CHAPTER 32

416 76 21
                                    

SEVENTH...

XAVIER'S P.O.V

Naglalakad na kami ngayon dito sa koridor at nakatingin sa Ring Map upang mahanap ang aming bagong Dorm Room, yes po, tama ang narinig niyo "AMIN" nakalagay kase sa golden card na tag-pipito ang mga Irisian na magsasama-sama sa isang Dorm Room. Hindi rin hinihiwalay ang bababe sa lalake, pero atleast magkakasama kame ng mga kaibigan ko.

Lumakad at pumanhik sa mga hagdanan, hanggang sa makapanhik kami sa Ika-apat na palapag kung saan tinuturo ng Ring Map ang Dorm Room namin.

"Dito na ang ating destinasyon guys." Saad sa amin ni Kali. Tumigil naman kami sa pintong may nakalagay na ROOM 333 sa may plaketa nito.

"Sigurado ka ba?" Tanong ko kaya kali. "Oo nga. Tignan mo anong number 'yan? Hindi ba Room 333 ang nakalagay?" Nakukulitan sagot niya sa akin.

"Ayy sorry naman po ano, kung sanang sinabi mo sa amin ang room number kanina 'di sana ako nag tanong ano?" Mataray na saad ko kay Kali. Aba noong makuha niya ang card para sa room namin ay sinabihan lang niya kami na sundan siya at sinabi niya lang na magkakasama kami sa isang kwarto, pero di niya naman binanggit kung anong Room number.

"Ayy ganon ba sorry hahah, alam mo naman kase medyo napagod ako eh." Paumanhin niyang saad sa akin na tinanguan ko na lang.

"Kuya, buksan mo na 'yan, gusto ko nang matulog." Tinatamad na saad ni Guia. Kaya naman tinapat na ni Kali ang golden Card sa may sensor namay nakalagay na "Place the Golden Card here."  at biglang bumukas ang pinto. Nang magbukas na ng tuluyan ang pinto, literal na napanganga kami...

Napa-wow naman ang mga reaksyon namin, pwera syempre sa "masayahin" kong boyfriend. Kase naman kitang-kita dito ang 2 palapag na loob nitong kwarto, pero parang bahay na ito at hindi kwarto lang, kase naman kumpleto ito mula sa nga furniture hanggang sa mga accessories na parang sa bahay. Siyet lang! Malaki pa nga ito sa bahay nila Nay Aurelia eh.

"A-Atin ba talaga ito, kuya?" Dinig kong di makapaniwalang tanong ni Guia sa kay Kali. "Oo naman tungaks, binuksan nga natin 'di ba?" Sarkastikong sagot naman ni Kali, na nagpa-pout kay Guia...

"Guia! Huwag kang mag pout mukha kang Sniffler! hahaha." Pambubwisit pa lalo ni Kali sa kapatid. Kita namang tumahimik si Guia at tila ba'y nagpipigil ng galit. Kase kita ngayon ang pagpupula ng kanyang mukha.

"So guys pasok na tayo?" Anyaya ni Kali na sinunod naman namin. Papasok na sana kami ng biglang may sumigaw na mula sa taas. "HI MGA SES!" Sigaw ng isang nilalang kaya naman napatingin kaming lahat sa taas. Nang mapatingin kaming lahat sa taas ay nakita namin ang isang babaeng nakasuot ng black dress, black boots, maganda rin naman ito, dahil may bilugang mga mata, may white and black hair at may pak-pak na color blue ito! What the heck! Ang galing! May pakpak siya, hays sana makumoleto ko na ang nine sphere of Elysium ko para magamit ko na mga ito. Pero pansin ko naman ang pagsalo ni Lucian sa kanyang noo. Uhmm bakit kaya?

"Mga Ses! Kayo na ba ang magiging ka-room ko? Hay sakto ang dating niyo kakatapos ko lang maglinis!" Maligalig na sabi nito saa min. Oh, so kasama pala namin siya sa room. Kaya pala sinabi sa card na pito-katao ang isang room.

"Ahh, so ikaw pala ang pang pito naming kasama sa room?" Tanong naman ni Soliel...

"Ayy hinde chos lang ako, maid ako rito, alila niyo lang ako haha chos lang!" May pamimilosopong sagot nito kay Soliel. Pero agad niya naman binawi.

"Uhmm miss. Ano nga pa lang pangalan mo?" Tanong ko...

"Ay, oo nga pala. Potek kamuntikan ko ng makalimutan. Ako nga pala si Adhira Kaminari Picosa! Nineteen years old! Nice to meet you all! At hindi po ako babae! Hindi rin naman po ako lalake, dahil ako ay genderless like you!" Maligalig na saad nito na na nagpabigla sa akin, kay Kali, at kay Guia, dahil sa apelido nitong "PICOSA" at paguro nito kay Kali nang sabihin nito na isa rin siyang genderless eh kaming pamilya lang ni Kali ang may alam non. Kahit nga sila Lilith o Soliel ay 'di alam 'yon. Bakit ang babaeng ito ay alam niya?

THE REINCARNATION OF THE PROPHETIC TWINSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon