Chapter 21

13.5K 153 40
                                    

Erin's POV

Nagwawala ang puso ko dahil sa sinabi niya pero bigla niyang pinisil ang ilong ko.

''Ikaw lang ang kukulitin at pipisilin ko ng ganito.''nanggigil na sabi niya sakin. Poof! nawala na yung moment. Inilayo ko yung kamay niya sa ilong ko. Tinignan ko siya ng masama at hinimas ang pinisil niya.

''Ang sakit nun ha!'' reklamo ko sa kanya. Tinawanan niya lamang ako. Lagi niya nalang akong pinagtatawan. Ano bang nakakatawa sakin? Nagtalukbong nalang ako ng kumot. Inaantok na rin kasi ako.

''Goodnight Erin!'' tatawa tawang sabi pa niya. Hindi ako sumagot at ilang minuto lang ay nasa dreamland na ako.

-

''gising nahhh'' narinig kong bulong sakin ni Erick na parang nananakot lang dahil sa boses niyang pansadako. Dahil may pasok kami ngayon, I opened my eyes at kinusot iyon. Lumingon ako kay Erick. Ang lapit ng mukha niya sakin!

''Goodmorning'' he smiled at me then winked. My heart is melting! Tumayo siya at naglakad palabas ng room ko.

''Get ready na.'' pahabol na sabi niya sakin bago isara ang pinto ko. Phew! Unti -unting kumalma rin ang puso ko. Ano ba kasing nangyari kay Erick? Lagi niya akong pinapakilig. Oo na baka may gusto rin siya sakin pero mali iyon kaya hindi ko na din iniisip.

Naligo na ako at nag-ayos. Excited na ko para mamaya. Bumaba na ako matapos ang 40 minutes. Binilisan ko pa ang paggalaw niyan. 

Pagbaba ko ay naglalagay na ng plato si Rick sa lamesa. Nagluto siya ng hotdog and eggs. Nakaligo na rin siya. Hindi ko napansin iyon kaninang paggising ko dahil sa lapit ng mukha niya sakin. Umupo na ako at ganun rin siya.

''Ang daming groceries sa ref. Binili mo yun lahat?'' tanong sakin ni Erick habang kumukuha ng kanin. Nilagyan niya rin ang plato ko. Yung mga binigay ni Ate Kay ang tinutukoy niya.

''Nope bigay iyon ni Ate Kay'' sagot ko naman pagkakuha ng hotdog and egg at sinimulang kumain. Tumango tango naman siya.

''Tagal ko na ring hindi nakikita si Kay.''Komento niya na totoo naman dahil busy nga si Ate Kay ngayon kaya hindi talaga sila nagkikita. Hindi naman sila ganun kaclose pero madalas ay magkasundo sila.

''Ay nga pala Rick kailangan na nating magbayad ng bills. Palala mo ha?'' naalala ko lang kasi na we need to pay our bills na kasi ayoko namang maputulan ng kuryente. Tumango lang si Erick. Itetext ko nalang mamaya si mommy about dun feeling ko kasi hindi sapat yung perang pinadala niya sa lahat ng bayarin dito kasi binawasan ko pa yung perang pinadala niya.

Matapos naming kumain ay pumasok na kami sa school. 

''See ya later'' nakangiting paalam sakin ni Erick bago siya pumasok ng room niya. Tumango nalang ako at ngumiti din. Cant wait! Naglakad pa ako ng kaunti para makapunta naman sa room ko. 

''Goodmorning Erin!'' bati sakin ni Claire pagpasok ko. Agad niya akong hinila sa upuan ko. Hindi naman siya excited? 

''Grabe kung makahila Claire ha?'' pabirong sabi ko. Nag-peace sign lang siya sakin. Good mood na good mood siya ah parang kagabi lang nakapoker face siya dahil kay Harris. Naisipan ko tuloy siyang tanungin.

''Ano nga palang meron sa inyo ni Harris?'' maintrigang tanong ko na nagpawala ng ngiti sa labi niya. May ganun? Bad memories?

''Hmmm wala naman. Wag na natin siyang pag-usapan bestfriend.'' muling sabi ni Claire ng nakangiti pero alam kong peke iyon. Nag-usap nalang kami ng kung anu-ano. Hayaan ko nalang sila. Ayoko namang pilitin si Claire na magkwento.

