Erin’s POV
Linggo ngayon. Nasa trabaho si Erick. Hayy Nabawasan na yung mga oras na magkasama kami. Namimiss ko na siya. Nakahiga ako ngayon sa kama ko. Thinking about Mark again. Siguro mali rin yung ginawa ko kasi parang pinalaki ko pa yung problema pero kapag galit kasi ako hindi ko mapigilan magsalita ng masakit.
Tumagilid ako ng higa. I closed my eyes. Nakita ko yung mukha ni Yohan na nakangiti. Niloko niya ako kahapon pero kahit ganun, masaya ako dahil nakasama ko siya. Nagkaroon tuloy ako ng kaibigang lalaki.
Ano naman kayang gagawin ko ngayon? Punta kina Claire? Boring talaga kapag wala si Erick. Tumayo ako at pumunta sa cr para maligo. Pupunta nalang ako kila Claire.
Nagbihis lang ako ng simpleng shirt at short then sandals. Pagkatapos ko mag-ayos ay lumabas ako ng bahay at nilock iyon.
Hindi ko pa pala nakekwento kay Erick yung tungkol kay Yohan. Maybe later or kapag may free time siya. Sumakay ako ng tricycle papunta sa bahay nila Claire. May mga nadadaanan akong Wanted babysitter etc. Hanggang ngayon nga pala wala pa akong trabaho.
Kamusta na kaya si Mommy? Hindi naman niya kami kinakamusta eh. Siguro busy lang siya. Si daddy kaya? Haaayy.
Bumaba ako sa tricycle at nagbayad. Buti nalang kahit papaano ay may pera pa naman ako. Nagdoorbell ako sa bahay nila Claire. Katamtaman lang din ang laki ng bahay nila. Lumabas siya na bihis na bihis kasama ang mommy niya.
‘’Erin! Bakit hindi mo manlang ako tinext na pupunta ka?’’ sabi ni Claire pagkalapit niya sakin. Tumingin ako sa mommy niyang mukang nasa 30s pa dahil sa ganda nito.
‘’Magandang araw po tita’’ ngiting bati ko kay Tita Anne. Ngumiti rin siya na mas lalong nagpamukhang bata sa kanya.
‘’Magandang araw din iha. Are you here to visit Claire? Sorry Erin iha may pupuntahan kasi kami’’ paghinging pasensya ni Tita. Aww san na ako pupunta nito?
‘’Pero if you wanna stay here okay lang Erin nandiyan naman si ate’’ tumango naman si tita sa sinabi ni Claire. Hmm so nandito si Ate Kay. Tapos na siya sa pag-aaral and she knows me pero hindi ganun kaclose kasi minsan lang kami magkita. Tumango nalang ako kaysa naman sa bumalik ako sa bahay namin at magmukmok mag-isa.
‘’Oh sige iha mauna na kami’’ paalam ni Tita. Nakipagbeso naman sakin si Claire. Pumasok ako sa bahay nilang kulay white at light brown. Hindi masikip tignan at malinis. Nakita ko si Ate Kay na nanonood ng tv.
‘’Uhhmm Ate Kay?’’ pagtawag pansin ko sa kanya. Lumingon siya agad at ngumiti bago lumapit saakin. Kung maganda si Tita Anne at Claire, para sakin dyosa si Ate Kay. She’s almost perfect. She have a long straight hair, slim body, medyo maputi siya and she’s kind. Basta lahat ng maganda nasa kanya na.
‘’Erin! Long time no see’’ niyakap niya ako. Nakasuot lang si Ate Kay ng Oversize white shirt and it looks like wala siyang suot na pang-ibaba pero I know may short siya. Tuwing napunta kasi ako noon dito, halos ganyan kaiiksi yung mga damit niya pambahay pero kapag nasa labas or may lakad siya, lagi namang nakapantalon. Conservative pa din naman.
‘’Oo nga Ate Kay eh’’ niyakap ko din siya pabalik. Kumalas kami sa isat-isa. Kinuha niya ang kamay ko at iginaya niya ako sa living room.
‘’Kamusta na pala kayo Erin? Ive heard what happened’’ she said with sympathy.Ngumiti lang ako kahit alam kong nahihirapan din naman sakin si Erick. Buti nga at sumweldo pa siya kagabi kaya nakakain kami.
‘’Ayos naman Ate Kay. Nagtatrabaho si Erick para saming dalawa.’’ Sagot ko. Dahan dahan siyang umiling.Parang may lungkot sa mata niya.
‘’I cant imagine myself sa sitwasyon niyo. Kahit ganito na ako katanda at kahit may kapatid akong aalalay sakin parang hindi ko pa rin kaya na walang magulang. Erin magpapadala ako sa inyo ng groceries okay?’’ nakangiting sabi niya habang hawak ang kamay ko. Agad naman akong umiling.
BINABASA MO ANG
A Brother's Love (Revised)
RomanceMahirap magmahal dahil sabi nga nila, ito ay komplikado pero paano pa kaya kung sa sarili mong kapatid ka umibig?