Chapter 12: Sweet Sixteen

415 26 0
                                    

"Happy birthday to you, happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday, Roni!"

"Yahoo! Hipan mo na ang candles!!"  sigaw ng mga kaibigan ni Roni

"Hep! Wish muna baby sis bago mo i-blow!" awat naman ni Yuan

Pinikit ni Roni ang kanyang mga mata bago humiling. 

"Yehey! Kainan na!" masaya at excited na sabi ng mga kaibigan ng dalaga.

Sa isang beach resort sa Batangas nagcecelebrate ng 16th birthday ang dalaga. Pag-aari ng pamilya nila Mia ang lugar na pinagdadausan ng kaarawan ni Roni. Matapos kantahan si Roni ng kanyang mga bisita ay naisipan niya maglakad lakad muna sa tabi ng dalampasigan upang magpahangin, umupo ito sa buhangin at pinanuod ang unti-unting paglubog ng araw. Hindi namalayan ni Roni ang pagdating ni Borj. Bahagyang tumigil si Borj at tinitigan si Roni na may ngiti sa kanyang mga labi, umupo ito sa tabi ng dalaga.

"Ang ganda ng view noh" sambit ni Borj habang nakatitig pa rin sa dalaga.

Ngumiti lamang si Roni at tumango.

"Anong iniisip ng birthday girl?" tanong muli ni Borj

"Wala naman. Iniisip ko lang kung gaano ako ka-thankful sa lahat ng blessings. Masaya ako na kasama ko 'yung mga importanteng tao sa buhay ko ngayong birthday ko. At syempre.." saglit na tumigil sa pagsasalita si Roni at saka ito humarap kay Borj

".. at syempre masaya ko na nag-uusap na tayo ulit at hindi mo na ko iniiwasan. Thank you for explaining your side." 

"Hindi ka ba nagalit sa akin?" tanong muli ni Borj 

"Hmm... noong una, gusto kong mainis sa'yo kasi hindi ko maintindihan 'yung mga kinikilos mo  pero mas nangibabaw 'yung lungkot. Iniisip ko pa lang na mawawalan ako ng kaibigan, isang malapit na kaibigan, masakit sa pakiramdam.." 

"Sorry ulit Roni" 

"Okay lang, nakabawi ka naman e. And naiintindihan ko naman pero sa susunod po kasi Mr. Jimenez magtatanong ka muna, okay?" pabirong sabi ni Roni

"Opo mahal na prinsesa" nakangiting sagot ni Borj

"Pero Borj, thank you huh. Thank you sa effort na ginawa mo, sobrang naappreciate ko pati itong idea mo na i-celebrate ang birthday ko sa beach, pati sila mommy at daddy nagawa mong makuntsaba. Salamat, Borj!" wika muli ng dalaga

"Wala ito Roni, kulang pa nga ito e. Pero malaki din naman ang naitulong ni Mia at pinayagan niya rin na dito gawin ang birthday mo, malaki din ang discount namin dito ah." wika muli ni Borj na bakas sa mga mata ang kaligayahan.

"Pwede ba ko magtanong?" tanong muli ni Borj

"Hmm sige, ano yun? 

"Anong birthday wish mo?"

"Ngek, hindi ba dapat sikreto lang 'yun?" iwas na sagot ni Roni

Ngumiti lamang si Borj at tila may nais pang sabihin nang biglang magsalita muli si Roni.

"Ang wish ko siyempre good health and safety para sa family and loved ones ko at syempre hiling ko rin na makasama ko pa kayo ng matagal at saka... hmmm.. secret ko na 'yung iba." 

"Eh pwede bang ako naman ang humiling sa'yo.."  tanong muli ni Borj

"Tingnan natin. Ano ba 'yung hiling na 'yan?" 

"Roni...alam kong ikaw ang may birthday ngayon at malayo pa ang sa akin pero.. pwede bang..."

Bahagyang tumigil si Borj at tila nag-aalinlangan kung itutuloy ang sasabihin.

"Pwede bang ano?" natatawang tanong ni Roni

"Pwede bang ikaw na lang ang regalo mo?" 

Nagulat at nanlaki ang mga mata ni Roni sa kanyang narinig. Nang napansin naman ni Borj na tila hindi naging komportable ang dalaga sa kanyang sinabi ay agad din niyang binawi ang sinabi.

"Biro lang, ikaw naman hindi ka na mabiro." wika ni Borj

"Ikaw talaga Borj puro ka biro."

"Pwede din namang totoo yung sinabi ko" biglang bawi ni Borj

Tumawa na lamang si Roni at pilit na iniba ang kanilang usapan.

"Eh, nasaan pala ang regalo mo sa akin?" 

Napakamot sa ulo si Borj. "Kulang pa ba 'yung surprise ko sa'yo?"

"Oo kulang pa." pabirong sagot ni Roni

Ngumiti muli ang binata at saka tumingin sa malapit ng lumubog na araw at doon ay may pumasok na idea sa kanya. 

"Sandali lang Roni ah, may kukunin lang ako"

Dali-daling tumakbo ang binata papunta sa loob ng rest house, pagbalik nito sa may beach front ay may dala dala na itong instax mini camera. Agad itong lumapit kay Tonsy at binulungan ito. 

Maya-maya pa ay naglalakad na pabalik sa kinaroroonan ni Roni ang magkaibigan. 

"Roni, pasensya ka na kung wala na akong regalong nabili pa pero kaya ko namang iregalo sa'yo ang pinakamalaking bituin." wika ni Borj na abot tenga ang ngiti. 

"Huh?" takang takang tanong ni Roni

"Tumayo ka lang diyan Roni huh. Tonsy, pare game na!"

Nagtataka man ay hindi umalis sa pagkakatayo si Roni. Maya-maya pa ay nagulat siya ng biglang lumuhod ang binata. Pagkatapos nito ay tumakbo si Borj sa kinaroroonan ni Tonsy upang kunin ang mga larawan.

Agad iniabot ni Borj ang mga kuhang larawan kay Roni.

"Sa pinakaespesyal na babae sa buhay ko. Maligayang kaarawan, Ronalisa!

 Maligayang kaarawan, Ronalisa!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Hindi napigilang mabuo ang isang ngiti sa mga labi ni Roni noong nakita niya ang mga larawan at noon din ay naalala niya at mas umigting pa ang isa sa kanyang mga panalangin...

-------

(c) Photo from Phrase Official FB page 

Unexpectedly YouWhere stories live. Discover now