Borj POV:
" Hindi ko din alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla kong kinalabit sa hallway si Ronalisa Salcedo. Yes, I know her by name pero hindi ko siya masyadong binibigyan ng pansin dahil iniisip ko na mukha siyang mahirap abutin. Kilala kasi siya sa school. Paano ba naman kasi consistent na nasa honor roll, tapos palagi pang may awards mula sa iba't-ibang extracurricular activities na sinasalihan niya. Siya yung tipo ng babae na parang ang hirap kaibiganin at very intimidationg din siguro sa iba. Naalala ko mayroon akong isang kaklase noon na nag-attempt na manligaw kay Ronalisa pero ayun, olats. Hindi pa man daw nagsisimulang manligaw, natanggihan agad. Haha. Natatawa ko kapag naalala ko yung mukha ng kaklase ko na yun. Actually, medyo nakalimutan ko na nga din yun naalala ko lang ulit nung makita ko siya na kasama si Mia. Kaibigan pala niya si Mia.
Naalala ko yung araw na nakita ko silang magkaka-usap sa hallway, nung last day ng sophomore year namin, nahulaan ko na ako yung pinag-uusapan nila. Hay naku, mga babae talaga basta makatsismis lang. Totoo naman na nagustuhan ko si Mia, pero that was just for a short time siguro namisinterpret na lang niya yung kind gestures ko sa kanya nung mga huling buwan nung 2nd year kami. Yes, I wanted to court her pero narealize ko na parang kapatid lang din pala ang tingin ko sa kanya. And I have to admit na nasaktan ako sa sinabi ni Mia nung araw na yun - never daw siya magpapaligaw sa isang immature at walang pangarap na katulad ko. Di na lang ako sumagot sa kanya, gusto ko sana sabihin na I don't have plans of courting you anymore and I do have big dreams; kaso pinigilan ko na lang sarili ko at tinanggap ko na lang yung masasakit na salita na sinabi nya.
At doon. Noong araw na iyon yata nagsimula ang curiosity ko kay Ronalisa Salcedo. Paano ba naman nung naglalakad na ako sa hallway, eh grabe kung makatitig. Akala niya siguro hindi ko napansin yun. Mas lalo pang nag-umapaw ang pagiging curious ko sa kanya ng malaman ko na magiging kaklase ko siya this year plus kanina sa English class namin. I don't know but there's something about the way she carries herself, the way she stand and the way she talks, napakaconfident niya and I have to be honest. She's beautiful. No wonder, maraming nagkakagusto sa kanya.
Hindi ko din alam kung may patutunguhan 'tong mga naiisip ko pero I've decided that I want to be Ronalisa's friend. "
YOU ARE READING
Unexpectedly You
FanfictionRoni and Borj met when they were in highschool. But will their friendship last if love comes their way? Hi! It's actually my first time writing a story. I wanted to write a story inspired from my favorite 90s LT StefCam. Well, I think malayo 'to s...