Roni's POV
"Congratulations sa atin guys! We did it!!! Guys! Guys! May free food pala para sa ating lahat, diretso na lang kayong lahat sa room and let's celebrate our successful performance!" aya ni Roni sa buong klase.
Sobrang saya ko dahil naging successful ang play namin. May mga kinaharap man kaming problema pero in the end we were able to resolved everything and hindi mangyayari ito kung wala ang team work ng buong klase.
Abala na ang lahat sa pagkain pero teka bakit wala si Borj. Nasaan kaya siya? Kailangan mabati ko siya sa magaling niyang pagganap.
"Guys, nakita nyo ba si Borj?" tanong ni Roni sa mga kaibigan
"Oo nga noh, and wait where's Jane. Di ba she's here na rin kanina?" saad naman ni Missy
"Naku naku, iba ito ah, hindi kaya nagdate na yung dalawa?" Tatawa tawang sabi naman ni Junjun
"Hay naku Junjun, kung anu-ano na namang iniisip mo puro ka talaga kalokohan." sabi naman ni Jelai
Pinilit naman ni Roni na ngumiti ngunit may parang kumurot sa kanyang puso nang maisip ang ideyang magkasama si Jane at Borj ngunit hindi niya mawari kung bakit niya naramdaman ito. Nagpaalam na lang muna si Roni na pupunta ng restroom.
Hindi sa restroom dumiretso ang dalaga sa halip ay bumalik ito sa school theater dahil nagbabakasakali itong nandun si Borj at hindi nga siya nagkamali dahil nandun ang binata sa may backstage at nagliligpit ng mga gamit nito, tatawagin na sana niya ito ngunit natigilan siya nang marinig niya si Jane.
"Congrats, Borj! Ang galing mo kanina"
"Uy, Jane ikaw pala 'yan! Salamat! Kumusta ka na?"
"Ayos naman ako, malungkot siyempre kasi I wasn't able to perform with you. Alam mo bang sobrang nilolook forward ko itong play na ito, lalo ikaw ang makakasama ko."
Huminga ng malalim sa Jane bago nagsalita muli, "Borj, I know you are aware of my feelings for you. I like you. I really do."
Nabigla si Roni sa narinig at kung may anong kirot sa puso niya ng marinig niya ang pagtatapat ni Jane. Agad din siyang tumakbo palabas ng theater at hindi na niya narinig ang napag-usapan pa ng dalawang kaibigan. Dali-daling bumalik ang dalaga sa kanilang silid at pilit na inaanalisa ang damdaming kanina pa gumugulo sa kanyang isipan.
Borj POV
"Congratulations sa atin guys! We did it!!!" bati ni Roni sa buong klase
Natapos din ang play na matagal naming pinaghandaan. Ang dami ding pinagdaanan ng buong klase para sa presentation namin na ito. Nabago din ang kapareha ko at syempre masaya naman ako tungkol sa bagay na 'yun. Masasabi ko na sa mas lalo pa ata ako napalapit kay Roni sa dalawang araw na puspusan naming pag-eensayo. Paano ba naman napakaperfectionist ni Roni kaya gusto niya eh maayos ang pagkakasabi ng bawat bibitawang linya. Nakiusap pa siya sa akin kung pwede daw ba after magpractice sa school ay magpractice kami ng batuhan namin ng mga linya. At bakit naman ako tatanggi sa pakiusap ni Roni. Hehe. Sobrang saya ko kaya nung time na 'yun, more time and more chance to be with her. After din ng practice session naming dalawa eh nag-ooffer na ko na ihatid na rin siya pauwi dahil hindi na rin siya naaantay ni Jelai at ng Kuya Yuan niya. Sa bahay na nga din nila ako nagdidinner e, kulang na lang duon na rin ako matulog e. Dahil naman sa lahat ng nangyari ay nagkakachance kami na magkaroon ng oras makapag-usap mula sa pinakamalalim na bagay hanggang sa pinakawalang kwentang asaran. And God, I can say I'm falling more deeply for this girl.
"Guys! Guys! May free food pala para sa ating lahat, diretso na lang kayong lahat sa room and let's celebrate our successful performance!" aya ni Roni sa buong klase.
Isa isa nang umalis ang mga tao sa theater, habang ako nanatili muna sandali para ayusin ang mga gamit ko at feel ko din kasi muna mag-isa para magmuni muni tungkol sa nararamdaman ko.
