Erin’s POV
Pinunasan ko ang mga luha ko. Ngayon na ang alis namin ni mommy. Ayokong iwan si Erick pero para naman ito sa ikabubuti. Babalik din naman ako pagkatapos ng summer pero iba pa rin yung pakiramdam na hindi ko makakasama si Erick sa loob ng mahigit dalawang buwan. Nagpaalam na rin ako kila Claire, Mark at Harris maging kay Ate Kay. Kinuha ko na yung maleta at isang bag ko. Binuksan ko ang cabinet upang tignan kung may dadalin pa ba ako. May nakita akong reagalo sa loob ng drawer niyon. Naalala ko na para pala ito kay Erick. Napakatagal na pala nito sa cabinet ko pero hindi ko pa naibibigay sa kanya dahil lagi kong nakakalimutan.
Ito yung shirt na may nakalagay na ‘Possible’ . Bumagsak ang balikat ko at nagsimula nanamang manikip ang aking dibdib. Impossible kami. Makakalimutan ko rin siya balang araw at hindi na ako magseselos sa kanila ni Dianne. Kailangan ko lang magtiwala sa sarili ko na kaya ko siyang kalimutan. Baka nga sila talaga ni Dianne ang para sa isa’t isa. Kung hindi naman siya, sigurado naman akong hindi ako iyon.
That’s it. Kailangan ko lang siya kalimutan while Im away. Sobrang daling sabihin pero sobra namang hirap gawin. Mas madadagdagan pa ang oras nila ni Dianne pag-alis ko kaya siguro naman makakatulong din iyon sa pagmomove on ko dahil mas marerealise ko na hindi talaga kami pwede.
Naramdaman ko nanaman ang pagdaloy ng luha ko kaya agad ko iyong pinunasan. Nag-ayos muna ako ng kaunti bago ako lumabas ng kwarto ko. Nadatnan kong nakaupo si Erick sa sofa. Tulala. Damn! Ayoko talagang iwanan siya. He suddenly look at me with his sad gloomy eyes. Iniwas ko nalang ang tingin ko.
‘’Si mommy?’’ tanong ko nalang. Narinig ko siyang bumuntong hininga bago sumagot.
‘’Nasa labas na iniintay ka.’’ Lame naman na sabi niya. Naglakad na ako patungo sa pinto para makalabas na pero mabilis na nakatayo siya sa sofa at hinabol ako. He grabbed my arm.
‘’Ingatan mo ang sarili mo Erin. I wont be there if you need me.’’ Malungkot na sabi nito. Napapikit naman ako ng mariin. I always need him pero I need to forget my feelings first. Tumingin ako sa kanya at nakita ko nanaman ang mukha niyang malungkot na may halong inis. Kinuha ko sa bag ko yung gift at inabot sa kanya. Clueless na tinignan niya lang iyon.
‘’Regalo ko pa sayo yan nung birthday mo. Nakalimutan ko lang ibigay.’’ I said bago niya kinuha yung regalo.
‘’Thanks.’’ Pagpapasalamat naman niya na nakangiti ng tipid. Tumango ako at kinagat ang labi.
‘’Sige alis na ako. Alagaan mo rin ang sarili mo Erick.’’ Medyo nahirapan pa akong sabihin iyon. Napabuntong hininga nanaman siya at tumango. Lumabas na ako ng bahay at nakita kong nag-iintay nga si mommy sa labas. Sakto namang dumating yung taxi na kakilala ni mom. I glanced again kay Erick. Nakasandal siya sa pinto habang nakapamulsa. I waved him goodbye. He just nodded and gave me a sad smile. He’ll be alone in this dull house. Nalulungkot tuloy ako lalo.
Sumakay na kami sa kotse. I gave Erick one last look. Nakita kong umiling siya bago pumasok ng bahay at isara ang pinto. Umandar na din ang taxi.
Ipinakilala ako ni mommy kay Kuya Roy na driver ng taxi. Childhood friends daw sila. Tumango nalang ako at ngumiti. Mukhang mabait naman si Kuya Roy. Nag-uusap sila ni mommy kaya tumingin nalang ako sa bintana. Ano na kayang ginagawa ni Erick?
BINABASA MO ANG
A Brother's Love (Revised)
RomanceMahirap magmahal dahil sabi nga nila, ito ay komplikado pero paano pa kaya kung sa sarili mong kapatid ka umibig?