Erin’s POV
Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko. Pagkaupo ko sa kama ay agad akong nakaramdam ng pagkahilo. Hinipo ko yung noo at leeg ko. Mainit ako. Ayoko pa naman sa lahat ay yung umaabsent. Pano ba ito? Ang sama ng pakiramdam ko.
*tok tok* Bumukas yung pintuan. Si Erick pala. Pumasok siya at umupo sa kama ko. Nakapantulog pa din siya.
‘’Bakit ganyan ang itsura mo? May sakit ka ba?’’ Pinatanong niya yung kamay niya sa noo at leeg ko. Napakunot ang noo niya.
‘’May lagnat ka. Mahiga ka muna diyan kukuha ako ng gamot at pagkain. Hindi ka papasok huwag kang makulit.’’ Kinumutan niya ako dahil nanginginig din ako sa lamig. Hindi nalang din ako umangal sa gusto niya. Niyakap ko nalang yung kumot at pumikit. Narinig kong bumukas-sara yung pinto.
Haayyy mahina kasi resistensya ko eh. Tumayo ako para umihi at magmumog. Hindi pa ako makatayo ng maayos dahil parang umiikot yung ulo ko. Niyakap ko kaagad ang sarili dahil nilamig ako lalo. Pumasok ako sa cr at ginawa ang dapat gawin. Pinatay ko yung electric fan sa kwarto at nahiga ulit. Hinigit ko pabalik yung mga kumot. Oo nga pala hindi ko pa nasasabi yung kulay ng kwarto ko. Kulay skyblue siya kasi para saakin masarap sa mata yung skyblue. Yung mga gamit ko naman blue or white ganun din ang kay Erick mas darker nga lang yung sa kanya.
Napatingin ako sa pinto nang magbukas iyon. May dala siyang tray. Pinatanong niya iyon sa side table ko at naupo siya sa gilid ng kama.
‘’Kumain ka muna’’ kinuha niya yung mangkok na may lamang noodles. Napatingin ako sa mukha niyang full of concern. Umupo muna ako at sumandal sa headboard ng kama.Nilagyan niya ng sabaw yung kutsara at hinipan. Ang swerte rin siguro ng magiging asawa niya. Ay! Ano ba tong sinasabi ko? Inilapit niya sa bibig ko yung kutsara.
‘’Say ahhh baby’’ Malambing na sabi niya. Nakatingin lang siya sakin. Bumilis ang pagtibok ng puso ko. Kinakabahan yata ako baka siguro may masamang mangyayari? Ay ewan. Binukas ko yung bibig ko at sinubo naman niya yung sabaw ng noodles. Matapos niya akong pakainin ay pinainum niya ako ng gamot. Niligpit niya na yung pinagkainan ko at lumabas ng kwarto. Bumalik nalang ulit ako sa pagkakahiga.
Bakit ba sobrang maalaga sakin si Erick? Ramdam na ramdam ko lagi kung paano niya ko alagaan. Gustong gusto ko yung way niya ng pag-iingat sakin. Kung pano niya ako tignan ng puno ng pag-aalala at…. Pagmamahal. Pagmamahal bilang kapatid at ganun rin ako sa kanya.
Bumukas ulit ang pintuan. Sinilip ko si Erick na palapit sakin. May dala siyang maliit na planggana. Hindi ko na mabuksan ng maigi yung mata ko.Naupo ulit siya at binasa yung towel na dala rin niya. He caress my forehead.
‘’You’re so hot’’ seryoso ang mukha niya nung sinabi niya yon. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Bakit kasi you’re so hot pa? Pwede namang ‘sobrang init mo’. Pinunas niya sa mukha ko ng dahan dahan yung towel na binasa niya. Pumikit nalang ako. Bumaba yung pagpupunas niya sa leeg ko.
‘’Erin, kailangan mong magpalit ng damit. Basa ka na ng pawis.’’ Sabi niya habang pinupunasan yung kamay at braso ko. Tinignan ko lang siya. Ang pupungay na ng mga mata ko. Tumayo siya at naglakad palapit sa cabinet ko. Naghalungkat siya doon. Lumapit siya ulit saakin na may dala dalang shirt at jogging pants. May kasama pang underwear! Pero may mas matindi pa dun, may kasama ding whisper! Sheet ewan ko ba basta nahihiya ako. Lalaki pa rin kasi siya.
Inalalayan niya akong maupo. Hinawakan niya yung dulo ng shirt ko. Tinignan ko yung mukha niya na parang wala lang sa kanya yung ginagawa niya ngayon. I held his hand to stop him from taking off my shirt. He looked at me with confusion. Wala lang talaga sa kanya yung ginagawa niya. Pero naiilang pa rin ako.
‘’Ako na’’ nahihiyang sabi ko sa kanya. Tumango naman siya. Kinuha ko yung mga damit na hinanda niya at tumayo. Inalalayan naman niya ako papunta sa cr. Sinara ko yung pinto. Pinatong ko muna sa sink yung mga damit ko.
*tok tok* Ano namang kailangan ni Erick? Ayos lang naman ako. Kaya ko na magbihis mag-isa. Binuksan ko ng kaunti yung pinto para silipin siya.
‘’Nakalimutan mo’’ sabi niya sakin habang hawak niya yung pad na kinuha niya. Nanlaki ang mata ko. Agad kong kinuha iyon at sinara ang pinto. Bakit kahapon hindi ako nahiya? Dapat nga mas mahiya ako kahapon eh. Siguro kasi natakluban ng pagpapanic yung kahihiyan ko sa kanya kahapon.Nagpalit na ako ng damit at lumabas ng cr. Nadatnan ko si Erick na nakaupo sa kama ko. Agad siyang tumayo at inilalayan akong humiga ulit sa kama. Kinumutan niya ako. Naalala kong may pasok nga pala. Bakit nandito pa siya?
‘’Diba may pasok ka?’’ mahinang tanong ko sa kanya. Wala akong energy ngayon eh. Bumuntong hininga siya bago humiga sa tabi ko.
‘’Dito nalang ako. May sakit ka hindi ako pwedeng umalis. Now sleep Erin 8am palang naman’’ sagot niya then niyakap niya ako ng mahigpit. Now I feel so warm. Nilingon ko siya. Nagkadikit ang ilong namin dahil sa ginawa ko. Nakapikit siya. Hinalikan niya ako sa noo.
‘’Stop staring at me. Sleep’’ sabi nito at hinigpitan pa lalo ang yakap sakin. Napangiti nalang ako at pinikit na rin ang mata hanggang sa makatulog kami parehas.
BINABASA MO ANG
A Brother's Love (Revised)
RomanceMahirap magmahal dahil sabi nga nila, ito ay komplikado pero paano pa kaya kung sa sarili mong kapatid ka umibig?