CHAPTER 4

1.1K 164 62
                                    

GRANTED...

KAGURA'S P.O.V

Dinilat ko ng dahan-dahan ang aking mga mata.

Nang tuluyan ko ng madilat ay kulay pula lang ang nakikita ko, as in pulang lupa, pulang kapaligiran at pulang kalangitan? Nasaan kaya ako?

"Ano bang lugar ito?" Takang tanong ko sa aking sarili, bigla namang nakarinig ako ng ingay na nanggagaling sa aking likuran kaya naman humarap ako, nakita ko naman na napakaraming tao ang nakapila sa malayo kaya naman pumunta ako doon...

Nang makalapit na ako sa pila ay napaatras ako ng kaunti dahil, ang mga nakapila dito ay l-lumulutang ang kanilang mga paa at parang transparent narin ang mga k-katawan nila, so isa na silang m-multo shocks!

Ngunit nang tignan ko ang mga paa ko ay nakalutang din ito tulad sa mga taong nakapila ngayon sa pila, hala patay na ba ako? so kaluluwa narin ako?

Inalala ko ang mga nangyari bago ako nagkaganito...

Tumatawag noon si mama nang biglang may napakabilis na truck ang paparating parang nawawalan ito ng preno kaya nag derederetso ito sa akin, sinalpok at kinad-kad naman ako ng truck.

kaya biglang tumulo ang luha ko...

Sino na mag-aalaga kay mama ngayon kung pati ako namatay na, hays sana mabigyan ako ng isa pang pagkakataon para makasama si Mommy, tiyak na magluluksa na naman yon at sisihin ang kanyang sarili, tulad kung paano nya sisihin ang sarili sa pagkawala ni Papa, ngunit kung babalik naman ako ay parang imposible namang mabuhay ang patay 'di ba?

Kaya malungkot at wala nakong nagawa kung hindi makisabay sa pila ng mga kaluluwa, hays saan kaya papunta ang pilang ito? Makapagtanong nga.

Kinalabit ko naman ang babaeng kaluluwa na nasa harap ko, shocks! Ang galing hindi lumusot kamay ko kahit na parang isang sinag ng raw nalang ang jatwan niya, I mean namin kase sa nakikita ko sa paa ko ay ganon din ang itsura nito, so meaning pati buong katwan ko ay ganito din. Pero parang kumalabit kalang pala ng isang buhay kapag kinalabit mo ang kapwa kaluluwa mo, ang galing!

"Ahm, miss anong lugar ito at saan ba ang punta natin, nasan tayo? Bakit tayo nakapila?" Tanong ko sa babaeng nasa unahan ko. "Uy hala bute gising kana pitong araw na kitang binabantayan at hinihintay na magising mula sa pagtulog mo noh." Saad naman ng babaeng pinagtanungan ko. "Ano?! Seven days?!" Gulat na sigaw ko sa babae dahilan para magtinginan ang iba pang mga kaluluwa sa gawi namin.

"Oo hahah nainip nako kaya sasabihin ko sana sa Supreme Dea Justo na bigyan kapa ng isang araw bago ang paglilitis haha, kaso gising kana pala, para sagutin lahat ng tanong mo ay kumalma ka muna ah, sige ito na mga sagot sa mga tanong mo ah." Saad niya sa akin kaya naman kinalma ko ang sarili ko.

"Ang sagot para sa tanong mo kung nasaan ka ngayon ay nandito ka ngayon sa lugar na kung tawagin ay purgatoryo, ang lugar kung saan nililitis ang mga kaluluwa mula sa iba't ibang mundo, kaya naman tayo nakapila ngayon dito sa kadahilanang kailangan mong harapin si Supreme Dea Justo na unang lilitis sa'yo sunod naman maman ay aakyat ka sa higanteng timbangan na iyon at iyon ang pinaka-final na lilitis sa'yo at magdedesisyon kung pupunta kaba sa paradiso o sa impyerno, gets?" Mahabang paliwanag nito saakin na tinanguan ko naman kahit na naguguluhan parin ako sa mga pinagsasabi niya hehehe sorry slow lang, wait nakalimutan ko palang magpakilala sa babaeng ito, at saka sino kaya siya?

"Uy by the way, ako nga pala si Manuel Kagura Anastacio, eh ikaw sino ka? Wait haha hala bakit may timbangan pa, para naman tayong baboy na tinitinda sa palenke niyan haha." Saad ko na may halong pag bibiro, pero kita ko namang sumiryoso ang mukha niya kaya naman nag-ayos din ako hehehe kakahiya, nagpapaliwanag na nga ng matino yung tao eh gaganyanin ko pa.

THE REINCARNATION OF THE PROPHETIC TWINSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon