TIRIK na tirik ang sikat ng araw. Walang masyadong mga ulap kaya wala man lang makatakip kahit saglit sa sinag na mula rito. Sa ibang paraan ay maganda din naman. Dahil Dito ay mas lalong tumitingkad ang kulay berdeng bundok, mga puno, at mga halamang gubat.
At sa ilalim nang mga nagtataasan at mayayabong na puno ay sina Meadow at Amaya.
"Ate, dumaan na tayo dito kanina." Pansin ni Amaya na parang pabalik -balik na lamang sila sa kanilang dinadaanan at nagtatapos sa iisang lugar. Makitid na daan, matataas na mga puno na hindi naman nila alam kung anong klase ng puno.
Bumuga ng hangin si Meadow. Pagod na siya sa paglalakad at masakit na rin ang paa niya. Maging ang balikat niya parang bibigay na din dahil sa may kabigatang bag na kanyang dala.
"Naliligaw na yata tayo." Hinihihingal na sabi ni Meadow. Pero hindi parin sumuko ang dalawa. Nagpatuloy parin sila sa paglalakad.
"Ang malas naman natin ate." Sabi ni Amaya.
"Kaya nga eh," dunukot ni Meadow sa bulsa ng pants ang kumpas. Tinignan niya ito at napagtantong tuluyan na nga itong hindi gumana. Sinubukan niya ding buksan ang selpon upang tawagan ang mga kasamahan nila. Pero sa kasamaang palad ay wala itong signal. Binalik niya ang kumpas at selpon sa bulsa saka nagpasyang magpatuloy na lamang sa paglalakad.
Suot nila ay hiking boots, pants at simpleng shirts na may UV protection, sinapawan ng jacket na gawa sa balahibo ng tupa at waterproof. At mukhang gusto yata iyong subukan ng kalikasan.
Bumuhos ang malakas na ulan. Sa hindi ganoon kadilim na paligid ay natanaw nila ang isang kuweba. Natatakot at may pangamba man ay patakbo nilang pinuntahan ang kweba. Madilim sa loob kaya kinuha ni Meadow mula sa dalang bag ang isang maliit na ilawan. Pagkatapos ay mabilis na napaupo sa mabatong sahig ng kuweba.
"Ate, paano kung tumawag na sina Talia kina mommy at daddy?" Nag-aalalang sabi ni Amaya. "Hindi pa naman nila alam na sumama tayo kina Talia para maghiking."
"H'wag kang mag-aalala. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanila." Marahang hinila ni Meadow si Amaya saka mahigpit itong niyakap.
Mahilig sa adventure si Amaya. Samantalang taong bahay naman si Meadow. Doon pa lang ay napakalayo na talaga nang mga hilig nila bilang magkapatid. Mas matanda nga lang si Meadow kay Amaya. Sakitin si Amaya kaya maraming mga bagay siyang hindi dapat gawin. Ngunit sa kabila nito ay ayaw mamuhay ni Amaya ayon sa kanyang mga magulang. Kahit pa ang kapakanan niya lang naman ang iniisip nang mga ito. Maging si Meadow ay ganoon din. Pero sa kabila nito ay mahal na mahal ni Meadow ang kapatid kaya kahit labag sa kanyang kalooban ay pumapayag siyang gawin ni Amaya ang gusto nito. Sa isang kondisyon, kailangan kasama siya.
Isang ordinaryong araw iyon para kina Amaya at Meadow. Pero nang tumawag si Talia kay Amaya ay tila naging isang hindi pangkaraniwan iyon para kay Amaya. Ang dahilan kasi ng pagtawag ni Talia ay para hikayatin siyang sumama sa hiking sa isang kilalang kakahuyan na pinaniniwalaang may naninirahang ingkanto.
Noong una ay hindi pumayag si Meadow sa kahilingan ng kapatid. Pero noong umiyak na ito ay dito pa lamang siya nakumbinsi. Pumayag siyang sumama si Amaya sa hiking nina Talia. At syempre Kasama siya.
Pagkatapos ng ilang minutong pangungumbinsi ni Amaya ay agad na silang kumilos. Hinanda na nila ang mga dadalhin. Gamot, tubig, flashlight, lampara, pagkain at iilang damit. Ayon kasi Amaya, maliban sa hiking ay balak din daw nilang magpalipas ng gabi para mas thrilling daw. Na naging isa sa mga dahilan kung bakit ayaw pumayag ni Meadow, na sa huli ay pumayag din naman siya.
Nang araw na 'yon ay wala ang mga magulang nila. Nag-out-of-town ito for business purposes at sa makalawa pa babalik. Kaya silang dalawa lang ang nasa bahay at ang mga kasambahay nila. Nang maisaayos na nila ang mga dapat dalhin ay agad na silang tumakas ng bahay nang walang nakakakita at nakakaalam.
Mula sa mahimbing na pagkakatulog ay nagising si Meadow. Mula sa labas ng kweba ay may naririnig siyang mga kaluskus.
Baka sina Talia 'yun!
Sa isip-isip niya. Maingat siyang bumangon para hindi niya magising si Amaya. Sa paglabas ni Meadow ay isang hindi inaasahang panauhin ang bumungad sa kanya. Isa iyong malaking baboy-ramo.
Agad siyang pinanghinaan ng tuhod nang makita niya ang baboy-ramo lalo na nung umatungal ito. Sa pakiwari niya ay hindi ito magdadalawang isip na sugurin siya. At ayaw niyang masaktan si Amaya kaya tumakbo siya papalayo sa kuweba upang iligaw ang baboy-ramo. Mabilis tumakbo ang baboy-ramo kaya dinoble niya ang kanyang bilis sa pagtakbo, sa kabila nang madilim na kapaligiran. Nang hindi alam na may isang patibong pala na naghihintay sa kanya. Isang malalim na hukay.
YOU ARE READING
𝑺𝒂𝒏𝒂'𝒚 𝒅𝒊 𝒏𝒂 𝒍𝒂𝒏𝒈
Romance"Side by side or miles apart, sisters are always close at heart." *** Fragile pero pasaway. Ganyan ilarawan ng mga magulang nina Meadow kapatid na si Amaya. Kaya naman bilang nakakatandang kapatid, poprotektahan niya ito sa lahat ng oras. At akala n...