." Sabi pa ni Lolo Ondoy.

"Pasensiya na po. Pinag-alala ko po kayo." Nahihiya niyang sabi.

"Ayos lang." Nakangiting sagot ni Lolo Ondoy. "Tsaka nga pala. Mamayang gabi sa villa ka na magdi-dinner. Umuwi kasi ang apo ko, gusto kitang ipakilala sa kanya." Pagkatapos ay tumalikod na ito at naglakad. Samantalang gulat at kinakabahan na sumunod sa kanya ang dalaga.

𝑺𝒂𝒏𝒂'𝒚 𝒅𝒊 𝒏𝒂 𝒍𝒂𝒏𝒈Where stories live. Discover now