Roni's POV
Dalawang araw na lang before our school presentation. Kinakabahan ako but at the same time I'm really excited for our section, dahil finally mapapakita na rin namin ang ilang linggo naming pinagtrabahuhan. I'm really hoping na maging smooth at maayos ang maging presentation namin.
"Okay guys, break muna tayo ng 1 hour" ani ni Roni habang nakangiti sa kanyang mga kamag-aral.
Kahit na nagbigay ng break si Roni ay abala pa rin ito sa pagdodouble check sa mga gagamitin para sa kanilang play. Sa sobrang abala ay hindi na niya namalayan ang paglapit nila Missy at Jelai sa kanya.
"Sis, pwede bang magpahinga ka muna. Para saan pa ang break kung aligaga ka dyan." sambit ni Jelai
"Oo nga Roni, relax ka lang. Everything is fine and magiging successful itong presentation natin dahil pinaghirapan nating lahat ito." ani ni Missy
Agad namang ngumiti si Roni sa dalawang kaibigan.
"Buti na lang talaga nandyan kayong dalawa. Pinapakalma niyo ko." sabi ni Roni habang nakangiti sa mga kaibigan
"Oh ayan, ngumiti ka na." sabi ni Jelai
"Tara na, puntahan na muna natin ang barkada. Nasa canteen sila, magmemeryenda daw muna" sambit naman ni Missy
Dumiretso ang tatlong magkakaibigan sa canteen at agad naman nilang nakita ang mga kaibigan nila na kanina pa pala sila hinihintay.
"Uy, andito na pala sila Roni e." sambit ni Tonsy habang binibigyan ng mapang-asar na ngiti si Borj
Tiningnan lang ng masama ni Borj ang kaibigang si Tonsy.
Nagtaka naman si Roni sa reaksyon ng dalawang kaibigan ngunit hindi na niya ito pinansin pa.
"Teka, nasaan pala si Jane?" tanong naman ni Roni sa mga kaibigan
"Ah, nagCR lang daw siya saglit" sagot naman ni Junjun
Natapos nang kumain ang magkakaibigan ngunit hindi pa rin bumabalik si Jane na sadya namang ipinagtaka ng magkakaibigan.
"Ang tagal naman bumalik ni Jane, nakatulog na ata yun sa CR e." ani ni Borj
"Grabe ka naman pare, baka naman nag-aayos pa o nauna ng bumalik sa theatre. Alam mo naman may pinaghahandaan, excited kasi yun sa play e." Ngingiti-ngiting sabi ni Junjun habang nakatingin kay Borj.
Naunawaan naman ni Roni ang nais iparating ni Junjun. Bahagyang nangiti si Roni at naalala ng minsan siyang kausapin ni Jane.
Napapansin din pala nila. Naalala ko tuloy noong nagtapat si Jane sa akin na may gusto siya kay Borj at nakiusap sa akin na tanggihan ko ang role bilang si Maria Clara at kung pwedeng ipresenta ko na siya na lamang ang gumanap sa naturang papel. Noong una ay ayaw ko pa sana pumayag, dahil sa totoo lang gusto ko kaya ang theater play. Naalala ko kasi nung bata ako, sumali ako sa isang acting workshop at sobrang naenjoy ko ang pagperform noon at siyempre ako pa sana ang gaganap na Maria Clara, gusto ko din kasi ang nobelang Noli Me Tangere kaya kinilig din ako noong ako yung napili ng klase na gumanap, kaso naawa din naman ako kay Jane at wala naman ako magawa dahil labis yung pakiusap niya sa akin at doon nga siya nagtapat na may gusto siya kay Borj at gusto niyang mapalapit rito at sa tingin daw niya ang pagiging magkapareha nila sa play ang isa sa magandang way para mas maging close sila. Napapansin na rin iyon nila Jelai at Missy pero hindi lang ako nakikisali sa kanila kapag napag-uusapan nila ang bagay na ito. Ewan ko ba hindi din kasi ako komportable sa bagay na ito. Hindi ko din maintindihan kung bakit.
Natigil ang pag-iisip ni Roni ng biglang magsalita si Borj.
"Hmmm. Roni, are you okay?"
"Huh? Yes, okay lang ako." gulat na sagot ni Roni
YOU ARE READING
Unexpectedly You
FanfictionRoni and Borj met when they were in highschool. But will their friendship last if love comes their way? Hi! It's actually my first time writing a story. I wanted to write a story inspired from my favorite 90s LT StefCam. Well, I think malayo 'to s...