𝐊𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 𝐏𝐢𝐭𝐨: 𝐆𝐮𝐬𝐭𝐨 𝐤𝐨 𝐧𝐠 𝐮𝐦𝐮𝐰𝐢.

2 0 0
                                    

"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"

Mea?"

Isang hindi inaasahang boses ang narinig ni Meadow mula sa labas ng barung-barong. Kasakuyang siyang nagpapalit ng damit. Iyon ang damit na suot niya noong iligaw niya ang baboy-ramo at mapadpad sa villa amour.

"Anong ginagawa mo dito?" Malamig niyang tanong nang 'di pinagbubuksan ng pinto ang bisita sa labas.

"Gusto ko sanang humingi ng sorry." Nahihiyang sabi ni Mond. "Pwede ba kitang makausap?"

Natigilan sa pagbubutunes si Meadow at napahawak sa kanyang dibdib. Malakas ang pagtambol niyon. Bakit kaya? Dahil ba nasa labas ng barung-barong ang taong unang nagpatibok ng puso niya? Bakit hindi niya magawang magalit sa lalaki sa kabila nang ginawa nito sa kanya ilang araw nang nakakalipas?

"Mea?" Tawag ni Osmond .

Bumukas ang pinto ng barung-barong. Bumungad kay Osmond ang napakainosenteng mukha ng isang babae. Ngunit pakiramdam niya may wildness na tinatago si Meadow. Napatunayan niya iyon nang sunggaban siya ng mapupusok na halik ni Meadow. At hindi na nga niya matanggihan pa ang imbitasyong iyon. Nagpatianod si Osmond sa mainit na agus ng kapusukan. Nakalimutan niyang may girlfriend siya. Nakalimutan niyang ang babaeng nasa ibabaw niya ay ang kakambal nang girlfriend niya.

Naging napakainit ng hapon na iyon. Parehong walang saplot pero parehong naliligo sa sariling mga pawis. Kakaibang ingay ng kuliglig ang umaalingawngaw sa loob ng barung-barong. Mahina,malakas, mariin at nanggigigil ang tunog ng ingay. Walang lindol pero parang binabayo ang barung-barong. Ang higaang kawayan ay lumalangitngit sa marahang pag-uga nito. Marahan, pero madiin. Ang puting kumot ay nagkulay pula. Basa at may parte nito ang may tila puting malapot na likido.

Ngunit hindi iyon alintana nina Meadow at Osmond.

"Bakit?" Panimula ni Osmond.

"Hm?" Baling ni Meadow na bakas sa mukha ang pagod pero masaya.

"Bakit sa akin mo binigay ang virginity mo?" May guilt sa boses niya. "Unang-una, hindi mo ako boyfriend or kakilala man lang. Kaya bakit sa'kin mo binigay?"

Ngumiti lamang si Meadow habang nakapikit na nakaharap kay Osmond. "Dahil gusto kita." Sagot ni Meadow na walang pagsisisi sa tono nito.

Unang araw pa lang makita ni Meadow si Osmond ay nahulog na agad ang loob niya dito. Kahit na hindi naging maganda ang una nilang pag-uusap. Na humantong sa puntong sinaktan siya ni Osmond. Oo natakot siya. Pero hindi nito nabawasan ang umuusbong niyang pagtingin para kay Osmond.

At ang hapon na iyon ang pinaka-memorable sa kanya. Ibinigay niya sa lalaking mahal niya ang ang kanyang pagkababae. At wala siyang pagsisisi sa bagay na iyon. Sa katunayan pa nga kahit masakit na ang kanyang katawan sa kanilang ginawa kanina ay napawi naman iyon nang mga nakita niya sa mukha ni Osmond. At mas lalo niya pang ginalingan sa kama dahil gusto niyang maalala siya ng binata kahit na wala na siya sa tabi nito.

"Iyong Maya..." Nag-aalangang na sambit ni Meadow. "Girlfriend mo ba siya?"

Namilog ang mga mata ni Osmond sa tanong ni Meadow. Pero pinili niyang hindi magpahalata.

"Oo, girlfriend ko siya. Pero nagpasya kaming i-private ang relasyon namin. " Pag-amin niya. "Pinagbabawalan siya ng kanyang parents na pumasok sa isang relasyon. Ako naman, si Lolo Ondoy ang magdedecide kung sino ang magiging girlfriend ko. Higit sa lahat...magiging asawa."

Lumungkot ang mukha ni Meadow. "Ang kumplikado naman pala nang relasyon niyo." Usal ni Meadow. Pero mas lalong nalungkot si Osmond. Dahil hindi niya aakalaing mapapasok siya sa isang mas kumplikadong sitwasyon.

"Naku, andiyan na yata ang magsusundo sakin." Bulalas ni Meadow nang marinig niya ang busina sa labas ng kubo. Agad siyang tumayo at nagmamadaling nagbihis.

"Sundo?" Bumangon si Osmond mula sa higaan.

"Patawad, Mond. Pero gusto ko ng umuwi." Sabi ni Meadow pagkatapos ayusin ang sarili. "Salamat sa isang napakasayang hapon." Pahabol pa ni Meadow bago ito tuluyang lumabas ng ng barung-barong.

At naiwan si Mond na walang nagawa. Nakatulala lang siya na parang naestatwa sa kanyang kinauupuan. Ang tagal nagprocess ng utak niya. Para sabihin at maintindihan na aalis na si Meadow. At kahit kailan ay hindi na niya makikita ang dalaga.

𝑺𝒂𝒏𝒂'𝒚 𝒅𝒊 𝒏𝒂 𝒍𝒂𝒏𝒈Where stories live. Discover now