𝐊𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 𝐒𝐚𝐦𝐩𝐮: 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐤𝐢𝐭𝐚, 𝐩𝐚𝐚𝐥𝐚𝐦.

2 0 0
                                    

Wala sa sarili na naglalakad si Meadow papunta sa building na in-apply-an niya. Bakasyon na kaya napagpasyahan niyang maghanap ng trabaho para libangin ang kanyang sarili.

Nakita na lang niya ang kanyang sarili sa waiting area matapos siyang tawagin ng secretary.

"Miss Creek?"

"P-po?"

"Ikaw na po ang susunod." Mabilis siyang tumayo papasok sa opisina. Pagpasok niya ay maingat na sinara ng secretary ang pinto. Pagkasara ay agad siyang humarap sa desk. Pagkaharap niya ay kusang bumilis ang tibok ng puso niya. Dahil ang nasa harap niya ay si...

"Mond?"

"Mea?" Gulantang na sambit ni Mond.

Mabilis na tumalikod si Meadow upang buksan ang pinto ng opisina. Pero naging maagap si Osmond. Mabilis siya nitong nahawakan at napigilan sa paglabas ng opisina. Pinigilan si Meadow nang isang maalab na halik ni Osmond.

Nanigas siya habang nanlalaki ang mga mata. Nanginginig siya, kinakabahan siya, nakokonsensiya siya. Magulo ang isip niya simula noong magtapat si Amaya tungkol sa kasintahan nito na matagal na pala nitong tinatago.

"Mea, bakit mo ako iniiwasan?" Mahina at puno ng pananabik ang boses ni Osmond. Boses na may bahid ng pangamba at pagkamakasarili.

Tinulak siya ni Meadow palayo.

"Bakit, may dahilan ba para hindi ko gawin 'yun?" Sagot niya habang tuwid ang mga tingin nito sa mga mata ni Osmond.

"Oo!" Pasigaw na sabi ni Osmond. Mabuti na lang at soundproof ang office niya kaya walang makakarinig sa pinag-uusapan nila. Walang makakarinig sa sigaw niya, sa kanyang pag-iyak.

"Simula noong araw na umalis ka sa villa hindi ka na nawala sa isip ko, Mea. Araw at gabi lagi kang nasa isip ko! Sa bawat sandaling nasa isip kita lalo kitang nami-miss." Umiwas nang tingin si Osmond upang itago ang kanyang luha.

"Hindi tayo ganoon magkasama ng matagal. Hindi tayo ganoon magkakilala. Pero bakit?! Bakit hindi ka maalis sa isip ko? Hinahanap-hanap ko ang presensya mo, Mea." Parang nalantang halaman na bumagsak sa sahig si Osmond. Parang bata na sabik sa kanyang ina na matagal'ng hindi nakita.

"Itigil mo na 'yang kahibangan mo." Mariing wika ni Meadow. Nag-angat ng ulo si Osmond upang tingalain si Meadow na nakatayo habang nakasandig sa pader.

"Anong sabi mo?" Usal niya.

"Amaya Creek." Sambit ni Meadow na ikinagukat ni Osmond. "Kilala mo siya 'di ba? Dahil siya ang girlfriend mo."

"Pano mo nalaman?"

Bumuntong-hininga si Meadow bago nagpatuloy. "Noong banggitin mo ang kanyang pangalan. Kinutuban na ako na siya girlfriend mo. Dahil kambal ko siya." Tumingin si Meadow kay Osmond na may sakit sa mga mata. "Mas napatunayan ko 'yun nang yayain ako ni Amaya na mamasyal dahil sa may gusto siyang sabihin sakin. At iyon nga ang tungkol sa tago niyang relasyon sa iyo."

Hindi agad nakasagot si Osmond sa mga sinabi ni Meadow. Nagi-guilty siya dahil sa kabila nang katotohanang alam na niya ang tungkol sa kakambal ni Meadow ay nagpanggap parin siyang wala siyang alam. At hinayaan niyang may mangyari sa kanila ni Meadow. Ang babaeng kakambal ng girlfriend niya.

Magkamukha sila pero sobrang layo ng ugali nila sa isa't isa. Spoiled kung kumilos at magsalita si Amaya, samantalang mas matured naman para sa kanya si Meadow. Ang pagiging spoiled ni Amaya ang nagustuhan niya. Dahil pakiramdam niya pareho sila ni Amaya, nagrerebelde sa magulang. Subalit noong makilala niya si Meadow natutunan niyang magpakatotoo sa sarili. At iyon ang gustong patunayan niya kay Meadow. Ang babaeng hinahangad niya, ang babaeng gusto niyang makasama. Mahal niya ito. At sa maikling panahon na nakasama niya si Meadow ay hindi niya mahagilap ang dahilan kung bakit mas gusto niya si Meadow kesa sa babaeng nakarelasyon niya ng mahabang panahon.

"Minsan na akong naging selfish, at ayaw ko ng ulitin pa iyon. Lalo na kung alam kong may nasasaktan ako. Kaya Osmond mahal kita! Simula pa noong una kitang makita sa swimming pool." Pinulot ni Meadow ang resume na nagkalat sa sahig.

"Binigay ko ang sarili ko sayo dahil gusto kong maging akin ka. Kahit pa walang kasiguraduhang makukuha ko ang loob mo sa pamamagitan ng pagksuko sa aking sarili sayo. Pero sa huli...si Amaya parin ang mas mahalaga sakin. Ayoko siyang masaktan kaya...nagkausap naman tayo kaya...sasabihin ko sayo na...mahal kita, Osmond. Pero mas mahal ko ang kapatid ko. " Tumayo si Meadow saka humarap sa pinto.

"Paalam. Hiling ko na sana hindi na tayo magkita pa." Mga salitang binitawan ni Meadow bago niya iniwan si Osmond na nakasalampak parin sa sahig.

𝑺𝒂𝒏𝒂'𝒚 𝒅𝒊 𝒏𝒂 𝒍𝒂𝒏𝒈Where stories live. Discover now