Chapter 15: Changes

433 31 7
                                    

Roni's POV

Kasalukuyang nagbabakasyon ang pamilya nila Roni sa isang kamag-anak nila sa Mindoro. Nakaupo si Roni sa tabing dagat habang malalim ang iniisip..  

First year college  went by smoothly and so fast, during the first few months happy ako na kahit magkakahiwalay kami ng high school barkada ko, e we still find time na makapagkita-kita at makapagbonding but sadly and totoo nga ang sabi ng iba na wala ata talagang forever and ang constant lang talaga ay ang 'pagbabago.' And kung tatanungin mo ako kung kumusta kami ni Borj.. Well, I don't really know the answer..

Noong una, he is very consistent and even if magkaiba kami ng school, he always find time na makausap at madalaw ako sa bahay pero bigla na lang siya nawala and hindi nagparamdam. 

Pero siguro at some point ako din ang may kasalanan baka napagod na rin siya sa pag-intindi sa akin..

Baka hindi na niya nakayanan maghintay.. 

Baka mas nabibigyan siya ng oras at atensiyon ng babaeng di umano e nililigawan niya ngayon..

Hindi ko rin naman ang buong istorya, hindi ko na rin naman siya tinanong kasi ano ba ang karapatan ko?

Wala naman akong karapatan na masaktan at kwestyunin siya sa mga desisyon niya pero hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng sakit.. 

Ang daming naglalaro sa isip ko, ang daming mga tanong..

Kung minsan din naiisip ko what if sinagot ko na siya noong graduation namin, what if naging matapang ako sa pagsabi at pagpapakita ko sa kanya ng nararamdaman ko... What if mas naging vocal pa ako sa pagsabi sa kanya kung gaano siya kaimportante sa akin.. Kumusta kaya kami ngayon? Kami pa kaya? Hindi kaya siya nawala sa buhay ko? Akala ko ang pananatili namin bilang magkaibigan ang magiging magandang foundation para sa kung anong relationship ang pwede naming mabuo in the future pero mali ata ako.. 

Oo, masakit pero wala naman akong magagawa kung hindi harapin ang 'ngayon'.. 

Naniniwala ako...  

Makakalaya din ako sa sakit kahit hindi ko malaman ang sagot..

________

Dahil sa lalim ng iniisip ni Roni ay hindi niya namalayan na tumabi na pala sa kanya ang Kuya Yuan niya.

"Ang lalim ng iniisip ng kapatid ko ah? Baka pwede mo namang i-share yan oh?" wika ni Yuan habang nagbigay ng matipid na ngiti sa kapatid. Batid ni Yuan na may bumabagabag sa kanyang kapatid. Sa lumipas na mga buwan at taon, hindi naman tago kay Yuan kung gaano kahalaga sila Borj at Roni sa isa't-isa. 

"Uy, Kuya kanina ka pa ba diyan? Wala naman akong iniisip, inaadmire ko lang 'yung ganda nitong beach nila tita at iniisip ko kailan kaya ako makakabili ng ganitong beach house para family natin. Ang sarap lang mangarap" wika ni Roni habang nakatanaw sa malawak na karagatan.

"Alam mo Roni pwede ka naman magsabi sa akin ng mga nararamdaman mo e.. Hindi mo naman kailangan dalhin lahat ng mag-isa. Para saan pa at tinawag pa tayong magkapatid."

Sandaling tinitigan ni Roni ang kapatid at hindi naglaon ay niyakap na ni Roni ang kanyang Kuya Yuan at saka humagulgol.

"Kuya, bakit ako nakakaramdam ng sakit? Bakit ako nasasaktan? Kuya, ayoko ng maramdaman ito" wika ni Roni habang patuloy ang pagpatak ng luha sa mga mata nito.

Unexpectedly YouWhere stories live. Discover now