Chapter 29

11.5K 151 40
                                    

Erin’s POV

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. We just stared at each other.

‘’Erin! Kain na tayo ng dinner.’’ Rinig kong tawag sakin ni mommy kaya agad akong napatingin sa kanya habang papalapit siya at may dalang mga kaldero at pinggan. Tinulungan din siya ng bangkero. Kumuha ako sa maleta ko ng pwedeng ipanlatag sa buhanginan. Doon pinatong ni mom ang mga dala niya.

‘’My, si Yohan nga pala.’’ Pakilala ko kay Yohan. Ngumiti si mommy kay Yohan.

‘’Hello po.’’ Bati niya. Umupo si mom sa kumot na nilatag ko.

‘’iho makisabay ka na samin.’’ Yaya sa kanya ni mader. Nagpasalamat si Yohan bago umupo sa tabi ko. Mabuti nalang at medyo marami ang kanin at ulam. Sinigang na hipon iyon.

‘’Kamusta nga pala ang unang araw mo dito?’’ tanong ni my habang kumakain kami. Nakwento ko na rin kanina kay Yohan kung bakit ako nagtatrabaho dito.

‘’Okay naman po. Mabuti na rin at nakita ko si Yohan dito.’’ Nakangiting sabi ko kay mom na napatingin kay Yohan.

‘’Boyfriend mo ba siya?’’ maintrigang tanong niya na ikinagulat ko pero cool lang si Yohan sa tabi ko.

‘’My hindi po!’’ sagot ko agad at hindi ko inaasahan ang pagtawa niya. Matagal ko na ring hindi nakitang tumawa si mommy. Kamusta na kaya si dad? Iniisip niya kaya kami? Si Erick, nakakain na kaya siya?

‘’Pero tita okay naman ako sa kanya diba?’’ Yohan said. Full of confidence pa talaga. Agad ko siyang siniko. Mom chuckled.

‘’Oo naman iho, bagay na bagay kayo ng anak ko.’’ Nagulat nanaman ako sa sinabi ni mom. Ang open niya masyado sa ganitong bagay. Hindi ko alam iyon dati dahil wala naman kaming time mag-usap. Nag-apir pa sila ni Yohan. Bagets lang ang peg. I just continued eating habang iniinterview siya ni mom. Paminsan minsan din ay nagkocomment ako.

‘’Erin, why don’t you go have fun for a little with Yohan tomorrow?’’ suggest ni mom. Napatingin naman sakin si Yohan.

‘’Sige po.’’ Agree niya. Wait wait.

‘’Sino na po ang magtitinda?’’ Umiling lang si mommy at winagayway ang kamay niya.

‘’Wala naman masyadong bibili Erin. Tsaka isang araw lang naman.’’ Sabi nito. Tumango tango naman ako. Kunsabagay, iisipin ko lang si Erick buong araw kung tutulala lang ako doon habang nag-iintay ng customers. Alangan namang bantayan pa ako ni Yohan. Hindi siya makakapagrelax sakin. Sumang-ayon na rin ako.

Matapos kumain ay nagpaalam na si mommy samin. Mukhang magkasundo na talaga si Yohan. I don’t know pero parang may somehow aura rin si Yohan na magpapagaan ng loob mo. Kahit na maloko din siya.

Inilipat ni Yohan yung tent niya sa tabi ng tent ko. Naggoodnight na rin si Yuna at natulog sa loob ng tindahan. Ipinasok ko naman ang mga gamit ko sa loob ng tent kasi medyo malaki naman iyon. Naglatag din ako ng kumot at ginawang unan ang ilang damit ko. Pinagpag ko ang paa bago tuluyang pumasok sa tent para hindi malagyan ng buhangin. Si Yohan naman ay nasa loob na rin ng tent niya.

Nahiga na ako at pumikit. Erick… namimiss na kita agad. Natutulog ka na kaya?

‘’Goodnight cheeky.’’ Rinig kong sabi ni Yohan mula sa kabilang tent.

‘’Goodnight!’’ I said bago nakatulog sa kakaisip kay Erick.

-

‘’Mommy! Mommy!’’ I saw my little self crying sa loob ng isang mall na maraming tao. Sa tingin ko ay 3 or 4 years old palang ako nito. Then a little boy came up to her. Siya lang ang nakapagpatahan dito. I think this is Erick.

‘’Wag ka na umiyak. Tara sama ka sakin.’’ Nakangiting sabi ng batang si Erick.

‘’Gising na Erin!’’ nagising ako sa boses ni Yohan mula sa labas ng tent. Agad akong napaupo at nagkusot ng mata.

‘’Oo bihis lang ako.’’ Sagot ko naman. What a strange dream. Hindi koi yon maintindihan. Nang buksan ko ang aking bag para kumuha ng damit, bumungad sa akin ang phone ko. Pinindot ko iyon at nakita kong maraming text messages.

From Claire:

Hey best! Musta ka diyan? Ayos naman ba? Gusto ko sanang magpunta diyan kayalang may trip kaming pamilya eh.

From Ate Kay:

Hi Erin! Gusto ko lang sabihin na wag ka masyadong magpagod ha uso kasi ang heat stroke. Sobrang init pa naman ngayon.

From Mark:

Erin!!! Miss na kita agad. Balak kong pumunta diyan kasama yung iba para naman makapagbakasyon din. Wag ka malungkot diyan ha? Isipin mo lang ako. Este kaming mga kaibigan mo. Haha!

From Harris:

Yo Erin! Wassup? Okay ba diyan? Maraming sexy? By the way can I get Claire’s number?

Nireplyan ko muna si Claire na okay naman ako at sayang nga dahil hindi siya makakapunta ngayon dahil may family trip sila. Sunod na nireplyan ko si Ate Kay na salamat sa pag-aalala niya. Next is Mark ‘Miss agad? Oo sige punta kayo maganda dito. Hahah’. Pakipot po tong si Harris. Hihingin din pala ang number ni Claire. Binigay ko yon. Sorry bestfriend pero mukhang interested kasi talaga sayo si Harris.

Matapos ko silang replyan ay bumuntong hininga muna ako bago binuksan ang huling message na galling kay Erick.

From Erick:

Erin, miss na kita. Wala kasing maingay dito sa bahay. Pero nandito naman si Dianne. Nakakatuwa nga siya eh kung anu-anong kabaliwan ang ginagawa. And by the way, remember what you told me sa EK? That you like her for me and I should date her? Well, niyaya ko na siya. She was so surprised at excited na daw siya para bukas. Ang cute lang ng reaction niya. Hahaha. Pakabait ka diyan ha?

What…is…this?  

A Brother's Love (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon