CHAPTER 64: HEARD

277 59 15
                                    


KALI'S P.O.V

So nandito na nga kami ngayon sa harap ng pinto ng aming Dorm Room, lumapit na nga kami at kumatok na si Guia para ipaalam na may tao dito sa labas, di ko ko kase dala yung card na makakpagbukas dito, lagi kong nakaklimutan yon eh haha.

Ilang saglit pa ay nakita na nga naming gimalaw na ang pinto na nangangahulugang may nilalang nang nagbubukas dito.

Ilang saglit pa ay iniluwa nito ang mukha ni Soliel, kaya naman agad namin itong nginitian.

"Oh nandiyan na pala kayo, alam niyo bang kanipa namin kayo hinihintay? Dyusme halos magga-gabi na ah" Saad naman saamin ni Soliel kaya naman nasamid ako sakanya, parang nanay lang hahaha.

"Wow Soliel di naman kaming na-inform na ikaw na pala ang aming adopted mother hahaha" Pagbibiro ko naman sakanya, si Guia naman ay wala lang kibo na nakikinig saamin, hays, hirap talagang kumbinsihing umarte ng babaeng to.

"Sige una na ako" Walang ganang saad ni Guia sabay lagpas saamin.

"Ano Problema non?" Tanong naman ni Soliel.

"Wala baka na pagod lang kaninang makipag-commitment kami saaming sariling Fera" Palusot ko naman kay Guia, potek sa ka-immaturan ng babaeng iyon ay maari pang mabulilyaso ang aming plano.

"Uyy Kali, matanong ko lang, kumista na pala ang pagmamanman niyo kay Lilith? Di na kase kayo ni Xavier nakakapagbigay ng information saakin eh, ano meron na bang konting hint?" Tanong saakin ni Soliel.

"Wala pa naman akong nakikitang masamang ginagawa niya, magaling siyang magtago ah" Sagot ko naman kay Soliel.

"Ah ganon ba? kailangan pa nating mas man-manan si Lilith ng mabuti, pero pansin ko lang ah Kali, bakit parang okay na kay Xavier ang lahat?" Takang tanong saakin ni Soliel.

"Ah ganyan lang talaga si Xavier, madaling mag-patawad yan" Sagot ko naman kay Soliel.

"Di ba dapat galit oarin siya hanggang ngayon, ang tanga lang ni Xavier sa part na yon" Inis na saad niya kaya para bang nag-pantig ang tenga ko sa sinabi niya.

"Excuse me? Teka nga lang bakit ba gustong-gusto mong magalit si Xavier ah? May I know the reason? At isa pa ano bang malu kung nag-papatawad ang isang Fantasian ng mabilisan ah?" Inis at sunod-sunod na tanong ko kay Soliel, kita ko naman ang pagpa-panic sa mukha niya.

"Ah eh wala lang, siyempre friend ko si Xavier kaya nasabi ko yon hehehe nag-aalala lang ako" Kinakabahang saad niya saakin kaya naman napataas ako ng kilay.

"Oh bakit ka kinakabahan?" Taas kilay na tanong ko kay Soliel, di naman ito kumibo, ayy leche yung plano nga pala, masyado akong nadala sa emosyon ko.

"Hahaha, it's a prank, tara na nga sa loob" Natatawang saad ko kay Soliel kaya naman ngumiti na ito.

"Ayyy potek ka Kali akala ko pa naman talagang pinapagalitan mo na ako hahaha" Natatawang saad niya kaya anman lumuwag narin ang pakiramdam ko, muntik na yon ah.

"Galing ko bang um-acting? Hahaha yara na nga sa loob, uyy siya nga pala anong nakuha niyong Bosom Fera?" Nakangiting tanong ko naman dito.

"Hays plano nga naming sabihin sainyo ngyong kauwi nyo kaya punta na tayo doon sa sala, tignan mo nag hihintay na ang iba saiyo, ano pa kaseng alam mong acting-acting nayan hahaha" Natatawang saad ni Soliel saakin kaya naman kumanot nalang ako sa aking batok.

"Etits! Na-miss kita!" Over Acting na sigaw ni Ate Adhira nang makalapit ako sakanya, sabay yakap.

"Ang OA mo naman Ate, para namang mamatay kana hahaha" Pabirong saad ko sakanya, humiwalay naman ito sa yakap at nag-pout, hahaha ang cute mag-pout ni Ate Adhira di tulad ni Guia hahaha.

THE REINCARNATION OF THE PROPHETIC TWINSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon