MOVE ON...
KALI'S P.O.V
"ANAK!" Sigaw nito sabay sukob sa patay ng katawan ni Soliel na ikinagulat ko. Lumapit naman ako agad sa Diretora at hinawakan ang balikat niya. Tumingin sa akin ang Diretora at kita ko sa mga mata niya ang sakit. Ilang saglit pa ay biglang tumayo si Breeze, tumingin naman siya sa akin ng masama at nag-ejection na lang ito bigla. Mukhang alam ko na ang namamagitan sa kanila ni Soliel, humarap naman ako ulit sa Diretora.
"S-So kayo po pala ang ina ni Soliel?" Na-uutal na tanong ko dito. "O-Oo ako nga." Nauutal at lumuluhang saad naman ng Diretora sa akin. Agad naman akong lumuhod sa harap niya, nakisabay naman ang pagtulo ng luha ko.
"P-Patawarin niyo po ako. A-Ako po ang may sala kung bakit namatay s-si Soliel, k-kung s-sanang hindi niya ako pinrotektahan ay kasama niyo pa sana siya." Nakaluhod at umiiyak na saad ko, naramdaman ko namang tumayo ang Diretora, sunod naman non ay may tumapik sa balikat ko, kaya naman tumayo.
"Kali, wala kang kasalanan doon, ginawa lang ni Soliel ang inutos ko sa kanya." Saad nito habang tumutulo ang kanyang mga luha. Kaya naman napayakap ako sa kanya at doon na tumulo ang luha ko.
"P-Patawad po, patawad po, patawad po." Ulit-ulit na saad ko habang umiiyak sa balikat ng Diretora, hanggang naalala ko yung bilin sa akin ni Soliel bago siya mamatay. Kaya naman tinanggal ko ang yakap sa Diretora at humarap sa kanya.
"P-Pasensiya na po nadumihan ko pa po ata ang damit niyo, gusto ko lang po sanang sabihin ang huling saad sa akin ni Soliel na tapos na raw po ang misyon. Maaari ko po bang itanong kung anong misyon iyon?" Tanong ko sa Diretora, ngumiti naman ito at tumingin sa bangkay ni Soliel.
"Ah napaka-responsableng bata talaga ni Soliel, ang misyon na tinutukoy niya ay ang pagsubok sa kakayahan niyo at pagprotekta sa inyong kambal ng purgatoryo." Saad ng Diretora saakin ipinagtaka ko.
"Ano pong ibig niyong sabihin?" Takang tanong ko sa Diretora. "Lahat ay planado na namin ng Santos Esmeralda upang mahubog ang kakayahan niyo at upang maprotektahan kayo ng Campo de Iris Academy at ang anak kong si Soliel ang naging instrumento upang mabantayan kayo kahit wala kami ng Santos Esmeralda sa tabi ninyong dalawa. Nakakatawa ngang isipin na talagang tinakot ko pa si Soliel makumbinsi lang siyang maging tagapagbantay niyo, alam ko kaseng siya ang leader ng Pesso Doble na ginamit kong panakot sa kanya. Sunabi ko na bubuwagin at i-kikick out sila sa Campo de Iris Academy, sa una ay wala sa kanya pero nang sabihin kong hindi na niya makaka-usap ang daddy niya ay doon na siya pumayag. Alam niyo, ang ginawang paglaban sa inyo ni Soliel ay hindi isang pagtataksil, sinabi niya kase sa akin pinaghihinalahan niyang isang taksil si Lilith at gusto niyang palabasin iyon, sa una ay pinigilan ko siya ngunit sinabi niyang para iyon sa siguridad niyo, sinabi niya pang "kahit maging buhay pa ang maging kapalit ng gagawin ko." Saad niya at saka na umalis sa aking opisina, hays yun na pala ang huling araw na makaka-usap ko ang anak ko ng buhay." Mahabang kwento ng Diretora at doon na naman tumulo ang luha naming dalawa ng Diretora.
"Kung ganon po pala ay kaligtasan parin namin ng kapatid ko ang inisip niya hanggang sa huli." Umiiyak na saad ko sa Diretora, ngumiti naman ito sabay punas ng luha niya, nagulat naman ako ng pinunasan din ng Diretora ang mga luha ko.
"S-Salamat po." Nasabi ko na lang. "Alam mo Kali, ayaw ni Soliel ng iniiyakan siya. Kaya kailangan na nating tigilan ang pag-iyak baka magalit na siya. We need to smile and try to mend the pain by our self, because at the end of the day, tayo lang ang makakatulong sa sarili natin." Makabuluhang saad ng Diretora. Kaya naman pinunasan ko na ang aking mga mata at ngumiti.
BINABASA MO ANG
THE REINCARNATION OF THE PROPHETIC TWINS
FantasyCOMPLETED BXB [REINCARNATED BOOK 01] After the rejection of the girl that he's fond of and the discrimination of people around him, Manuel Kagura Anastacio finally died. But the matrix of destiny has another plan for him as he gets a chance to live...