Chapter 3

18.7K 187 35
                                    

Erin’s POV

Sabay kaming pumasok ni Erick sa school parehas lang kasi kami ng pinapasukan medyo magkalapit lang din kami ng rooms. Isang ordinaryong private school ang pinapasukan namin.

‘’See ya later sweetie’’ he said as he kissed my forehead. Ang sweet talaga niya. Buti ay walang masyadong tao dito sa labas dahil nasa loob na ng room ang marami. Ngumiti ako. Pumasok na siya sa room niya. Naglakad pa ko ng kaunti bago makarating sa room namin. Iisang building lang kasi ang 3rd year at 4th year. Umupo na ako at sakto naman dahil dumating na ang adviser namin. Nagsimula na siyang mag-intro sa lesson namin.

‘’hi Erin wats up’’ narinig kong sabi nung nasa tabi ko. Hindi ako lumingon sa kanya. Diretso lang ang tingin k okay sir. Baka mamaya mapagalitan pa kami. Ang tahitahimik pa naman.

‘’Shh nakikinig ako kay sir’’ mahinang sabi ko sa kanya na hindi pa rin lumilingon.Siya nga pala si Mark Fuentes crush ko. Laging nagpapacute sakin pero hindi ko pinapansin. Crush lang naman eh. Paghanga. Simpleng salita lang yan. Hindi ko siya kailangang pansinin at isa pa gusto ko lng munang mag-aral ng mabuti.

‘’Sungit naman ng mahal ko’’ pang-aasar niya na kaagad na ikinagulat ko. Ano daw?? Pinigilan kong huwag lumingon sa kanya. Baka pinagti-tripan lang ako nito.

‘’Mahal ka diyan!’’ pabulong na sigaw ko nalang sa kanya. Mabuti nalang at nagsusulat si Sir sa board kaya nakatalikod siya. Malamang alangan namang nakaharap diba? Kitang kita ko sa gilid ng mata ko ang ngisi ni Mark. Oo na gwapo din siya pero mas gwapo yung kapatid ko.

‘’Uyy namumula’’ di ko nalang pinansin ang pang-aasar niya. Tss! Oo na kinikilig na ko. Kahit crush lang syempre hindi pa rin mapipigilan na kiligin.

‘’Kinikilig yan’’ sabi niya habang sinusundot ang tagliran ko. Malakas pa naman yung kiliti ko dun! Iniwas ko yung tagliran ko sa kanya. Ang gulo gulo naman eh.

‘’Uyyy umamin ka na Erin love mo ko no?’’ ang kulit!! Hindi ko pa rin siya pinansin. Love? Big word. Hahahaha Crush ko lang siya no. Pinilit kong wag lagyan ng emosyon yung mukha ko kahit gusting gusto ko na ngumiti sa kilig. Tss oo na pakipot na.

‘’Aamin na yan aami----‘’ tuloy lang siya sa pang-aasar habang parang hangin lang siya sakin dahil nakatingin ako sa sinusulat ni sir sa unahan. Si Mark lang talga yung maingay. Hindi niya naituloy ang pang-aasar dahil napatingin si Sir sa gawi namin.

‘’MR.FUENTES OUT!’’ sigaw ni sir kay Mark aww kawawa naman. Tumayo siya at tumingin saakin. Shett nakaka-awa yung mukha niyang nakatungo habang nakatingin sakin. Lalong tumahimik ang klase yung iba nakatingin sa kanya yung iba naman walang pakielam. Tumingin siya kay sir.

‘’Sir im sorry I just miss my Erin so much’’ he said as he intently look directly in my eyes. Sheeeetttt talaga! Naghiyawan naman yung mga classmates ko. Omygad bakit niya ba sinabi yun? Nakakahiya kahit kinikilig ako! Pinatahimik ni sir yung mga kaklase ko. Mataman niyang tinignan si Mark na nakatingin sakin. Halo-halong emosyon ang makikita sa muka ko. Ganun din naman kay Mark pero nakangisi siya. This is so wrong. Baka malaman pa ito ni Erick magalit pa sakin yun. Teka, bakit magagalit? Aish! Basta! Tumayo ako at nalipat ang tingin nila sakin.

‘’Well I’m sorry Mr Fuentes I don’t have time for love. Sir continue your lectures please’’ Nakita ko ang bahgyang panlalaki ng mata ni Mark. Pinagpatuloy naman ni Sir yung lesson. I don’t know kung seryoso ba sakin si Mark. Nabalitaan ko kasi na marami na siyang ex-girlfriends kaya baka pinagti-tripan niya lang talaga ako. Sorry nalang sa kanya dahil napahiya ko siya sa klase. Pinaupo nalang siya ni Sir. Seryoso ang mukha niya. Hindi siya tumingin sakin. Nakatingin nalang siya sa blackboard. Haayyy nakakaguilty.

A Brother's Love (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon