Chapter 5: Falling in Love

559 45 10
                                    

Kasalukuyang abala ang buong klase nila Roni sa play rehearsal, ang section kasi nila ang napiling magsadula ng Noli Me Tangere para sa nalalapit na foundation week ng kanilang eskwelahan.

Si Borj ang napiling gumanap bilang si Crisostomo Ibarra , dapat sana ay sila ni Roni ang gaganap na mga bida ngunit tinanggihan iyon ni Roni kaya sa huli, kay Jane napunta ang papel bilang si Maria Clara. 

Gusto man umatras ni Borj ay hindi na rin niya nagawa pang tumanggi dahil pinakiusapan siya ni Roni at ng iba pa nilang kamag-aral na tanggapin na ang pagganap bilang si Crisostomo Ibarra dahil para sa kanila ay wala ng iba pang babagay na gumanap sa karakter na ito. 

Si Roni ang naging director/writer ng kanilang play at abala ito sa pakikipag-usap sa mga kaklaseng naatasang maghanap ng costume at gumawa ng props. Abala na nga ang buong klase sa paghahanda para sa nasabing dula habang ito namang si Borj ay kanina pa pilit na inaaral at kinakabisa ang kanyang mga linya at paminsan minsan ay palihim na sumusulyap kay Roni. Hindi naman mapigilan ni Borj na isipin ang pagiging malapit na nilang magkaibigan ng dalaga.

Borj's POV

Abala ang lahat sa pagprepare para sa performance ng klase namin. Kanina ko pa pilit na inaaral at kinakabisa ang script ko pero lumilipad ang isip ko at hindi ko mapigilang hindi sulyapan si Roni. Siguro kung siya ang gaganap bilang Maria Clara e mas gaganahan ako sa pag-eensayo. Hindi ko rin lubusang maintindihan kung bakit ganito ang naiisip at nararamdaman ko? Ano ba talagang nararamdaman ko para sa kanya? 

Ilang buwan na rin ang lumipas simula ng maging magkaibigan kami at naalala ko na sobrang saya ko nung araw na tinanggap ni Roni ang alok kong friendship. Magmula nga noon ay naging isang barkada na kami ng mga kaibigan niya at mga kaibigan ko. Madalas kami na ang magkakasabay kumain ng lunch at kung minsan tumatambay pa kami sa bahay nila Roni o Jelai para gumawa ng mga homework, kung minsan nanunuod din kami ng movie o hindi naman kaya ay nagkakantahan o nagjajamming kami kapag may libreng oras.

Napalapit na nga rin ako maging sa pamilya niya e, sa mga magulang at maging sa Kuya Yuan niya. Paano kasi kapag tumatambay kami sa bahay nila Roni at kapag nagsisiuwian na ang barkada ay gumagawa ako ng palusot para maiwan pa sa bahay nila. Kung minsan sinasabi ko kung pwede ba magpaturo sa Chemistry o Geometry kahit ang totoo ay nauunawaan ko ang topic, e nagpapanggap ako na hindi ko naiintindihan. Wala lang, para mas makausap at makasama ko rin siya. Ang hirap din kasi minsan kapag nariyan ang barkada, hindi ko siya nakakausap ng masinsinan. 

Sa paglipas ng mga araw at habang unti-unti akong napapalapit kay Roni ay lalo akong napapabilib nito. Mas lalo pa nga akong humanga sa kanya ng minsan napag-usapan namin ang mga pangarap namin sa buhay. Pangarap raw ni Roni ang maging isang doctor, gusto daw niyang maging isang pediatrician. At sabi pa niya pangarap din niyang makapagpatayo ng bahay ampunan o di kaya ay bahay para sa mga matatandang inabandona ng kanilang pamilya. Sino ba ang hindi bibilib dun, di ba? Yung dating tinatawag ko na Ms. Sungit ay kabaligtaran pala. Napakasimpleng babae lamang ni Roni at labis ang malasakit sa mga tao sa paligid niya. Ang dami ko na ngang natutuklasan sa kanya, maging ang pagiging mababaw ng luha niya. Kapag nanunuod ang barkada ng movies na medyo drama, magugulat na lang kami kasi umiiyak na siya. Ang cute nga niya sa totoo lang.

 Hay.... 

Sa mga naiisip kong ito, sa tingin ko...

I don't want to be just a friend...

I want to be more than a friend. Gusto ko parati siyang kasama, gusto ko palagi siyang makausap at gusto ko pa siyang mas makilala. I think I am really falling for her.

And that's when I realized na siguro nga noong una ko pa lang siya makita ay attracted na ako sa kanya. Maybe I was just in denial at first pero the more I got to know her, the more I become fond of her. 

-----

Natigil ang malalim na pag-iisip ni Borj ng may marinig siyang tinig.

"Uy, 'wag mong masyadong titigan baka matunaw" saad ni Jelai

Agad namang nilingon ni Borj si Jelai at ngumiti.

"Nahuli mo na ako." tugon ni Borj

Bahagyang tumawa si Jelai at umupo sa tabi ni Borj.

"Borj, alam ko naman na gusto mo si Roni. Umpisa pa nga lang ng school year noong una kang magtanong ng mga bagay tungkol sa bestfriend ko e naisip ko na ang posibilidad na may gusto ka sa kanya. At alam ko na ang pang-iinis at pang-aasar mo sa kanya noon ay paraan mo lamang para mapalapit sa kanya."

"Alam kaya ni Roni? Nabanggit mo ba yan sa kanya?" tanong ni Borj

"Hmm. Huwag kang mag-alala. Bestfriend ko si Roni pero ayaw kong pangunahan ka kaya hindi ko sinabi sa kanya ang mga obserbasyon ko. At sa tanong mo kung alam kaya niya, well, maaaring naiisip na rin niya na may gusto ka sa kanya pero ayaw lang niya i-eentertain yung thought kasi naging malapit na kayong magkaibigan or pwede din na clueless pa rin siya, alam mo naman 'yang si Roni medyo may pagkamanhid kung minsan. Pero Borj, kung may balak ka na magtapat...

Huminga ng malalim si Jelai bago ito magpatuloy magsalita

...ako na magsasabi sa'yo, sana ready ka harapin ang mga consequences na maaring mangyari sa pagkakaibigan ninyo. If handa ka, hindi kita pipigilan lalo na nakita ko naman na you are a good guy and alam kong aalagaan mo ang kaibigan ko. Yun nga lang, si Roni kasi yung tipo ng babae na napakahopeless romantic at study first palagi ang nasa isip. Naniniwala din siya at gusto niya na ang first boyfriend niya ang lalaking ihaharap niya sa altar. "

"Pwede naman maging ako 'yung lalaki na yun di ba? "

"Alam mo Borj. Si Roni lang makakasagot niyan. Pero kung ako ang tatanungin, gusto kita para sa kaibigan ko. Kinikilig nga ako sa inyo e. Sana lang talaga walang magbago kapag nalaman niya. Napalapit ka na rin sa akin at ayokong may masaktan sa inyong dalawa. Kaya pag-isipan mong mabuti kung sasabihin mo ba o hindi."

Napabuntong hininga na lamang si Borj at saka binigyan ng matipid na ngiti si Jelai.

"Salamat, Jelai."

Jelai is right. Sa totoo lang ay natatakot ako na aminin at malaman ni Roni ang totoo dahil sa mga naikwento niya at sa mga kwento ng mga kaibigan namin na everytime na may umaamin dito or nagsasabi na gusto itong ligawan, eh naiilang siya o di kaya ay sinusungitan niya ang mga ito. Ayoko na mangyari sa amin iyon. I don't want to lose her.

Hindi ko alam kung ano ang maaaring mangyari sa future. And as the day goes by, I think it will be very hard to ignore and hide my feelings.

This is hard but for the sake of our friendship ililihim ko na lang muna ang nararamdaman ko. Maybe I'll tell her when the time is right. At least for now I can stay by her side kahit kaibigan lang...

-----

A/N: Hi! I don't know if may nagbabasa ba nitong kwentong sinusulat ko. Haha kung meron man, salamat po. Sana kahit paano e, napapangiti kayo. Hindi po ako writer but I'm really trying na mapaganda yung story kahit paano. Huhu. Hope you appreciate it! Pasensya na rin if may maling grammar or typo. Would appreciate your comments. Thank youuu!!! <3 

Unexpectedly YouWhere stories live. Discover now