Chapter 18: New Beginning

928 37 35
                                    

"Kinakabahan ako love, kaya ko kaya 'to?" tanong ni Roni sa kasintahan.

"Ano ka ba, Roni? Ikaw pa ba? Kayang-kaya mo 'to and di ba sabi ko naman sa'yo kahit ano pa 'yang papasukin mo basta para sa ikakabuti mo, I'll support you and I'll always be here for you, all the way 'yan, love." nakangiting sagot ni Borj kay Roni.

"Thank you, Borj huh for always believing in me pero kinakabahan pa rin talaga ko e. Hehe." paliwanag muli ni Roni.

"Ikaw talaga. Halika  nga dito. I know the perfect thing to do para mawala ang kaba mo." Agad namang niyakap ni Borj ang kasintahan at hinalikan ito sa noo. 

"You have nothing to worry about, my love. I know you got this. Kilala kita anuman ang maisipan mong gawin, you always put your heart into it. Lagi mong binibigay ang 101% mo kaya alam ko masusurvive mo ang med school. You have nothing to worry about, okay? Oh sige na, pumasok ka na sa loob. Kailangan ko pang pumunta sa restaurant, madami pa rin akong kailangan ayusin, alam mo na malapit na ang opening ng resto."nakangiting wika ni Borj. 

Hindi na sumagot pa si Roni, sa halip ay sinuklian na lamang niya ng matamis na ngiti si Borj. 

Roni's POV

"First day ng klase ko today sa med school, orientation lang daw this morning pero ganun pa man kinakabahan pa rin ako. Ganito rin kaya ang feeling ko noong magsisimula ako ng pre-school? Hehe. Kung saan saan ko na ikinukumpara ang nararamdaman ko pero siguro normal lang din na kabahan ako. Hindi ako agad pumasok sa med school, after graduating college. I worked for almost 2 years as an HR assistant sa isang kilalang kompanya sa Ortigas, siyempre I did my research din kasi, malaki din ang magagastos ng parents ko kung magtutuloy ako sa med school and during those years medyo nagkaroon din kami ng financial problems, actually pinipilit na rin naman ako nila mommy noon na magdiretso na pero sabi ko gusto ko rin maexperience ang makapagtrabaho and way na rin ito para makaipon kahit papaano, pandagdag sa mga gagastusin ko for med, well hindi din naman malaki ang naipon ko pero pwede na rin for some expenses for this school year. 

 I really feel so blessed na mayroon akong ever supportive na family at boyfriend. Hanggang ngayon kapag naiisip ko na boyfriend ko na si Borj, hindi pa rin ako makapaniwala, napakaswerte ko sa kanya, he has been so supportive, even nung nang review school ako for NMAT, he always make sure na hindi ako magugutom, pinapabaunan niya ko ng food, ihahatid at susunduin sa review center and even nung mismong NMAT, hindi siya nawala, siya din ang naghatid sa akin sa testing site sa UST, and now first day of school, siya rin ang kasama ko, he has always believed in me. Since the beginning hindi siya nawala sa tabi ko. Siguro, it's safe to say na, I'm really afraid of losing him.. Sana kahit na magsimula na ako ng med school, e magawa kong mabalanse and oras ng pag-aaral ko at ang oras ko para sa kanya. Madami rin kasi akong nababasang mga blog and naririnig na mga kwento, na may ilang mga couple na naghihiwalay kapag ang isa e pumasok ng med school. I hope and pray na hindi kami masama sa mga listahan ng mga 'pinagtagpo pero hindi itinadhana.' Pero nakaya namin namin these past few years, Six years na kami and kahit na naglong distance kami for a while eh nakayanan naman namin kaya feeling ko naman, makakaya din namin itong bagong simula na ito.. Sana.. Sana talaga..."

"Pero naniniwala ako kakayanin namin ang bagong yugto na ito ng buhay namin!"

-------------

Borj's POV

11 months after

"Totoo nga na "A lot can happen in a year," well in my case, mas appropriate na sabihing - 'a lot can happen in less than a year,' maraming nagbago, maraming nangyari and I don't even know where to begin, how to start or whom to blame. Mayroon nga ba 'kong dapat sisihin sa mga nangyari or was it really bound to happen? 

I have been back and forth sa Italy for the 2 past years, aside sa restaurant na binuksan namin dito sa Pilipinas, we also have some chain of resto sa Italy na minamanage ng family namin. I had to go there para ayusin ang business namin,  the past few years mga 2 weeks lang ako nagtatagal pero kalaunan ay hindi na rin kinaya so I had to stayed there for 3 months which is nasaktuhan din when my grandfather was diagnosed with colorectal CA, the good thing is nadiagnose at an early stage during a routine screening so I decided to stay with my nonno until makarecover siya from his surgery and para na rin may kasama siya. For the longest time and during those uncertain times Roni has always been my rock, ang sandalan ko, ang katahimikan ko, at para sa akin ang tanging natitirang maayos sa buhay ko nuong mga panahon na iyon pero siguro may hangganan talaga ang lahat..

Habang tumatagal si Roni sa med school at habang tumatagal din ako sa Italy marami rin nagbago..  I know med school and becoming a physician has always been her dream, and I have always been supportive of her pero hindi naging madali ito, we barely see each other kapag nasa Pilipinas ako, she has classes from Monday to Saturday, 8 am to 5pm, kapag naman may free time siya it's either nagrereview siya for upcoming exams na hindi maubos ubos, o kaya naman wala siya sa mood makipag-usap, inaantok siya, may kailangang gawing report and the list goes on and on. I tried to understand her pero siguro nagsabay lang na pareho kaming may mga kinaharap na problema and dumating ako sa point na nakapagsabi ako ng hindi maganda. I remember one time, nung sunod-sunod na siyang nagrant sa akin kung gaano kahirap ang med school, na hindi na niya kaya, I told her, "Eh di itigil mo na, wala na akong narinig sa'yo kung hindi reklamo e. Then just stop!"  Kahit ako nagulat na I blurted out those words. I didn't mean it pero during those times I feel so helpless and lost, gulong-gulo ang isip ko sa mga problema sa trabaho and I just wanted to feel the warmth and calmness na lagi kong nararamdaman when I'm with her pero iba ang nangyari... Marami talagang pagbabago.. Siguro dito mo rin masasabi na we are adults already, adults with different set of goals and responsibilities.. 

At kung tatanungin niyo ako what's the worst part of all these changes.. 

Yun ay... 

Hindi namin napanindigan ang isa't-isa..

And we ended up going our separate ways..

We were growing individually... 

But sadly while we're too busy working on our goals, we grew apart..

At ngayon kailangan kong harapin ang bagong simula nang wala si Roni sa tabi ko,

Pero kung tatanungin niyo ako kung mahal ko pa ba siya?

Walang pagdadalawang isip kong isasagot ang salitang,

"Oo"

________

(c) Dulo by The Juans 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 20, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unexpectedly YouWhere stories live. Discover now