"Congrats, Borj! Ang galing mo kanina"
Agad kong nilingon ang tinig at nakita ko si Jane na nakangiti sa akin.
"Uy, Jane ikaw pala 'yan! Salamat! Kumusta ka na?" tanong naman ni Borj sa dalaga
"Ayos naman ako, malungkot siyempre kasi I wasn't able to perform with you. Alam mo bang sobrang nilolook forward ko itong play na ito, lalo ikaw ang makakasama ko."
Huminga ng malalim si Jane bago nagsalita muli, "Borj, I know you are aware of my feelings for you. I like you. I really do." pagtatapat ni Jane sa binata
Hindi naman umimik si Borj, sa halip ay tinitigan lamang niya si Jane. Ilang minuto din silang nabalot ng katahimikan. Nang magkaroon na ng lakas ng loob na sumagot ang binata ay pinigilan ito ni Jane.
"Don't answer, Borj. I know you don't feel the same way. I don't want to hear it from you. Ang pathetic ko lang, I already know na wala kang gusto sa akin pero nagtapat pa rin ako sa'yo. Just please don't ask me to forget my feelings for you. Hayaan mo lang akong maramdaman ito. I already know there's someone else in your heart... I can tell, by the way you look at her.. I know there's someone else." sambit ni Jane habang pinipigilan ang kanyang luha
"I'm sorry, Jane. I can only offer you my friendship. I'm really sorry." ang tanging nabanggit ni Borj
"I know. Kalimutan mo na lang ang mga sinabi ko. Tara pumunta na tayo sa room. Kanina ka pa siguro nila hinahanap. Alam mo na, isa ka sa lead cast e." ani ni Jane habang pilit na ngumingiti at nilalabanan ang pagpatak ng kanyang mga luha.
"Borj, Jane! Saan ba kayo galing? Kanina pa namin kayo hinahanap ah. Lalo ka na pareng Borj. I-cocongratulate ka lang ng buong klase." sabi ni Junjun sa kaibigan
"Ah sorry pare, inayos ko lang kasi yung mga gamit ko na naiwan sa may theater pasensya na." sagot naman ni Borj
"Ah ganun ba akala kasi namin ni Junjun nagdate na kayo ni Jane e" pang-aasar naman ni Tonsy
"Pwede ba tumigil tigil ka diyan Antonio. Nakasalubong ko lang 'yang si Borj kaya nagsabay na kami papunta dito." inis na sagot ni Jane
"Easy lang. Masyadong defensive e." Tatawa tawang sagot ni Tonsy
"Hay naku guys. Stop it na nga. Pakainin niyo na silang dalawa." sambit ni Missy
Pagkatapos kumain ay naisipan naman ni Borj na lumabas muna ng classroom at tumambay sa isang bench sa 'di kalayuan.
" Uy, Borj. Bakit nandito ka? Nagkakasiyahan sila sa loob ah. " tanong ni Jelai
"Ah, wala gusto ko lang mapag-isa tsaka ang ingay din nila kasi sa loob. Eh ikaw Jelai bakit ka nandito?"
"Galing lang akong restroom, eh pabalik na sana ko kaso nakita kita at parang ang lalim ng iniisip mo eh. May problema ba?"
Nagbuntong hininga si Borj at saka tiningnan si Jelai.
"Jelai, nagconfess sa akin si Jane." sambit ni Borj
"Talaga? Anong sabi mo?"
"Sabi ko lang I'm sorry and friendship lang ang kaya kong i-offer. And besides siya na mismo nagsabi na alam niyang may iba akong gusto."
"Eh yun naman pala e, anong problema?"
"Hindi naman talaga yun ang problema ko. Ang problema ko, Jelai, hindi ko na ata kayang ilihim kay Roni ang feelings ko. The more na itago ko, mas lalong lumalalim, mas lalo akong nahihirapan. I've decided, Jelai. Aaminin ko na sa kanya."
TInitigan lamang siya ni Jelai at saka nagbigay na makahulugang ngiti.
-----------
YOU ARE READING
Unexpectedly You
FanfictionRoni and Borj met when they were in highschool. But will their friendship last if love comes their way? Hi! It's actually my first time writing a story. I wanted to write a story inspired from my favorite 90s LT StefCam. Well, I think malayo 'to s...