''Good morning Erin!'' naputol ang usapan namin nung pumasok ang ngiting ngiting si Mark. Hindi naman kami excited lahat?

''Goodmorning'' Nakangiting bati ko naman sa kanya then naupo siya sa katabi kong upuan.

''Hello? Hindi lang si Erin ang tao dito'' masungit na sabi ni Claire na tinawanan namin ni Mark.

''Hahaha sorry. Goodmorning Claire''  bati ni Mark. 

''Yeah good morning'' malamyang bati pabalik ni Claire. Parehas kasi kaming matampuhin niyan.

''Hey Mark, Libre mo kaming lahat mamaya diba?'' said Claire na parang sure na sure siya sa sinabi niya. Haha mahilig din to sa libre eh.

''Sinong may sabi? diba ikaw ang manlilibre?'' pabirong sabi ni Mark kay Claire. Nakijoin naman ako.

''Ikaw kaya Mark'' pabirong sinabi ko sa kanya nagtawanan naman kami.

''Sabi ko nga'' he said then scratched the back of his head. Yey libre! Kayalang kawawa naman si Mark anim din kaming ililibre niya.Sumama pa kasi si Dianne. Kanya kanyang bayad nalang kami mamaya.

Pumasok na ang adviser namin kaya tumigil na kami sa pagkukulitan. Matapos ang apat na oras ng pagtuturo ay tumunog na ang bell. Kumain muna kaming apat sa canteen. Si Harris nga pala sa ibang school daw nag-aaral. Pagkatapos kumain ay nag-usap-usap kami na sa bahay nalang nila Claire kami magkikita-kita.

Pag-uwi namin sa bahay ay pumasok na ako agad sa kwarto ko para magbihis. Sabi ni Erick nakapagpaalam na siya sa pinag-tatrabahuhan niya and pupunta nalang daw dito si Dianne tapos kasabay namin siya sa pagpunta kina Claire. Tss pakielam ko ba sa Dianne na yan.

Nag-hanap ako ng shorts at shirt dahil mainit sa labas and narealised ko na hindi dapat ako magdress dahil mababasa kami sa Rio Grande. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng room ko. Nadatnan ko siyang tinutupi ang polo niya hanggang sa elbows. 

Bakit ba kasi ang gwapo niya? He is wearing a polo na tinutupinga niya kulay dark blue sa taas pero fade naman sa baba. Nakasuot naman siya ng simpleng pants at adidas shoes. And his hear is a little messy. Bumilis ang tibok ng puso ko nung tumingin siya sakin.

Kinunot niya ang noo nang makita ang kabuuan ko. Panget ba yung soot kong Simpleng shirt at short na hanggang half of my legs lang at sandals na pwedeng mabasa?

Unti unti siyang lumapit saakin at sa hindi ko malamang dahilan ay umatras ako. Parang hinahabol nanaman ang puso ko. 

''Seriously Erin, ayokong nagsusuot ka ng shorts'' seryosong sabi niya sakin habang nilalapitan ako hanngang sa tumama na ang likod ko sa pader.Hindi ako makapag-isip ng diretso dahil sa pinaparamdam niya sakin ngayon. 

''Bakit?'' mahinang tanong ko. Feeling ko kasi ay hinigop niya na lahat ng lakas ko dahil sa lapit niya. Inilagay niya ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ko. Lalong kaming naglapit sa ginawa niya. Omygad. Ano bang pumasok sa isip niya at ginagawa niya to? Nagwawala na ang sistema ko.

''I dont want guys looking at you'' he whispered right before my face. 1 inch nalang ata ang agwat ng mukha namin. Kumakalabog na ang puso ko. Hindi na ako makahinga.I tried not to look tense.

''Bakit?'' tanong ko ulit. Bakit ko pa tinanong? ofcourse he is protecting me dahil kapatid niya ako. Ang assuming ko naman.Inilapit niya ang mukha niya sa tainga ko.I can feel his breath sa leeg at tainga ko. Kinilabutan naman agad ako doon. Siguro ay nararamdaman niya na din yung malakas na pagtibok ng puso ko dahil sa lapit niya.

''Kasi gusto ko akin ka lang.'' He whispered huskily na nagpainit ng mukha ko.

MYGOD Erick! 

A Brother's Love (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon