Borj POV
Maaga akong umalis ng bahay upang pumunta sa university. Tinawagan din kasi ako ni Kuya Yuan at nagpasama sa akin para mag-enroll. Noong una ay ayaw ko sanang pumunta at samahan siya dahil sa totoo lang ayoko munang makakita ng kahit sinong tao na may kaugnayan kay Roni pero sobrang mapilit ni Yuan at sinabing bibigay din daw niya ang pasalubong niya galing Boracay at Mindoro at kailangan din daw niya ng susi ng org room namin dahil kukunin niya ang gitara niya doon. Hindi ko rin alam kung bakit ako pa ang naisipang gamabalain ni Yuan pero dahil mapilit siya at nawalan na rin naman ako ng idadahilan pumayag na rin ako.
Sakto sa usapan naming 10am ay nakarating ako sa university, dumiretso na ako sa may cashier ng school sa pagbabakasakali na naroon na si Kuya Yuan ngunit wala pa siya. Napagpasyahan kong umupo at maghintay na lamang sa bench malapit sa cashier ngunit nakalipas na ang labing-limang minuto e wala pa ring Yuan na dumarating. Naiinip na rin ako at noong akmang tatawagan ko na sana siya ay biglang nagring ang cellphone ko.
"Hello, pre. Nasaan ka na? Kanina pa ko nandito. Naiinip na ko."
"Ah, ano kasi.. Nagdiarrhea ako bigla pero huwag kang umalis may pinapunta naman ako diyan para magbayad ng tuition at kunin ang gitara ko. Antayin mo lang. Andyan na daw sa school."
"Sino? Paano ko malalaman kung sino 'yung pinapunta mo?"
"Huh? Ano? Teka nawawala ata yung signal. Tetext na lang kita."
"Uyy, Teka, teka. Yuan. Hello? Hello?"
"Pambihira naman 'tong si Kuya Yuan oh. Paano ko malalaman kung sino yung pinapunta niya." Napahawak na lamang sa ulo si Borj at tatawagan sanang muli si Yuan ng biglang may kumalabit sa kanya. Agad na lumingon ang binata at halata sa mukha nito ang gulat. Naramdaman din ng binata ang biglang pagbilis ng tibok ng kanyang puso at tila siya ay nanghihina sa nakita.
"Ahmm. Hi, Borj! Pasensya ka na huh, sumama kasi yung tiyan ni kuya kaya ako na lang yung pumunta. Sana okay lang sa'yo."
"Ah. Okay lang. Tara, magbayad na tayo." malamig na tugon ni Borj
Naunang maglakad ang binata habang nakasunod sa likod niya si Roni.
"Si Roni. Si Roni ba talaga 'to? Ilang buwan ko lang siyang hindi nakausap at nakita pero parang mas lalo siyang gumanda. Hindi ko naihanda ang sarili ko sa kung ano ang sasabihin at gagawin kapag nakita ko siya ulit. Hay, Borj umayos ka para naman kayong hindi magkaibigan ni Roni. Kausapin mo siya. Kumustahin mo siya. Kaibigan mo siya...Kaibigan" wika ni Borj sa sarili na tila kinurot ang puso sa huling salitang kanyang naisip - 'Kaibigan'
Natapos nang magbayad ang dalawa ngunit nababalot pa rin sila ng katahimikan. Tahimik na naglakad sila Borj at Roni patungo sa org room nila Yuan. Nang marating na nila ang silid, agad ng inabot ni Borj ang gitara kay Roni.
"Sa- salamat." matamlay na wika ni Roni.
Sumagot naman ng tango ang binata.
----
Habang naglalakad sila Borj at Roni palabas ay nadaanan nila ang kapilya sa loob ng unibersidad. Patuloy lamang sa paglakad si Borj ng bigla siyang hawakan sa braso ng dalaga. Nagulat naman ang binata sa ginawa ni Roni.
"Ba-bakit?" tanong ni Borj
"Sorry, nagmamadali ka ba? Pwede mo ba kong samahan sa chapel?" tanong ng dalaga
"Sige." tugon ni Borj na may ngiti sa mga labi.
Naunang pumasok si Borj, uupo na sana ang binata sa upuan sa bandang likod ngunit bigla siyang hinatak ni Roni upang maupo sa unahang bahagi ng kapilya. Lumuhod ang dalaga at mataimtim na nanalangin. Noong una ay pinagmasdan lamang ng binata si Roni habang ito ay nagdarasal ngunit di naglaon ay ipinikit na rin nito ang mga mata at mataimtim na nanalangin.
YOU ARE READING
Unexpectedly You
FanfictionRoni and Borj met when they were in highschool. But will their friendship last if love comes their way? Hi! It's actually my first time writing a story. I wanted to write a story inspired from my favorite 90s LT StefCam. Well, I think malayo 'to s...